CHAPTER TWO

70 34 4
                                    

(2012-2013)

Natapos ang taon na sobrang daming nagbago. After nung pag-uusap namin ni Reinz, mas lalo siyang nag-iba. Sa magandang paraan. Sa paraan na siya lang din ang nakakaintindi.

Maayos kong ipinaliwanag kay Reinz ang nararamdaman ko sa kanya. Pinaalam ko sa kanya na hindi ako handa sa isang bagay na alam kong wala akong kaalam-alam. Naintindihan niya naman ako at buti nalang talaga nirerespeto niya ang desisyon ko. Pero after nun, napansin ko na iniiwasan na niya ako. Ayos naman sa akin iyon kasi naisip ko na baka kailangan niya din.

Tapos nalaman ko nalang din isang araw na naghiwalay na pala si Chim at Gelbert. Hindi detalyado na kwenento sa akin ni Chim ang nangyari pero ang naalala ko ay nagkahiwalay sila dahil may mga bagay silang hindi napag-usapan ng maayos. I asked how she felt after their breakup, she told me that it was painful and she's afraid to love again because of what happened.

Hindi ko maitatanggi na bigla kong nailagay ang sarili ko sa sitwasyon niya.

Paano kung sa akin nangyari iyon, sigurado bang masasaktan ako sa paghihiwalayan namin?

Magsisisi ba ako kung bakit pinasok ko ang bagay na iyon?

Magiging masaya ba ako dahil hindi na kami?

Hindi ko talaga alam kung anong mangyayari sa akin kung papasok ako sa isang relasyon.

Pero isa lang ang alam at nasisiguro ko, hindi ako handa. Hindi ako handang masaktan, sumaya dahil sa isang tao at mas lalong hindi ako handa na iparamdam sa isang tao kung espesyal ba sila o hindi sa buhay ko.

Kaya hindi talaga ako nagsisisi na ipaalam kay Reinz kung ano ang tunay na nararamdaman ko. Atleast diba hindi tatagal ang nararamdaman niya sa akin kasi hindi ko siya binigyan o pinakitaan ng rason para umasa. Kasi kapag may nakitang pag-asa ang isang tao, gagawa sila ng bagay para iparamdam nila sa taong nagugustuhan nila na may rason sila para umasa.

Kaya nung summer vacation namin, wala akong ibang ginawa kundi ang tumambay sa kwarto ko at puro pagbabasa lang ng libro ang inaatupag. Paminsan-minsan rin naman ay binibisita ako nila Rena at Chim sa bahay para gumala kami.

Wala naman masyadong espesyal na nangyari sa bakasyon namin maliban nalang talaga sa mga araw na nakakasama ko ang mga kaibigan ko.

Dumaan ang ilang buwan at pasukan na naman, sophomore na kaming tatlo. Akala ko nga nung first day of school ay hindi ko na kaklase sina Rena at Chim pero buti nalang talaga at kaklase ko pa rin sila. PERO, Hindi ko na kaklase si Reinz. Kaya minsan ko nalang siya napapansin tuwing dumadaan sa hallway kasama ng mga barkada niya.

May mga bago rin kaming mga kaklase, ang iba sa kanila ay nasa kabilang section dati. Akala ko pa naman ay walang espesyal na mangyayari sa taon na iyon maliban nalang i-achieve ang mataas na grades para makapasok pa rin ako sa achievers ng class.

Sa first day of school namin, nag-elect kami ng officers. Yun kasi ang nakasanayan diba. Yung mga kaklase ko sa freshmen dati, ini-nominate ako bilang secretary ng class at dahil siguro sa magandang asal at ugali na pinakita ko sa kanila ako yung naging secretary ng section namin. Kinakabahan nga ako kasi hindi ko talaga alam kung paano mag handle ng section bilang isa sa classroom officers.

Then dumating sa punto na nagiging comfortable na kami sa mga kaklase naming bago, dumating rin sa punto na mas lalo kaming nadadagdagan. Nakilala ko si Janine at Maria na eventually naging kaibigan rin namin. Doon ko lang din napagtanto na mas maganda pala talaga kapag may marami kang kaibigan pero syempre dapat isipin mo rin kung totoo ba sila.

Pero sabi nga nila, kapag may dadating may mawawala. Hindi naman literal na mawawala pero nabawasan kami ng isa. Si Rena. Nagkaroon ang pamilya niya ng malaking problema at humantong sa punto na naghiwalay ang parents niya. Dahil sa sobrang kapos nila, napagdesisyunan ng ina ni Rena na titira na sila sa probinsiya nila. Sobrang layo daw ng probinsiya nila kaya kailangan niyang tumigil sa pag-aaral.

Love, Sorry (IDBIHES#1) Where stories live. Discover now