CHAPTER 6

21 6 9
                                    

Chapter 6: Wondermist Academy

"How did you get here?"

Nakatingin si Noriashna ngayon sa babaeng nakatutok sakan'ya ng matulis na bagay, isa 'yong katana. Sa kinahaba-habang paglalakad n'ya ay ito pa ang sasalubong sakan'ya pagkarating n'ya palang sa malaki, kulay itim at mataas na gate na nasa harapan n'ya.

Tinignan n'ya ang iba pang kasamahan nito. Dalawa silang babae, at isang lalaki ang nakatingin sakan'ya ngayong masama. Na para bang s'ya ang kalaban na matagal na nilang hinihintay.

"Naglakad." Sagot n'ya dito.

Iyon naman talaga ang totoo, naglakad s'ya sa madilim na gubat at natunton n'ya ang lugar na ito.

"I'm not joking, Miss whoever you are. Answer me honestly, or else I'll cut your body into pieces." Matalim na tingin ang iginawad sakan'ya ng babaeng nasa harap n'ya.

Walang panahong makipagtalo si Noriashna dito, kaya medyo nangunot pa ang noo n'ya. Tinitigan n'ya muna ang tatlo isa-isa, bago s'ya tumalikod para umuwi. Nagpakawala pa s'ya ng malalim na hininga dahil sa frustration na nararamdaman. Bakit kasi naisipan n'ya pang pumunta dito? Hindi naman pala s'ya welcome.

Kasalanan mo 'to, Nanay Briz!

Nakakailang hakbang palang s'ya nang marinig n'yang tinawag s'ya ng hindi kilalang boses. Binalingan n'ya ng tingin ang kung sino mang tumawag sakan'ya at nakita n'ya ang isang matandang medyo sopistikada ang mukha. Sa tayo palang nito ay may kapangyarihan na na dala. Nakangiti ito sakan'ya, ngunit ang mukha ni Noriashna ay hindi nakikitaan ng anumang emosyon.

Noriashna tilted her head to the side and stared at the middle-aged woman with confusion in her eyes, she slowly walked towards them to see the woman's face.

"How come you know this place? Did someone tell you?" Kunot din ang noo nitong tanong sakan'ya, hindi n'ya maiwasang ipagkrus ang mga braso n'ya sa harap ng dibdib n'ya dahil sa mga tinatanong nila.

Pero sinagot n'ya pa din ito dahil ayaw n'ya namang magmukhang walang respeto. "My Mother told me."

"Who's your mother?" Kuryusong tanong ng medyo matanda na babae kay Noriashna.

"Why do you need to know?" Balik na tanong din nito sakan'ya.

Bakit pangalan ng Mama nya ang itinatanong imbes na pangalan n'ya? May saltik ba sa utak ang mga 'to?

"Who's your mother, dear?" Ulit na tanong nito sakan'ya, kaya napabuntong hininga si Noriashna.

"Just tell me if I'm not allowed to be here. I'll immediately excuse myself." Naputol na ang pasensya n'ya kaya iyon ang sinagot n'ya.

Bakit napakarami pang tanong kung pwede naman s'yang pagsabihan na umalis na? Madami pang pasikot-sikot, hindi nalang s'ya ideretso.

"I'm not going to let you go home, dear." Nakangiti ng sagot sakan'ya ng matandang babae, mas lalo tuloy s'yang nakuryos. "Pumasok na tayo bago pa tayo maabutan ng mga nilalang na ’yon." Makahulugang yaya sakan'ya ng matanda. Pero kahit nagtataka ay sinunod n'ya pa din ito.

Pumasok sila sa malaking gate, pero wala s'yang ibang makita kung hindi ang mga kakaiba ngunit malalaking puno. Bakit parang walang katapusan naman at ma ang gubat dito?

Nasa unahan ang matandang babae, nakasunod naman dito ang tatlong sumalubong sakan'ya pagpunta n'ya dito. S'ya ang nahuhuli dahil palinga-linga s'ya sa paligid.

Pagkalipas ng ilang minutong paglalakad ay nakarating na sila sa mismong Academy na tinutukoy noon ni Briz. Ang laki ng lugar. Kitang-kita ni Noriashna ang napakalaki at kulay kremang building na nasa may kalayuan. Natatapakan n'ya na ang bermuda grass, at nasa harapan lang nila ang isang malaking parang wishing well.

The Gifted Ones Where stories live. Discover now