13 - MISSION

71 7 0
                                    

MYXSICA’S POV

Tumungo kami sa may kagubatan sa may likod nitong dormitoryo. Nang makarating doon ay nilapitan ako ni Hyx. “Saan naman ang tungo natin nito? May premyo ba kung ililigtas natin ang kaharian?” tanong nito sa akin.

“Sa totoo lang wala naman akong ibang maaaring isama kung hindi kayo lang. Pero may isang bagay lang akong ipapakiusap sa in’yo,” saad ko.

Nangunot ang noo ni Fracia at saka lumapit sa akin. “Ikaw ang itinakda?” tanong niya at mabilis kong pinitik ang noo nito. “Nakakainis!”

“Pinangungunahan mo kasi,” sabi naman ni ani ni Abriya.

“Ayon rin naman ang sasabihin niya,” nakangusong sabat nito.

“Hindi ako magtataka kung ikaw nga ang itinakda. Sino ba naman ang makakatalo sa ‘yo?” sabi ni Kelson.

“Oo nga. Kahit sa mga pagsasanay ay hindi rin kita matalo. P’wera sa isa d’yan na nanghahamon,” sabi naman ni Hexon.

“Kung wala rin namang matinong ikukumento manahimik ka na lang,” inis na sabi naman ni Abriya.

Itinaas ni Hexon ang parehong kamay niya at saka natawa. Tumingin naman ako kay Hyx at saka siya tumango sa akin. Hindi na ako magtataka kung bakit ganoon ang reaksyon niya. Siya lang din ang malapit sa akin bukod kay Fracia. Lumapit ako sa kan’ya at saka ako umangat ng tingin.

“Alam mo ba kung nasaan ito?” tanong ko saka ipinakita ang mapa sa kaniya.

Tinignan niya ito at saka tinuro ang mga lugar. Nagsilapit naman sa aming iba at saka tinignan ang mapa. “Uy! Ito ang Ethrejal,” ani niya sabay turo sa itaas na bahagi ng mapa. “Ito naman ang Devunieake.”

“Alam mo itong lugar na ito?” tanong ko sa kaniya.

“Ito ay nasa ibabang bahagi ng Lavaticus. Ayon ang pinakadelekadong bahagi ng mundo ng Devunieake na hindi nino man pinagtatangkaan ng kahit na sino,” paliwanag ni Fracia.

“Waw, hindi ako magtataka kung taga doon ka,” sabi ni Kelson.

“Apoy ang una kong kapangyarihan at sa bayan ng Fuego ako nakatira. Kaya alam ko ‘yan,” ani niya.

Tumango na lang ako at saka kinuha ang mapa. “Ano ang mayroon sa Lavaticus?” tanong ni Hyx sa akin.

“Susubukan kong kunin iyong hiyas na kakaiba,” sagot ko.

“Ay bakit?” tanong naman ni Hexon.

“Ang hiyas na ‘yon ay mayroong kakayahang palabasin ang lahat ng mga mahahalagang hiyas sa buong Ethrejal at Devunieake,” sabi ko naman.

Tumango siya sa akin at saka ako nauna nang maglakad. Sumunod naman sila sa akin at nasa likuran ko lang si Hyx. Sa dalawang taon na pananatili ko sa mundong ito ay si Hyx ang natatanging lalaking kasundo ko. P’wera doon sa kambal na Hexon at Kelson pati na rin sa Prinsipeng sing kulit ng isang bata. Habang naglalakad kami sa kagubatan ay napahinto ako dahil mayroon akong naramdaman.

Napahinto rin sila sa ginawa ko at agad na lumapit sa akin si Hyx at pagkatapos ay naramdaman ko ang presensya ni Vox. Napabuntong hininga naman at saka pikong tumingin sa itaas ng puno. Nakangiti ito sa akin at saka siya bumaba sa harapan ko na siya namang ikinayuko ng mga nasa likuran ko.

Ngumuso ito sa akin at saka hinawakan ang kamay ko. “Bakit naman sila lang isinama mo? Hindi mo ba ako isasama?”

Kumunot ang noo ko sa kaniya at saka napatabingi ng ulo ko. “Sasama? Bakit?” tanong ko. “’Ni hindi mo nga kayang pangalagaan ang kahirian niyo sasama ka pa sa misyon ko?” sarkastikong saad ko.

Narinig ko ang pagngisi ni Hyx sa likuran ko at nakita ko kung paanong sumeryoso ang mukha niya. Masama nitong tinignan si Hyx at saka siya tumingin sa akin mulinat ngumiti.

“Handa akong mamatay para sa ‘yo,” banat nito.

Nilatag ko ang kamay ko saka ako naglabas ng apoy. “Sige,” sagot ko at saka binato ito sa kan’ya na agad naman n’yang inilagan.

“T-Teka lang naman mahal ko. Hindi pa sa ngayon paano tayo n’yan magkakaanak kung wala ako?”

“You’re fucking idiot!” inis ko.

“Myxsica.” Napahinto ako sa ginagawa ko at saka ko naramdaman ang kamay ni Hyx sa braso ko. “Tama na ‘yan,” sabi nito at inayos ko ang sarili ko.

“Waw, ayaw sa prinsipe gusto sa mermaid,” kumento ni Kelson.

Narinig kong uminda si Kelson dahil sa pagsiko sa kan’ya ni Fracia. “H’wag ka ngang mang-asar. Mamaya mauna kang mamatay d’yan,” babala sa kan’ya ni Fracia.

Bigla ay nasa pagitan na namin ni Hyx si Vox. “Distansya akin ‘yan,” sabi nito at hindi ko na lang pinansin.

Wala naman akong pakialam sa kaniya at wala rin akong pakialam sa kung ano ang sinabi niya. Dumikit sa akin si Abriya at Fracia at naroon ang kanilang mga nakakalokong ngiti. Ngunit wala pa rin akong pinakitang kahit na ano pa mang ekspresyon ng mukha ko.

“Alam mo hindi ako magtataka kung paano kang magugustuhan ng Prinsipe. Malakas ka—mabait ka naman kahit na paano. Med’yo malamig makitungo pero mayroon pa ring pakialam sa mga tao,” sabi ni Abriya at nagtawanan sila ni Fracia.

“Hindi ba’t magkaaway kayong dalawa noon? Bakit tila magkaibigan na kayo ngayon?” walang ganang tanong ko.

Nagtinginan silang dalawa. “Bawal ba?” tanong ni Fracia. “Kahit naman masama ugali ni Abriya mayroon naman s’yang tsansang magbago,” dagdag pa niya.

“Bakit ako lang ang masama?”

“Ayy bakit hindi ba?”

“Eh, mas masama nga ang isang ‘yan,” sabi nito sabay turo sa akin.

“Sige. Hahayaan ko na lang mamatay kayong lahat,” sabi ko at agad naman nila akong kinapitan.

Ramdam ko ang presensya ni Vox sa kanan ko at si Hyx sa kaliwa ko. Ang kanilang malamig na aura ang nararamdaman ko at sa totoo lang naiirita ako. Pinagsawalang bahala ko na lang silang dalawa at nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Naiinis akong ginagawa ko ito kahit na labag sa kalooban ko. Naiinis akong humantong ako sa ganitong sitwasyon na kinaaayawan ko.

Ilang oras na kaming naglalakad at sa laki nitong gubat ay hindi ako magtataka kung bukas makalawa pa kami makakalabas. Napahinto kaming lahat at ako naman ay napasandal sa puno. Ang sakit ng mga binti ko pero hindi ko ininda. Napasinghap ako sa paglapit sa akin ni Vox at saka tinapat ang kamay niya sa binti ko. Unti-unti ay nawawala ang pangangalay nito.

“Feel better?” tanong nito sa akin.

“Feel better? Ano ‘yon?” tanong ni Kelson.

“H’wag ka ngang makisali sabi!” suway sa kaniya ni Fracia.

“Fine,” sagot ko.

“Grabe may ibang lenggwahe pala kayong ginagamit?” sabi ni Hexon.

“Nasa mundo ng mga tao si Prinsipe Vox dahil hinahanap niya ang itinakda. Doon rin naman lumaki si Myxsica, ‘no,” sabi ni Fracia.

“Do you want me to kiss your legs to—”

Bigla ay nasampal ko si Vox na ikinatakip ng bibinila at ikinatawa ni Hyx. “Do want to die now?” tanong ko at saka siya ngumiti at tumabi na lang sa akin.

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMWhere stories live. Discover now