Dice Game - PART XX

Start from the beginning
                                        

Maya-maya pa ay isang maliit na apoy ang sumulpot sa cubicle ni Jerry, napakaliit na apoy na mabilis na kumalat sa buong cubicle ni Jerry. Dahil dito at nagsimula na syang sumigaw dahil sa sakit na nadarama, unang nasunog ang mga damit niya ay ang kanyang buhok. Samantala, napalingon ang lahat sa kanya ng marinig na nilang sumisigaw ito. Wala silang ibang makita sa loob ng cubicle ni Jerry kundi mga apoy, doon nila naunawaan na isang gasoline oil ang likidong bumuhossa kantawan ni Jerry. Kahit na puro apoy ang nakikita nila ay rinig na rinig naman nila ang sigaw ni Jerry dahil dito, muli na naman nilang naramdaman ang lungkot at pagtulo ng luha sa mga mata nila, kasabay nito ang nararamdaman nilang konsensya.

Patuloy pa rin na lumalaban si Jerry. Tumutuklap na ang mga balat nya dahil sa paso, mabilis ring nagsi-agos ang mga dugo sa malalaking sugat na dulot ng apoy. Walang parte ng katawan nya ang hindi nasusunog.

Sumisigaw si Jerry sa sobrang sakit na nadarama, habang pinapanood siya ng kanyang mga kaibigan. Wala ng iba pang makita si Jerry kundi apoy sa kanyang mga mata at unti unti pa itong itinitikom dahil sa mga sugat na dulot ng apoy.

Habang pinagmamasdan nila ang nangyayari kay Jerry ay nakakaramdam sila ng awa at lalo pa nilang naaalala ang malagim na nangyari sa Baguio.

Maya-maya pa isang katahimikan ang dumating, huminto na si Jerry sa pagsigaw, senyales na wala na syang buhay. Pinagmasdan nila ang cubicle ni Jerry. Nakabulagta ang sunog niyang bangkay at walang kabuhay-buhay. May mga natira pa ring apoy na hindi maalis alis sa katawan nito.

Bumukas ang cubicle ng lahat ng mga nabuhay. Isang malaking kahinaan para sa kanila na agad na nawala sa laro si Jerry. Si Jerry ang pinakamatalino at madiskarte sa kanilang lahat at nasanay sila na palaging hinihingi ang mga opinyon niya. Kung wala na si Jerry, bababa na rin ang pag-asa nilang makakaligtas pa sila sa larong ito.

Napamura na lamang ang lahat ng makalabas sila at nakitang tatlong bangkay na ang nasa harapan nila.

RANDY: Puta, mauubos tayo neto!

JESSICA: Ayoko na, di ko na talaga kaya.

Bigkas ni Jessica habang umiiyak, dahilan upang mahawa sina Maricar at Joanna sa kanya, tanging si Candice lamang ang natitirang babae na matatag ang loob.

ALFIE: Ano nang gagawin natin?

Tanong niya na nagpatahimik sa lahat. Sa kalagitnaan ng katahimikan ay muli na namang ipinarinig ng Game Maker ang mala-alien niyang boses.

GAME MAKER: Hahaha! Sobrang nag-eenjoy talaga ako sa mga napapanood ko.

Bungad nito sa kanila, nagsimula na namang mag-init ang ulo nila at kumulo ang dugo dahil sa sobrang galit.

GAME MAKER: My God! Di ba kayo naaawa sa sarili nyo? Tatlo na nawala sa inyo and yet wala pa ring makatukoy kung sino ako. I'm expecting more on you guys, sobrang nadisappoint ako sa inyo, which.... makes everything seems so exciting. Mga engineering students pa man din kayo pero hindi nyo makuha-kuha yung mga logic ng clue na binibigay ko.. Hahaha. Gusto nyo pa ba ng isang clue?

Tanong nito. Walang imik ang lahat, lahat sila ay nakatindig at nanginginig ang mga katawan sa sobrang galit. Kahit na tumanggi sila ay wala rin namang mangyayari dahil alam nilang recorded na ang boses na nagsasalita.

GAME MAKER: Bibigyan ko pa kayo ng isang pang clue. Pero sana naman this time, may mangyari na.

Pakiusap ng Game Maker at saka naman niya ibinigay ang clue.

GAME MAKER: Sino ba sa atin ang mahilig maglaro? At mahilig mag-isip ng laro?...

Bigkas niya. Agad na napaisip ang lahat at agad din silang nagkaroon ng suspetsa.

GAME MAKER: Hahaha! Ayan na yung clue, siguro naman madali nyo nang mahuhulaan yan, maliban na lang kung patutunayan nyong mga mahihina kayo. Sige, mamaya ulit.

Naglaho ang boses at katahimikan ang bumalot sa lahat. Lumingon ang lahat kay Nico dahil walang duda na sya ang tinutukoy ng clue. Ngunit napansin din nila sa mga mata nito ang pagkagulat na sya ang tinutukoy ng clue. Si Nico ang logic master ng tropa at ang palaging nag-iisip ng laro sa tuwing vacant time nila sa klase.

NICO: Guys.. I-It's not me. Maniwala kayo.

Kinakabahang ibinigkas ni Nico ngunit nakatitig pa rin ang lahat sa kanya. Hindi na napigilan pa ni Randy ang sarili at agad na nilapitan si Nico at hinablot ang kanyang polo.

RANDY: Umamin ka na, bakit mo ba ginagawa 'to?!

Agad na bintang ni Randy sa kanya. Nagsimula namang pagpawisan si Nico dahil sa ibinigkas ni Randy at sa mga mata na nakatingin sa kanya.

NICO: Randy.. Maniwala kayo, hi-hindi ako ang Game Maker. Wag kayong maniwala sa boses na yan, hindi ako ang Game Maker.

Pagmamakaawa niya. Maya maya pa ay nagulat na lamang ang lahat sa mga sumunod na nangyari.

Sinampal ni Candice sa mukha si Randy at agad na hinila si Nico sa kanyang pagkakahawak. Napainda si Randy sa lakas ng pagkakasampal ni Candice at nagalit.

RANDY: Bakit mo nagawa yun?! Pinagtatanggol mo ba si Nico?!

CANDICE: Hindi ko sya pinagtatanggol, iniiwasan ko lang na magkapatayan tayo dito dahil sa mga makikitid nyong utak, lalo ka na!

Diretsahan nyang isinambit  kay Randy dahilan upang lalo ring mag-init ang ulo nito. Walang nagawa si Randy kundi ang titigan lamang ng masama si Candice.

RANDY: Anong sabi mo?!

CANDICE: Totoo naman e, sugod ka ng sugod, hindi ka nag-iisip ng mabuti. Masyado ka kasing nagpapaniwala sa Game Maker. Oo, alam natin lahat na si Nico ang tinutukoy sa clue ng Game Maker, pero naisip rin ba ninyo na kung kayo ang Game Maker, gagawa ba kayo ng clue na madali kayong matutukoy? Hindi di ba, kasi buhay nyo rin ang nakataya dun. Ginawa ng Game Maker yung clue na yun para kumilos tayong lahat at magsimulang magpatayan.

Sermon nya sa kanyang mga kasama at wala kahit isa ang nakaimik.

CANDICE: Kung wala pa kayong sapat na ebidensya, wag kayong sugod ng sugod.

Dugtong niya.

HIKO: Teka, pano kung si Nico nga talaga yung Game Maker at sinusubakn nya lang na ireverse psychology tayo para hindi natin sya paghinalaan.

Tuloy tuloy na bigkas ni Hiko. Napalingon lamang ang lahat sa kanya, habang si Nico naman ay nagulat na parang sumasang-ayon si Hiko na sya nga ang Game Maker.

CANDICE: Anong ebidensya mo?

Napangisi muna si Hiko bago nya ipinaliwanag ang lahat.

HIKO: Nakalimutan nyo na ba? First day of school. Umamin sya na sya ang may gawa ng mga text messages na natanggap noon nila Norman at Nancy? Aminin na rin natin na patungkol ang mga text message na yun sa nangyari sa'ten sa Baguio. Pero ano yung dahilan nya kung bakit nya ginawa yun, sabi nya di ba napagtripan nya lang. Yung mga text messages na yun, hindi pa ba sapat na dahilan yun para patunayan na si Nico nga ang Game Maker.

Bigkas ni Hiko, dahil sa kanyang mga sinabi ay naudyukan ang lahat na si Nico nga ang Game Maker.

MARICAR: Oo nga, hanggang ngayon parang hindi mo pa inaamin kung bakit mo ginawa yun.

Naiipit na sa sitwasyon si Nico at lumingon pa ang lahat sa kanya na parang may pagkadismaya. Nang sunod-sunod nang nagbigay ng opinyon ang lahat ay saka na naghimasok ang dalawa.

ALFIE: Pwede ba magsitigil kayo!

Napahinto ang lahat sa bulyaw ni Alfie.

JOANNA: Ang totoo nyan, alam namin yung dahilan kung bakit si Nico yung umamin nung araw na yun.

Bigkas ng dalawa, napalingon ang lahat sa dalawa at nagulat sa kanilang mga sinabi.

ΦΦΦ END OF PART XX ΦΦΦ

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now