17 - AIRPIRO

55 7 0
                                    

MYXSICA’S POV

Nang sumikat ang araw ay muli kaming naglakad at tinahak ang kalakihan ng gubat. Tahimik ang bawat isa at walang nagsasalita ‘ni isa. Tinitignan ko lang sila. Nakikita kong gusto nilang mailigtas ang Ethrejal. Nakikita kong gusto nilang maging bayani sa mundong kanilang kinalakihan. Siguro ay naging makasarili lang ako nitong mga nakaraan dahil sa alam kong mabigat ang magiging responsibilidad ko.

Napahinto kami nang makita ang bukana ng gubat ay doon ay bumungad ang magandang kapaligiran. “Waw… ang ganda,” hindi makapaniwalang sabi ni Fracia.

Tinignan ko ang mapa. “Nasa Airpiro tayo,” sabi ko at saka tinignan ang nasa harapan namin.

“Waw, totoo ngang nakalutang ang kanilang mga bahay at maski ang kaharian. Nakakamangha,” kumento ni Kelson.

“Noong una ay nasa Treemako tayo at ngayon naman ay nasa Airpiro. Ano naman ang susunod? Sa Waixerisus?” -Abriya

“Ang Treemako at Airpiro ay halos magkatulad ng land. Nakalutang ang iba sa Treemako pero nasa ibaba pa rin ang kaharian. Ngunit dito sa Airpiro ay nakalutang ang lahat. Tapos ay nasa ibaba ang—waw! Karugtong itong tubig sa Waixerisus!” sabi ni Fracia.

Mukhang kabisado niya ang bawat kaharian.

Tinignan ko ang kabuuhan ng mapa at napansin kong ang bawat gubat ay magkakaiba. Hindi sila magkakarugtong. Ang dulo ng gubat sa Arendelle ay dagat na. Ang dulo naman ng gubat sa Treemako ay apoy na.

Kung gano’n ay paanong tila tumatagos lang kami sa bawat gubat ng bawat kaharian?

Napatampal ako sa noo ko nang mapagtanto kong mayroon nga pala kaming kasamang espiya at mayroong sumasabutahe sa amin. Kung hindi kami makakarating agad sa Devunieake. Bumuntong hininga ako at saka sinubukang mag-isip ng paraan sa kung saan kami maaaring tumungo upang makarating sa mundo ng Devunieake Pinagmasdan kong muli ang mapa at tingin ko ay kabisado rin ito ng nilalang na sumasabutahe sa amin.

“Makakarating pa ba tayo sa pupuntahan natin, Myxsica?” tanong ni Fracia.

“Geabe, gusto kong maligo ang init!” sabi ni Kelson. “Gusto mo bang maligo kasama ko kambal?” tanong nito sa pekeng si Hexon.

“Ahh… hindi na kaya kong palamigin ang sarili ko,” sabi naman nito at natawa ako.

“Pero ano na ang gagawin natin?” tanong ni Hyx.

“Tingin ko ay kailangan nating gumawa ng paraan upang makarating sa Devunieake. Hindi p’wedeng ganito dahil mauubusan tayo ng oras. Kung papunta pa lang ay mahirap na ano pa ang pauwi,” saad ko. Tumingin ako kay Vox at napatingin rin ito sa akin. “Ano sa tingin mo?”

Lumapit siya sa akin at saka tinignan ang mapa. Binaliktad niya ito at nangunot ang noo ko sa ginawa niya. “Don’t let them know what is your next move, if you will, she will make a move to make us lost,” saad niya.

Tumango naman ako sa sinabi nito at saka tumingin sa mga kasama namin. “Naintindihan mo?” tanong ni Fracia kay Abriya.

“Hindi, eh, ikaw?” balik na tanong Abriya kay Fracia.

“Hindi rin.”

“Don’t ano daw?” tanong naman ni Kelson.

Tinignan kong muli ang mapa pero sa pagkakataon na ‘to ay baliktad na. Nanlaki ang mga mata ko at saka ako tumingin kay Vox. “May utak ka naman pala. Bakit ngayon mo lang ginamit?” tanong ko.

“Sinasabi mo bang wala akong utak simula kanina?”

“Oo,” sagot ko at napakuyom siya ng kamay niya.

“Ikaw ang war—”

“Tatahimik ka o hihimlay ka habang buhay?” banta ko.

“Kung sa iyo ako hihimlay habang buhay bakit ako tatahimik?” nakangiting banat niya.

“Dapat siguro ako ang tumahimik,” sabi ko naman at napabuntong hininga na lang ako.

Tinignan ko ang pekeng Hexon at sinenyasan ko s’yang lumapit sa akin. May binigay ako sa kan’ya pero hindi ko ipinakita sa iba. Nagpahinga lang kami saglit pagkatapos ay nagpagpasyahan na naming maglakad ulit ngunit pabalik. Nagtaka naman sila sa nangyayari pero wala akong kahit na ano pa mang sinabi. Wala rin namang naging reaksyon si Hyx at alam kong hindi niya ugaling magtanong. Habang pabalik kami ay napahinto kaming lahat nang makarinig ng angil ng mabangis na hayop. Mula sa harapan namin ay nakita namin ang grupo ng mga asong may dalawang mukha at ang dami nila.

Nakapalibot ang mga ito sa amin at ramdam ko ang mababangis nilang mga tingin. Ang mga laway na tumutulo at ang mga pangil nilang tila sabik sa karne.

“Ang dami nila,” saad ni Abriya.

“Kaya mo ‘yan, tutal naman malakas ka,” ani ko.

“Wala ako sa wisyo para maging isang malakas na nilalang sa mga mata nila, Myxsica. Alam kong mas higit ka pa,” ani naman nito na may inggit.

“Ano ang tawag sa kanila?” tanong ni Hexon.

“Doaso ang tawag sa kanila. Ang may dalawang ulo ang pinaka mababa at ang mataas ay ang may limang ulo,” sagot ni Fracia.

“Lima?” ani ko.

“Oo. Kilala iyon bilang isang Dobera. Sa limang ulo nito ang pinakagitna ang may malakas na kapangyarihan,” paliwanag niya.

Napahilig ako ng aking ulo at saka ako napakagat sa labi ko. “Ihanda niyo ang mga sarili niyo. Ang nakikita niyo ay higit pa,” saad ko at saka sila naglabas ng kani-kanilang mga kapangyarihan.

Nag-umpisa kaming makipaglaban sa kanila at inilabas ko ang espada ko. Napaluhod ako sa papasugod na Doaso sa harapan ko at saka ko itinaas ang espada ko. Bigla ay nawala ito na parang bula indikasyon na patay na ito. Tumingin ako sa likuran ko at nakikita ko kung gaanong kagagaling ang mga kasama ko sa pakikipaglaban.

Habang nakatingin ako kina Fracia ay naramdaman kong may nilalang sa likuran ko at agad akong naglabas ng apoy. Mabilis itong umiwas at hindi naman ito makakaligtas sa bilis ng mga mata ko. Nakikita ko siya ng malinaw at alam kong hindi rin naman siya basta-bastang nilalang. Umak’yat ito sa mga puno at agad ko siyang sinundan.

“H’wag mo akong tinatakbuhan na para kang duwag. Harapin mo ‘ko!” saad ko at saka naghanda ng pana at itinutok ito sa kaniya.

Binitawan ko ang palaso at saktong bumaon ito sa braso niya dahilan para malaglag ito sa punong kinalalagyan niya. Bumaba ako at saka ko inilabas ang espada ko at napaangat ito ng leeg niya at nakangising tumingin sa akin.

“Kinagagalak kong muli kang makita Prinsesa ng  Haterial. Kamusta ka?” sarkastikong tanong nito sa akin.

“Sino ka at ano ang atraso ko sa iyo?” tanong ko.

Binunot nito ang palaso na nakabaon sa kaniyang braso at saka niya pinagaling ang kaniyang sarili. Wala naman akong kahit na ano mang eskpresyon sa ginawa niya at tinignan ko lang siya ng masama.

“Tsk. Sino nga ba naman ang makakaalala sa isang nilalang na napaglumaan na?” makahulugang saan nito.

“Ikaw h’wag mo akong pinipikon baka matapos kita ng wala sa oras. Tinatanong ko kung sino ka hindi ko tinanong kung sinong nakakaalala sa ‘yo. Tanga mo,” napipikong sabi ko.

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMWhere stories live. Discover now