EPILOGUE

10 3 2
                                    

Hindi na kailanman nag-krus ang mga landas nina Reinz at Fern. Pero simula nung makita ulit ng binata ang babaeng sobrang minahal niya, hindi na ito nawala sa utak niya. Nalaman na rin ni Chim na nandito na ulit sa Pinas si Fern pero hindi na rin sila nakakuha ng pagkakataon para magkita. Ramdam ni Chim ang pagbabago ni Reinz kahit pa tumatawa ito.

Kaya naghanap siya ng oportunidad na kausapin ang binata para malaman niya kung anong tumatakbo sa isip nito.

Sinundo ni Reinz si Chelsea sa bahay nina Chim kasi may pasok pa ang bata. Natigilan naman si Reinz nung napansin na bihis na bihis si Chim at sinabing sasabay siya sa kanila. Nakaupo si Chelsea sa back seat habang nasa passenger seat naman ang mommy niya.

Masaya lang sina Chim at Chelsea na nagkukwentuhan about sa mga achievements nito sa school. Matalinong bata si Chelsea at namana niya iyon sa ina niya. Hindi naman maiwasan ni Reinz ang sumabat sa usapan nila dahil masaya siya at proud pa na sobrang talino ng bata. Kung wala silang iniisip na iba, para na silang masayang pamilya na nagkukwentuhan sa loob ng kotse.

Nakarating naman kaagad sila sa school, ayon na naman na may nagnakaw sa parking space ni Reinz kaya sa tabi nalang ulit ng kotse na 'yon siya pumarada. Si Chim na ang nag-insist na ihatid si Chelsea sa classroom nito. Pumayag naman si Reinz at naghintay nalang siya sa kotse niya. Habang naghihintay siya sa loob ng sasakyan ay narinig niya na tumunog ang kotse sa kabila kaya napatingin siya doon at natigilan siya nung makita si Fern na binuksan ang pintuan ng kotse at saka pumasok sa loob.

Natulala saglit si Reinz nung makita kung gaano kaganda si Fern. Hindi lang iyon, hapit na hapit sa kurbang katawan niya ang dress na suot nito. Tuloy ay nanumbalik sa utak niya ang minsang may nangyari sa kanila.

Fvck!” napamura siya sa sarili niya at kaagad na bumaba.

Napansin niya na umaatras na ang kotse ni Fern kaya naman naglakad siya sa mismong harapan ng kotse nito. Nakatitig lang siya sa kotse at napabuntong-hininga. Para sa kanya, ito na ang tamang panahon para mag-usap sila.

Bumaba ang glass window ng driver's seat at dumungaw si Fern doon. “Excuse me?” aniya ng babae.

“Let's talk.” seryosong saad ni Reinz.

Fern rolled her eyes at ipinasok ulit ang ulo sa kotse. Akala ni Reinz ay babanggain siya nito pero narinig niya na pinatay ng babae ang makina ng kotse. Bumukas ang pintuan sa driver's seat at lumabas si Fern.

Magka-krus ang mga braso niya sa ilalim ng dibdib habang naglalakad palapit kay Reinz. Nung tuluyan na siyang makalapit....

“Anong pag-uusapan natin, Mister?” mahinahon pero madiin na tanong ni Fern.

“Mister? Tssk, ang lakas ng trip.” mahinang saad ng binata pero tinaasan lang siya ng kilay ni Fern. “Alam mo ba kung ilang beses na kitang nasabihan ng mga masasamang salita sa utak ko dahil inaagawan mo lagi ako ng parking space?”

“Wala namang nakalagay na sign na sa'yo lang pala ang parking space na 'yan.” mataray na saad ni Fern.

Doon, doon niya na confirmed na anak talaga ni Fern si Hana.

“Kahit na, alam ng guard dito na ako lang ang nagpa-park sa space na 'yan pero sa tuwing nakakarating ako dito palagi mo akong nauunahan.”

Napabuntong-hininga si Fern. “There are still a lot of parking space na available, okay?”

“Pero nasanay na kasi akong diyan palagi mag-park!”

"Love, Sorry." (Crestfallen Series#1) Where stories live. Discover now