CHAPTER 8

28 4 14
                                    

Chapter 8; The Alpha Students

Nakaupo si Noriashna sa kaniyang study table nang makarinig s'ya ng katok sa pinto ng kaniyang dorm.

Tinitigan n'ya muna ito saka maingat na pumunta sa gawi ng pinto. Dahan-dahan n'yang binuksan ang pinto at bumungad sakan'ya si Maxxea at Melginara kasama si Sivanah.

"Hello, Noriashna!" Maxxea and Sivanah both greeted her cheerfully. Si Melginara naman ay napairap nalang dahil sa ingay ng dalawang kasama n'ya.

"Sivanah is your new roommate." Sabi ni Melginara kay Noriashna. "Sivanah said you two get along well."

"We do?" Tanong ni Noriashna kay Sivanah, kaya naman napakamot si Sivanah sa kaniyang ulo dahil sa pagkapahiya. Narinig pa n'yang natawa si Maxxea ngunit hindi n'ya ito pinansin.

"Bakit mo sinabi? Sabi kong secret lang, e. Nahiya tuloy." Sita ni Sivanah kay Melginara, nakanguso pa. Umirap ulit si Melginara dito, kaya tumawa ulit si Maxxea.

"Okay lang ba sa'yong kasama mo 'to dito?" Melginara demanded with a concerned expression on her face.

Napasinghap naman si Sivanah dahil sa narinig at madramang inilagay ang kamay sa bibig. "Nakakasakit ka na ha!"

"I know the feeling of being in one room together with Maxxea, knowing her, Maxxea's constant noise is extremely disruptive and makes it nearly impossible for me to concentrate. she was so noisy that I can't even focus on everything I do because all I hear is her voice. Just checking up." Napakurap-kurap hindi lang si Noriashna kundi pati na din si Maxxea dahil sa narinig.

"Alam mo, minsan ka na nga lang maging madaldal, walang katutuhanan pa lumalabas sa bibig mo." Asik sakan'ya ni Maxxea, lumaki pa ang butas ng ilong nito.

"Hoy, mas madaldal pa saakin si Maxxea, promises, ’te ko." Sabi naman ni Sivanah na nakataas pa ang kanang kamay na parang nanunumpa.

"Frankly speaking, I prefer individuals who are not overly chatty. Nonetheless, as a newcomer, I can manage the situation, albeit with some difficulty." Sagot n'ya sa tinanong ni Melginara.

Lumaki naman lalo ang ngiti ni Sivanah dahil sa sinabi ni Noriashna. "Oh pak! Sino ka d'yan?" Nagyayabang pang anito.

"Tamo, kapag si Noriashna nagdaldal may sense mga sinasabi. Tapos ikaw? Hay nako!" Asik nanaman ni Maxxea, kaya naman nakatanggap s'ya ng irap galing kay Melginara.

"We have to leave now. Don't forget to lock your windows and doors, and go to bed early." Paalala sakanila ni Melginara.

"Huwag na huwag din kayong lalabas ng dorm, okay?" Dagdag naman ni Maxxea, napatango naman si Sivanah dahil sa sinabi n'ya.

Nilock na nila ang pinto pagkapasok palang nila at ibinalik nalang ni Noriashna ang kan'yang atensyon sa ginagawa kanina.

Sa kabilang banda, inayos naman ni Sivanah ang mga gamit n'ya. She was just so happy to become Noriashna's roommate. May interesting na tao s'yang nakilala ngayong araw, kaya gusto n'yang makipagkaibigan dito dahil kalmado ito sa lahat ng bagay.

Pagkalipas ng ilang minutong pag-aayos ay pabagsak n'yang inihiga ang sarili sa isang kama na katabi lang ng kay Noriashna. Tinitigan n'ya ang likod ni Noriashna.

"I'm curious, would you mind sharing if you have any nicknames?" Tanong ni Sivanah kay Noriashna kaya natigilan naman si Noriashna.

Noriashna tilted her head to the side and thought about what nicknames she had. Bukod kasi sa malas, walang kwenta, pabigat, at problema ay ’yon lang ang naririnig n'yang tinatawag sakan'ya ng Ama n'ya.

The Gifted Ones Where stories live. Discover now