19 - HELICUS

62 8 0
                                    

MYXSICA’S POV

“Tingin n’yo ba makakarating tayo sa kabilang mundo kung palagi na lang tayong nililigaw ng kung sino?” basag ni Fracia sa katahimikan ng lahat.

Napatingin ako sa paligid at doon ko napansin na wala pala ang pekeng si Hexon. Tumingin ako kay Kelson at naroon pa rin ang manikang hawak niya. Napahinto ako dahilan upang huminto sila.

“Nasaan siya?” tanong ko at sak tinignan nila kung sino ang nawawala.

“Hala ka?”

“Kelson kinalaban mo ang kapatid mo kanina!” sabi ni Vox.

“Ha?” ani nito na naguguluhan.

Napaisip pa ito saglit at saka nanlaki ang mga mata niya. Napatakip pa nga ito ng bibig niya at saka tumingin sa aming lahat. Bumuntong hininga ako at saka muling naglakad. Hindi ko na lang intindi iyon dahil alam ko naman na wala na rin s’yang halaga pa. Gano’n pa man ay kinuha ko ang manikang nasa bag ni Kelson at saka ko inilabas ang totoong Hexon. Napaunat ito ng kaniyang binti at maski ng kaniyang mga braso.

“Grabe ‘yon,” sabi nito at saka tumingin sa amin. “Uy, kamusta kayo,” bati niya sa amin.

Napailing na lang ako at pinagpatuloy pa rin ang paglalakad. Wala akong maisip na maaari naming daanan para makapunta sa ibang mundo. Ang mundo kasi ng Ethrejal ay kabaliktaran ng mundo ng Devunieake. Habang nag-iisip ay napasipat ako ng tingin sa kabilang dako at naramdaman na tila may nakatingin sa akin bukod kay Prinsipe Vox.

Pinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad pero pinakiramdaman ko naman ang kung sino ang nakamasid sa amin. Tingin ko ay alam na nito na alam namin ang kung ano ang ginawa niya kaya hindi na s’ya nakatiis at sumunod na sa amin. Iritable ako sa pagsunod nito kaya naman mabilis akong pumunta sa likuran nito nang hindi niya namamalayan. Batid ko ang pagtataka gayon din ang gulat niya.

Napalingon siya sa likuran at saka ko siya malakas na sinipa sa mukha dahilan para tumalsik siya. Nagulantang naman sina Fracia sa ginawa ko at saka ko hinarap ang lalaking nakasunod sa amin.

“Prinsipe Helicus?” hindi makapaniwalang saad ni Fracia.

“Grabe ang lakas no’n,” hindi makapaniwalang sabi nito at saka tumingin sa akin.

“Ano ang ginagawa mo dito?” tanong ni Vox sa kaniya at saka siya tinutikan ng espada.

“P’wede bang ibaba mo ‘yang espada mo’t baka bumaon sa leeg ko ‘yan,” sabi nito at nakikita kong hindi naman s’ya balakid.

Lumapit ako kay Vox at saka ko hinawakan ang braso nito at inutusan siyang ibaba ang espada niya. Ginawa naman nito ang sinabi ko at saka ako humarap kay Helicus at inilatag ang kamay ko para tulungan sana siyang tumayo. Pero bigla na lang sumingit si Vox at kamay niya ang nahawakan ni Helicus.

“Grabe ang maginoo mo talaga,” pilosopong sabi ko.

“Eh, bakit ba kailangan mo pa s’yang tulungang tumayo, eh may paa naman ‘yan!” inis na sabi nito.

“Eh ano ba ang katapatan mong umangal?” tanong ko sa kan’ya.

“May karapatan ako dahil nagseselos ako!” sagot niya.

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMWhere stories live. Discover now