CS#1: EMPTINESS

9 3 0
                                    

REINZ KYLER'S POV

Ang hirap mag adjust. Sa mga panahon na siya lang ang iniisip ko, kung kamusta na kaya siya, kumakain pa ba siya ng maayos, kung sino ba ang nasa tabi niya tuwing kailangan niya ng masasandalan. Wala akong magawa kundi maghintay ng maghintay. Nakakapagod na rin maghintay sa wala. Nakakapagod rin umasa kung may uuwi ba?

Pagkagising ko nung gabi na may nangyari sa amin, siya kaagad ang hinanap ko. Pero sinabi nalang sa akin ni Chim na umalis na siya. Inamin niya lahat sa akin na dati na palang napag-usapan ng magulang ni Fern na mag-aaral siya sa ibang bansa.

Akala ko kasi pagkagising ko nun, magiging maayos na rin ang relasyon namin. Akala ko pagkagising ko nun, magiging kami na ulit.

Bakit sadyang mapaglaro ang tadhana para sa aming dalawa?

Isang taon na ang nakalilipas pero ni isang balita mula sa kanya ay wala akong natanggap.

Hindi ko lang kasi maiwasang mag-alala sa kalusugan niya at sa magiging anak namin. Buntis siya noong mga panahon na may nangyari sa amin. Hindi man ako ang tunay na ama ng dinadala niya pero hindi ko naman pinagkakaitan ang bata na nasa sinapupunan niya. Hindi ko kailanman inisip na siya ang magiging hadlang para hindi ko na mahalin ulit si Fern.

“Chim, may balita ka na ba sa kanya?” tanong ko nung minsang pumunta ako sa bahay ni Chim. Araw-araw akong pumupunta sa bahay niya para makasagap man lang ng balita.

“Wala Reinz eh, sinusubukan ko namang kontakin ang number niya pero mukhang pinalitan na niya ang number niya.” nalulungkot na aniya.

Napabuntong-hininga nalang ako dahil hindi ko alam kung may nakikita pa ba akong pag-asa para malaman kung ano na ang sitwasyon niya.

“E sa mama niya kaya?” umaasang tanong ko pa. Impossible kasi na walang balita ang mga magulang ni Fern, diba? Alam ko naman na nag-aalala rin ang mga magulang niya sa kanya lalo na at nasa malayo ang anak nila.

Tumingin si Chim sa akin.Tatawagan ko si Tita.” kinontak niya kaagad ang mama ni Fern. “Hello, tita? Good afternoon po, kamusta po kayo? Oh, that's good to hear. Ah, napatawag po ako kasi itatanong ko lang sana kung may balita po kayo kay Fern?..” napansin ko na parang nalungkot siya. “Ah, ganun po ba? Tawagan niyo nalang po ako kung may balita na kayo sa kanya. Salamat po, Tita.”

Napabuntong-hininga ako at napasandal sa sofa.

‘Hihintayin pa rin kita, Fern.’ umaasang sabi ko.

----
AFTER 2 YEARS

Kagagaling ko lang sa school, tinawagan ko kaagad si Chim na magkikita kami. Ililibre raw niya ako eh, pumayag naman ako para naman may magawa ako tsaka baka may balita na rin siya tungkol kay Fern.

Pumunta nga kami sa isang coffee shop na kakabukas pa lang nun. After naming mag-order doon ko lang napagmasdan ng maayos si Chim.

Pumapayat ka yata?” nagtatakang tanong ko sa kanya.

Humigop muna siya sa kape niya saka tinignan ako. “Stress sa study.”

Napasandal ako sa upuan at pinagkrus ang mga braso ko. “Bakit naman?”

Napabuntong-hininga siya. “Sobrang taas ng expectations ng parents ko sa kursong tini-take ko kaya kailangan talagang mag-aral ng mabuti.”

“Kung may kailangan ka naman ay pwede mo akong lapitan. Wala namang kaso kung hihingi ka ng tulong sa akin.” malumanay na sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya ng tipid.

"Love, Sorry." (Crestfallen Series#1) Where stories live. Discover now