CHAPTER 5

31 8 9
                                    

NORIASHNA


"Pagkatapos mo ay umalis ka na, wala na akong rason pa para kupkupin ka sa pamamahay na ito."


That was his last words before leaving me in the living room, where my Mother was placed in her coffin.


Pinunasan ko ang dugong nanuyo na sa may ilong ko, kinapkap ko ito ngunit gano'n pa din ang pakiramdam. Wala pa din akong maramdaman at pakiramdam ko ay parang hindi ito na agrabyado kanina. Hinawakan ko ang parte ng katawan kong tumama kanina sa iba't ibang parte ng kabahayan, ngunit wala akong maramdamang sakit at wala akong makitang kahit na anong sugat at pasa sa katawan ko.


Bakit hindi 'yon napansin ni Fayre? Wala ba talaga s'yang pakialam saakin kaya hindi n'ya napapansin ang nangyayari sa katawan ko?


Hindi ko alam pero parang may tumutulak saaking pumunta sa kwarto ko, parang pakiramdam ko may naghihintay saakin doon na kung ano.


Tinitigan ko muna saglit si Nanay bago ako umakyat papuntang kwarto. Binuksan ko ng mahina ang pinto at sinilip ang maayos at malinis na mga gamit ko. Sa pag-aakala ko'y madadatnan ko ang parang binagyong kwarto ko, ngunit hindi ko inaasahang madadatnan ko ito ng ganito kalinis. Who cleans it?


Our home is not a home anymore without Nanay's presence. Every time I'm being mistreated, I'll just look into my Mother's eyes to feel protection and hope. And as I looked into her eyes, I learned not to be scared about everything. Because I know that my mother has always been in my back since day one. Hindi man kami close sa isa't isa, pero ramdam ko pa din ang tinatagong kalinga at pagmamahal n'ya saakin.


Napabaling ang tingin ko sa unan ko nang mahagip ng mata ko ang nakaipit na kung ano sa ilalim no'n. Kaagad naman akong lumapit doon para tignan kung ano 'yon.


Isang sulat.


My Noriashna. Pagbasa ko sa nakasulat sa papel gamit lamang ang isip.


Hindi ko alam pero pakiramdam ko biglang lumundag ang puso ko. It was from my Mother. A letter from my Mother. She made it for me.


Dahan-dahan kong binuksan ang kulay kremang envelop para basahin ang laman no'n.


Noriashna,

Hello, anak ko. Madami akong gustong sabihin kaya lang hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kung mababasa mo man 'to siguro nasa kabaong na ako. Kamusta ka naman, anak? May sumasakit ba sa katawan mo? 'Yong puso mo, ayos pa ba? Kasi kung hindi okay, hahalikan 'yan ni Nanay.


Gusto ko lang humingi ng tawad sa mga pagkukulang at kasalanan ko sa'yo. Hindi ako nagpaka-nanay, at inaamin ko 'yon. Paumanhin kasi hindi kita nasasalubong sa tuwing umuuwi ka sa bahay galing sa school. Paumanhin kasi hindi kita nayayakap tuwing umiiyak ka. Patawarin mo 'ko kasi hindi kita napaghahandaan ng makakain sa tuwing nagugutom ka. Patawad kasi hindi man lang ako ngumingiti kapag nand'yan ka. At patawad kung hindi ko naparamdam sa'yo ang pagmamahal ko bilang Nanay mo.

The Gifted Ones Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα