CHAPTER 4

29 5 10
                                    

Warning: Inappropriate words and Actions. Read at your own risk.

**✿❀ ❀✿**

Chapter 4: Monster

School girls chattering.

Plates and Forks are tinkling.

Laughter is everywhere.

That was all Noriashna can hear right at this moment. She was now in the cafeteria, eating alone when four girls disturbed her time alone.

Nakakrus ang mga braso nito at nakataas ang kilay habang nakatingin sakan'ya. Ngunit hindi s'ya interesado na pansinin ito kaya hindi n'ya man lang tinapunan kahit na isang segundong tingin.

At mukhang naasar naman ang mga babae dahil sa inasta n'ya. Kaya malakas na hinampas ng isa ang mesa nito dahil para maagaw nila ang atensyon ng mga estudyante.

“Hindi mo ba ako nakikita?” Nakataas na kilay na saad nito habang nakasandal pa din ang dalawang mga palad sa mesang pinag-kakainan n'ya. “Hindi naman ako maliit.”

“Pero ’yang utak mo, oo.” Walang ano-anong sagot ni Noriashna dito dahilan para mangunot ang noo ng babaeng kaharap n'ya.

Pinulot nito ang pagkain na nasa tray bago walang sabing hinampas ito sa mismong pagmumukha n'ya. Nagulat pa ang mga estudyante dahil sa biglaang ginawa nito ngunit walang naglakas loob na pigilan ang nangyayari.

Wala pa ding makikitang emosyon sa mukha ni Noriashna kahit na basa at may mga kanin ito sa mukha at sa damit. Wala siyang pakialam kung anong gawin sakan'ya ng mga tao.

Hinila nito ng mahigpit ang likod ng buhok n'ya dahilan para mapatingala s'ya. “I said don't talk back when I am talking, bitch.”

Nanggigigil na saad nito sakan'ya na para bang gustong-gusto s'ya nitong tirisan ng wala sa oras. Napangisi naman s'ya, ngunit sa pagngisi n'ya ay s'ya namang ikinagalit nito. Kaya hinila s'ya nito patayo habang hawak-hawak pa din ang mahabang buhok n'ya.


Hinila s'ya nito patungo sa labas ng building ng skwelahan nila at dinala s'ya sa restricted area sa may likod lang ng building nila. Walang estudyanteng nakasunod sakanila dahil hinarangan kagad ng mga alipores nito ang mga estudyante.

“Surpise!”

At tumambad sa mukha n'ya ang nasa benteng kalalakihan na may dala-dalang iba't ibang pamalo. Napatingin s'ya sa babaeng nakahawak sakan'ya dahil alam n'ya na ang mangyayari.

I won't let these assholes downtrodden me. Saad ni Noriashna sa kaniyang isip. Bago binato ng madiin na tingin ang mga lalaki.

“Balita ko 3 weeks from now na ang birthday mo, kaya heto ang regalo ko sa'yo. Sorry, ha? Napaaga.” The girl said with a honeyed voice. Atsaka nagplaster ng pekeng ngiti sa mukha n'ya.

“Thank you. Nag-abala ka pa talaga.” Noriashna said in a monotonous voice. Kaya nawala ang pekeng ngiti sa labi ng babaeng kausap.

“Boys, simulan n'yo na para hindi na makadada.” Utos nito sa mga kalalakihan na kaagad naman nitong sinunod.

Sumugod sakan'ya ang isang malaking lalaki na may hawak na baseball bat, at nang makalapit ito sakan'ya ay pwersahang hinampas nito ang ulo ni Noriashna. Napabaling ang ulo nito sa kaliwa kasabay ng pagtulo ng kaniyang dugo mula sa noo dahil sa malakas na pagpalo nito sakan'ya. Narinig n'ya pa ang tawanan ng mga kababaihan dahil sa ginawa ng lalaki nila.


The Gifted Ones Where stories live. Discover now