20 - DAVINA

30 2 1
                                    

MYXSICA'S POV

Hindi ako mapakali habang kasama namin si Helicus. Tingin ko ay hindi lang nagkataon ito at tingin ko'y hindi siya naliligaw. Kung iisiping mabuti ay wala namang ibang gubat sa Fuego ay tagos lang no'n ay ang Riferro. Imposibleng maligaw siya at imposibleng nagkataon lang talaga.

"Ang lalim yata ng iniisip mo?" Napalingon ako kay Vox at bigla ko s'yang hinila.

Nakita ko kung paano itong ngumiti at saka hinawakan ang kamay ko na agad ko din namang inalis. "You need to fucking listen to me. That man is not fucking lost, okay? He was just making fun of us. I don't think that he would bed lost if there was a chance to change the direction of every forest. That fucking woman is making me lose my patience."

Tumingin siya sa direksyon kung nasaan si Helicus at saka siya napangisi. Alam ko ang ngisi na 'yon at alam ko kung ano ang iniisip niya. Tingin ko ay kailangan ko na s'yang harapin ngayon pero kailangan muna naming malaman kung paanong aalis sa bilog na kristal na kinalalagyan lang din namin. Ipinikit ko ang mga mata ko at saka sinubukang tawagin ang pangalan ni Naia pero wala akong nararamdamang kahit na ano mang tugon at sa punto na 'yon ay nakakuyom ako ng kamay ko.

Hindi na talaga nila ako tutulungan at talagang hinayaan na sa akin ng babaing 'yon ang responsibilidad niya?

Nilabas ko ang pana ko at saka ko ito tinutok sa itaas at nagbabakasakaling may mangyaring himala. Pero nang tumama ito ay parang wala lang. Napakunot ang noo ko at saka ko pinagmasdan mabuti ang tila barrier at saka ako ngumisi at pinakita sa kaniya na kaya kong sirain ang kung ano mang humahadlang sa akin.

"Bakit para kang baliw na nakangisi d'yan?" Napabaling ang tingin ko kay Abriya.

"Bakit ba bigla ka na lang sumisingit?" iritang sabi ko.

"May paraan na ba? Naiinip na kasi ako," sabi nito at tumango ako.

"Kailangan ko lang ng gabay niyo para magawa ang kailangan kong gawin. Ang lalaking 'yon ay bantayan n'yo rin dahil galing siya sa kadiliman. Kapag ang demonyo ay pinanganak na demonyo hindi kahit na kailan man magiging anghel," ani ko at saka sya tumignin kay Helicus.

Tumango siya sa akin at saka ko tinignan si Vox at Hyx na tila alam ang kung ano ang kailangan nilang gawin. Huminga muna ako ng malalim at saka ko binukad ang aking palad. Sa pagkakataon na 'yon ay lumabas ang espadang hindi ko balak gamitin pero kailangan ko ngayon dahil wala naman akong ibang pagpipilian. Mula sa kabilang kamay ko naman ay lumabas ang isa pang espada. Iyon ay ang espadang akin talaga.

"Ano ang balak mong gawin?" tanong ni Helicus sa akin na tila may kung ano'ng pangamba sa kaniya.

Hindi ko siya sinago at saka ako lumipad paitaas at bigla akong napailag nang sugurin niya ako. Tumingin ako sa kinalalagyan niya at agad naman na sumunod sa akin si Vox at Hyx na parehong nasa harapan ko. Sinulyapan ko siya ng tingin at saka ko siya binigyan ng nakakalokong ngiti.

"Kilala kita, Helicus. Kahit ngayon pa lang kita nakita, alam ko ang kakayahan mo at alam ko ang totoong pakay mo," seryosong saad ko kaya naman mas lalong sumeryoso ang mukha niya.

Bigla ay dumilim ang buong paligid at dama ko ang lakas ng kapangyarihan ni Helicus. Hindi ako magtataka kung hinirang s'yang hari pero hindi naman ako pinanganak kahapon para magpatalo. Susugurin sana niya ako nang biglang pumagitan ang parehong espada ni Hyx at Vox. Pero dahil malakas nga si Helicus at tumalsik silang dalawa sa magkaibang direksyon.

Mabilis ko lang s'yang inilagan at kahit na mabilis ang kilos n'ya ay mas mabilis naman ako. Pero dahil mayroong nanonood sa bawat kilos naman ay inihagis ko paitaas ang espada at saka ito sinalong muli at malakas na inihagis sa puntirya kong spot. Nang magawa ko 'yon ay saka ko sinalag ang espada ni Helicus at nagtinginan kami mata sa mata.

"Ano ang kailangan mo sa akin?" tanong ko sa kan'ya.

"Ikaw," sagot nito.

"Lahat kayo ay kailangan ako. Tingin mo ba hahayaan kong magtagumpay kayo sa plano niyo?" nakangising saad ko.

Narinig ko ang malakas na pag-crack na tila may nabasag. Nakita ko kung paanong manlaki ang mga mata niya at sa hindi inaasahan ay inatake siya ni Vox dahilan para tumalsik siya. Tumingin ako kila Abriya at saka ko siya sinenyasan at gumawa ito ng malaking bilog para protektahan kaming lahat. Nang masira ang globo ay saka unti-unting bumungad ang mukha ng isang babae sa aking harapan. Mabilis akong tumungo sa kaniya at saka ko itinapat ang espada ko sa leeg niya at ang isang kamay ko naman ay nakasabunot sa buhok niya.

"Alam niyo ba ang ayaw ko sa lahat? Iyong binibigyan ako ng sakit sa ulo," ani ko at hindi na ako nakapagtimpi pa at sinaksak ko sa kaniya ang espada ko.

Nakita ko ang takot sa kaniyang mga mata pero wala akong pakialam dahil pinapahirapan niya akong pumunta sa kailangan kong puntahan. Tinapat niya ang palad niya sa akin at napaubo ako sa naramdaman kong sakit.

Tangina nakalimutan kong mangkukulam nga pala siya.

"H-Hindi naman ako p-papayag na h-hindi ako gaganti, Myxsica," ani nito.

Nilagay ko ang kamay ko sa ulo niya at saka ko mariin itong hinawakan at narinig ko ang pag-inda nito. Kapangyarihan naming dalawa ang bumabalot sa aming katawan at bago pa niya ako mapatay ay inunahan ko na siya. Bigla ay nawala ito na parang abo sa hangin at ako naman ay napahawak sa kaliwang dibdib ko at hindi ko na natiis ay hinubad ko ang suot ko. Agad naman akong nilapitan ni Vox at saka nito ako pinigilan pero hindi ko talaga kaya.

"Ano bang ginagawa mo?!" naguguluhang tanong nito.

"K-Kailangan k-ko... kailangan ko ng yelo!" saad ko at halos hindi na alam ang kung ano ang gagawin.

Dahil sa panghihina ko ay bigla na lang tumalsik si Vox dahil sa ginawa ni Helicus at tumayo naman ito kaagad at akmang susugod sana pero tinapat ni Helicus ang espada nito sa leeg ko. Mas lalong nag-iinit ang katawan ko at kahit na ano'ng oras ay maaari akong sumabog. Hindi na kakayanin ng katawan ko at mas lalo akong mababaliw sa init na nararamdaman ko.

"Akala n'yo ba ay panalo kayo?" ani nito at makahulugan.

"Ibaba mo 'yang espada mo!" utos ni Fracia.

"Bakit ko gagawin?"

"Dahil sinabi ko? Duh~"

"Ano ba naman, Fracia!" sita sa kaniya ni Abriya.

Hinawakan ko ang espada ni Helicus at sa pagkakataon na 'yon ay bigla na lang itong naging abo at unti-unting natunaw. Napalingon siya sa akin at saka ko tinapat ang kamay ko sa kaniya at bigla na lang s'yang tumalsik at hindi ko alam kung saan. Lalapitan sana nila ako pero pinigilan ko sila.

"M-Myxsica..." ani ni Hyx.

"H-H'wag n'yong balakin... m-masasaktan ko kayo," ani ko at kahit na nahihirapan ay sinusubukan kong lumaban. "K-Kailangan ko lang ng yelo... k-kailangan k-ko n-ng m-m-malamig," dagdag ko pa.

"A-Ako... ako na ang bahala," ani ni Abriya at nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

Tinapat nito sa akin ang kamay iya at unti-unti akong binalot ng yelo at unti-unti rin akong nakakaramdaman ng kaginhawaan sa katawan ko. Dahil sa panghihina ay hindi ko na alam ang sunod na nangyari at nawalan na rin ako ng malay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon