CS#1: THE LAST STRAW

11 3 0
                                    

Pauwi na kami sa bahay ni Chim habang siya ang nagmamaneho ng kotse niya. Nakaupo ako sa passenger seat at nakatingin lang sa kawalan. Iniisip ko pa rin ang nangyari at ang mga sinabi ni Kaizer kanina.

Maayos na ipinarada ni Chim ang kotse niya sa parking lot ng bahay nila at lumabas na siya. "Labas." seryosong utos niya sa akin na kaagad ko namang sinunod.

Pumasok kaming dalawa sa loob ng bahay niya. Hinarap niya ako habang nakadikit ang palad sa noo niya.

"What the fuck was that, Reinz?" parang hindi makapaniwala na tanong niya. Tinuro niya pa ang main door na bahay niya na parang nandoon ang bar. "What's wrong with you??" Napabuntong-hininga ako pero hindi ko siya sinagot. "Halos hindi ko na makilala si Kaizer dahil sa ginawa mo!"

"Binastos niya ang isang babae doon, tinulungan ko lang siya Chim. Wala namang mali sa ginawa ko diba?" malumanay na tanong ko sa kanya.

"You almost killed him!"

Napaiwas ako ng tingin.

Anong almost killed him? Ang oa naman ng reaksyon nito.

Tinignan ko siya nung may naalala ako. "Nga pala, anong ginagawa mo dun?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Alam ko kung gaano ka big deal sa iyo ang bar na iyon, Reinz. Kararating ko lang nun tapos iyon pa ang naabutan ko sa'yo!"

"Stop shouting, will you?" malumanay pero madiin na tanong ko sa kanya.

"Dahil hindi ko maintindihan kung bakit umabot pa sa puntong binugbog mo na ng sobra si Kaizer! Maiintindihan ko kung dahil nambabastos siya ng babae pero hindi mo na siya dapat pang bugbogin!"

I sighed. "He deserves it."

Tinignan niya ako na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Dahil na naman ba kay Fern 'to, Reinz?" tinignan ko lang siya. Napahawak si Chim sa noo niya at nagpalakad-lakad sa harapan ko. "My gosh! Pwede kang makulong sa ginawa mo, okay?!" hindi ko siya sinagot dahil wala akong takot na naramdaman sa sinabi niya. "Wake up, Reinz!"

"Bakit ko naman gagawin 'yon?" walang gana na tanong ko sa kanya.

"Sa tingin mo ba magiging masaya si Fern kapag nalaman niya 'yang ginawa mo?"

Matunog ang pag-ismid ko sa tanong niya. "Anong pinupunto mo? Na magiging masaya ba si Fern dahil siya pa rin ang mahal ko o hindi siya matutuwa dahil sinaktan ko ang gagong pinili niya kaysa sa akin??" Natigilan siya sa sinabi ko. "Huwag mong ipamukha sa akin na mali ang nagawa ko. Kung sa tingin ninyo mali iyon, wala akong pakialam. Dapat lang naman sa kanya na mabugbog dahil alam mo kung bakit? Nalaman ko ba naman na pinagpustahan lang si Fern nila Quennie. Matutuwa ka pa rin ba?" galit na tanong ko sa kanya at natigilan naman siya sa sinabi ko.

"R-Reinz..."

Pero napansin ko na parang may kakaiba sa reaksiyon. Alam kong nagulat siya sa sinabi ko pero parang may iba sa reaksiyon niya.

"Teka, alam mo ba na pinagpustahan si Fern?" salubong na kilay na tanong ko sa kanya.

Hindi siya nakasagot at naiwas niya pa ang paningin niya sa akin. Napamaang ako dahil tama ang hinala ko!

"All this time, alam mo ang bagay na iyon? Pero hindi mo man lang sinabi sa akin, Chim??" galit na tanong ko sa kanya. Ang kaninang galit na nararamdaman ko ay nanumbalik sa dibdib ko. "Tang*na!"

"Love, Sorry." (Crestfallen Series#1) Where stories live. Discover now