CS#1: WHERE IT ALL STARTED

23 4 0
                                    

Hi, I'm Fern Magdalene Rusiana!

Bago natin simulang basahin ang kwento patungkol sa gwapong nilalang na nabubuhay sa mundong ito, nais ko lang munang sabihin sa inyo na i-like ang bawat chapters ng libro at huwag kalimutan na i-recommend ito sa mga kaibigan ni'yo. Salamat! <3

🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼

THIS IS WAY BACK 2011-2012

After I graduated sa elementary, mom asked me if I want to transfer to a new school o gusto ko lang ba na manatili sa Alma mater ko. Unang pumasok sa utak ko ay ipaalam iyon sa pinakamatalik kong kaibigan. Si Rena May Villanueva. She was my classmate way back in sixth grade and we became closed because her mom and my mom knew each other.

When I told Rena about my mom's plan, I made sure that she was part of it. Because, we're friends of course. Ayaw ko na maiwan ang kaibigan ko at gusto ko na kasama ko siya habambuhay.

So fast forward, after makapag-enroll hindi naging madali para sa akin ang mag-adjust sa new environment ko pero with the help of Rena's presence everything went smooth.

Ano ba ang usual na ginagawa sa first day of school? Nandoon yung self introduction. Kailangan din iyon lalo na at transferee kami sa paaralan na medyo may kalayuan sa city.

Since shy type kaming dalawa ni Rena, we decided na maupo sa pinakaharap dahil hindi namin napapansin o hindi namin binibigyan ng pansin ang mga kaklase sa likuran. May nakatabi akong student nun, sobrang tahimik niya at naisip ko na baka wala siyang kaibigan kaya walang kumakausap sa kanya.

Since ako naman ang nasa tabi niya naisip ko na maging friendly sa kanya. And as the time goes by, we eventually became friends. She's Chimberly Grace Santos by the way but we used to call her Chim. Shy type rin katulad namin ni Rena pero comfortable siya na kasama kami.

So imbis na kaming dalawa lang palagi ni Rena ang nagkakasama tuwing recess, lunch at dismissal, dumating si Chim sa buhay namin na hindi naman namin pinagsisihan dahil madali siyang pakisamahan at mabait siyang kaibigan.

When our teacher went in, she introduced herself. Sinabi rin niya sa amin na dalawang section ang iha-handle niya for the meantime dahil hindi pa na finalize ng isang teacher kung sino-sino ang mga students na under sa section niya. Kaya sa maikling panahon si Ms. Lopez muna ang naging class adviser namin.

After she introduced herself, she called us one by one to introduce ourselves. Hindi ko na masyadong naalala ang mga pangalan ng mga kaklase ko dahil nga sobrang dami namin. Nasa mahigit singkwenta ata kami o baka exaggerated lang ako.

So ayun nga, after ng ilang estudyante na ipakilala ang mga sarili nila, isa-isang tinawag ni Ms. Lopez ang mga transferee (including me, Rena at Chim) para magpakilala. Kasi daw, ang ibang mga students doon ay magkaklase na pala since elementary pa at isa din sa dahilan kung bakit hindi pa na finalize ang dalawang section ng freshmen dahil may mga transferee na nadadagdagan.

"Ms. Villanueva?" napatingin ako kay Rena nung tawagin ni Ms. Lopez ang surname niya. "Please introduce yourself."

Tumayo si Rena sa harapan at nagpakilala sa sarili niya. "Good morning everyone, my name is Rena May Villanueva. I am fourteen years old."

"Do you have any talents or hobbies?" - Ms. Lopez

"My talent or hobby is playing chess, Miss."

"Oh, that's great. And what made you decide to transfer here?"

"Ahmmm....may school bus po."

&quot;Love, Sorry.&quot; (Crestfallen Series#1) Where stories live. Discover now