CHAPTER 2

36 6 20
                                    

Chapter 2 : Bully

"Where do you think you're going, bitch?"

Palabas na sana ng room si Noriashna nang bigla na lamang s'yang harangin ni Gaie—ang bully sa campus nila kasama ang mga alipores nito.

Ngunit hindi lamang s'ya makikitaan ng kung anong emosyon sa mukha, nakatingin lang s'ya dito ng diretso na animo'y parang sinasabing ang tanga ng tinanong n'ya.

Tapos na ang klase, syempre uuwi na ako. Saan pa ba ako pupunta? Saad ni Noriashna sa kaniyang sarili. Hindi n'ya tuloy maiwasan na umirap.

"Did you just rolled your eyes on me?" Labas sa ilong na tanong nito, humakbang pa papalapit sakan'ya ngunit hindi man lang s'ya umatras.

"What's the problem with that? Roll your eyes too, stupid." Sagot ni Noriashna dito.

Kung kaya s'ya nitong tawagin sa kahit na ano, aba s'ya ay hindi magpapatalo. If Giae can call her whatever she want, she can too.

Nagulat ang lahat ng nakasaksi sa biglaang pagtulak ni Gaie kay Noriashna. Hindi makaalis ang ibang estudyante dahil nakaharang sila sa pinto. Tumama ang likod ni Noriashna sa may dulo ng mesa ng isa sa mga kaklase nila. Alam ng lahat kung gaano kasakit ang tumama doon pero hindi man lang napaigik si Noriashna ng dahil lang doon.

Napangisi s'ya dahil nagawa n'yang asarin ang bully sa campus na ito. Takot ang lahat sakan'ya, ngunit hindi n'ya alam kung bakit takot na takot sila dito, e, ang payat-payat nito. Kung tutuusin ay kaya nilang lahat baliin ang buto ni Gaie sa isang hilaan pa lamang.

"Don't you ever talk back when I am talking, wala ka pa sa talampakan ko." Diing singhal ni Gaie kay Noriashna habang magkalapit ang mukha nilang dalawa.

"You should be thankful. Kung hindi ako nagsalita, magmumukha kang tanga. But oh well, dati ka na palang tanga so what's the point." Parang wala lang kay Noriashna ang mga pinagsasasabi n'ya, ikinrus n'ya pa ang mga braso n'ya sa may dibdib n'ya. Nababagot na s'ya.

Astang sasapakin na sana ito ni Giae nang mapigilan n'ya ang braso nito.

"Once is enough. I won't let you hurt me twice, because I will give it back to you thrice." She said flatly, staring intently into Giae's eyes.

"Ouch!" Hiyaw nito saka s'ya itinulak palayo.

Giae held her own hands trying to ease the pain and marks left by Noriashna's roughly grip.

"Don't be too dramatic. Hindi naman mahigpit ang pagkakakapit ko sa'yo, mahirap na, baka mabali 'yang buto mo." Insulto n'ya dito kaya naman nanlaki ang mata ng mga estudyante dahil sa biglaang palatak nito.

Nobody can do what she just did. They are all coward when it comes to the bully, why does people let them downgrade other people? Why can't they even defend themselves?

Bumaling ang tingin n'ya sa estudyante na tahimik na tumitingin sa kanila. "You let this girl bully you? What for? To give her pleasure or something?" Tanong n'ya dito pero walang sumagot, takot dahil baka sila ang susunod na mabiktima. "You can easily defeat her, she has no authority at all. You're not weak, you're just a coward." She left them all, dumbfounded.

Hind n'ya maintindihan kung bakit kailangan pa nilang gawin 'yon. Can't they just treat people fairly? Mahirap bang gawin 'yon?

Mga takot malamangan.

Naglakad nalang s'ya pauwi sa bahay nila dahil kaya n'ya naman at nagtitipid s'ya sa pamasahe. Nag iipon kasi s'ya para bumili ng bagong damit para sa kaarawan n'ya. She'll be nineteen soon, ngunit hindi s'ya makapaniwala na aabot s'ya sa ganoong edad despite being mistreated by her own father.

The Gifted Ones Where stories live. Discover now