11 - THE HISTORY OF PAST

67 7 0
                                    

MYXSICA’S POV

Matapos ang eksenang nangyari ay mas lalong nabahala ang lahat. Nababakas ko ang takot sa kanilang mga mukha at ang pangamba na baka bumalik ang kung sino mang lalaki na iyon. Napatingin ako sa isang batang babae at batang lalaki. Tingin ko ay kambal sila. Parehong umiiyak at magkahawak ang kanilang mga kamay.

“Tingin mo ba babalik pa siya?” tanong ng batang babae sa kapatid niya.

“Hindi ko alam, Kila, h’wag kang mag-alala. Lalabas din ang itinakda. Hindi tayo mamamatay,” saad ng dalawa na s’yng tila ikinakirot ng puso ko.

“Myxsica.” Napalingon ako sa kung saan dahil sa pagtawag ng kung sino sa pangalan ko.

“Tinatawag niyo ba ako?” tanong ko kina Hyx.

Umiling ang mga ito at muli akong napabaling ng tingin sa ibang direksyon nang muli akong tawagin ng boses. Ngunit tila nabobosesan ko ito at tingin ko ay galing ito sa dyosa ng digmaan at kapayapaan. Lumabas ako sa kumpol ng maraming tao at sa labas ay nakita ko ang limang dyosa kabilang ang isa pang dyos at pati na rin si Miralina at ang dragon. Nangunot ang noo ko sa kanila at hindi ko alam kung bakit sila nagpakita ngayon.

“Hindi mo p’wedeng baliwalain ang iyong nasaksihan, Myxsica,” ani ni Miralina. “Sapagkat milyong taong naririto sa Ethrejal ang manganganib. Tingin mo ba ay hindi babalik si Hellgurd?”

“Bakit ba ako ang pinili mong pasahan ng obligasyong dapat ikaw ang gumagawa?” galit na tanong ko.

“Sapagkat tapos na ako sa aking obligasyon. Ito ay iyong obligasyon na.”

“Lintik na obligasyon ‘yan.”

“Makinig kang mabuti babaing walang modo at walang iniisip kung hindi ang sarili niya.” Napalingon ako sa lalaking may hawak ng isang libro. “Kung hindi mo gusto ang iyong responsibilidad at ang pagiging isang itinakda. Maari ka nang bumalik ka sa pinagmulan mo.”

“Ayon naman pala—”

“Pero sa oras na manganib ang buong Ethrejal ay madadawit ang mundong kinabibilangan ng mga mortal at pati na rin ang iba pang demensyon. Kung sa tingin mo ay mas mainam ang bumalik na lang tignan natin kung sino ang mawawalan,” walang ganang sabi nito sa akin at saka s’ya tumalikod.

Malungkot akong tinignan ng iba pang mga dyosa. “Tama si Albus, Myxsica. Kung gusto mong manahimik na lang mas mabuti pang malaman mo na lang ang totoo kung bakit naging ganito ang lahat simula pa noong umpisa pa lamang,” saad ni Linnea.

Tumingin ito kay Naia at saka naman tumingin rin ang iba pa. Nakamasid lang ang lalaking may gintong araw sa kan’yang korona at tila pinapanood lang ang kung ano ang gagawin ng kan’yang mga dyosa.

“Mula sa iyong angkan ang pinagmulan ng gulong nangyayari ngayon sa Ethrejal, Myxsica,” sabi ni Naia at saka itinaas ang kan’yang palad.

Mula sa harapan ko ay nakita ko ang isang babaing may itim na korona. May itim itong buhok at kulay pula ang dulo. Nakikita ko kung gaano’ng katapang ang kan’yang mukha at kahit na matanda na ito’y malakas pa rin.

“Iyan ang iyong Lola Mathilia. Isa s’yang makapangyarihang babae sa buong Ethrejal noon at walang kahit na sino man ang makatalo sa kan’ya. Ngunit nang magkaroon nang anak si Lajo ang kapatid ng iyong Lola Mathilia sa iyong ina ay naging babala siya kay Mathilia,” paliwanag ni Levania.

Habang nakikita ko ang kahanapan sa nangyayari noon ay nakita ko kung gaano pinaghirapan ng aking ina na pangalagaan ang buong Ethrejal. Napatingin ako kay Miralina.

“Kung ang aking ina ang nangalaga sa buong Ethrejal laban sa aking Lola, eh, ano’ng silbi mo?” sarkastikong tanong ko.

“Ako ang inatasan ng iyong ina upang gampanan ang pagiging isang magiting na mandirigma. Ngunit dahil natumbasan ko ang kan’yang kapangyarihan at kakayahan ay iginawad niya ako bilang isang maalamat na mandirigma ng kaharian ng Arendelle. Dahil ako ang tumalo sa iyong Lola at ako rin ang nagbigay ng pansamantalang kapayapaan sa Ethrejal,” paliwanag nito.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi ko alam kung kanino ako dapat magalit. Sa Lola ko ba o sa sarili ko. Pakiramdam ko ay isinumpa akong nilalang. Habang pinapanood ang pinapakita nila sa akin na nakaraan. Nakita ko ang kagandahan ng akig Ina. Ang makinis at maputi nitong balat. Ang maganda at dilaw nitong mga mata. Ang mapupula nitong labi at pati na rin ang maganda nitong ngiti. Nakita ko rin kung paano silang nagkakilala ng aking ama. Kung paano silang nag-ibigan dalawa at sa kung paano akong isinulang sa mundong ito.

“Ang kaharian ng Haterial ang iyong tirahan. Doon ka isinulang at isa ka ring Prinsesa. Ngunit dahil sa isang manghuhula nanganib ang iyong buhay. Dahil ikaw ay isang Maalamat na mandirigma nang Arendelle,” sabi naman ni Levania

Nangutnot ang noo ko sa sinabi nito. “Arendelle? Galing ako sa Haterial, paano ako naging maalamat na mandirigma ng Arendelle? ‘Ni wala akong ambag sa kaharian na ‘to!”

“Dahil ang Arendelle ang lubos na pinahirapan ng iyong Lola, Myxsica. Ang kaharian ng Arendelle ay ang pinakaimportante sa buong Ethrejal at kahit sa ibang mundo. Dahil ito ang nagbibigay liwanag at nagbibigay ng magaganda at masusustansyang pagkain. Kahit sa mga kagamitan,” sagot nito sa akin.

Hindi ako sumagot at muling napatingin sa ipinakita nilang nakaraan at nakita ko kung paano akong protektahan ng aking ina. Mula sa pagiging puti ng kaniyang buhok ay naging kulay kahel ang kan’yang buhok. Ang kulay ng kan’yang mga mata ay nag-iba rin. Nakita ko kung gaano s’ya kalakas at kung paano s’yang lumaban sa mga nilalang na gawa ng aming kamag-anak.

Wala akong pinakitang emosyon sa kanila pero ang sakit na makitang nahihirapan sila upang iligtas lamang ako. Nakarating ang mga ito sa isang kagubatan at mula roon ay nakita ko ang Prinsipe na si Vox. Napaisip ako sa kung ano ang ginagawa nito doon at paano s’yang kilala ng mga magulang ko.

Gumawa ito ng portal at saka ako ibinigay ng mga magulang ko sa Prinsipe. Hindi ako makapaniwalang mas matanda pala sa akin ng ilang dekada ang lalaking iyon. Kaya pala hinanap niya ako sa mundo ng mga mortal. Dahil alam niya kung sino at ano akong klasing nilalang. Pumasok ito sa portal kasabay no’n ay bumungad ang bahay ng kinilalang kong mga magulang.

“Alam ni Prinsipe Xiphus kung sino ka, Myxsica,” ani ni Warilina.

“Eh, bakit hindi niya inamin kay Hellgurd ang totoo? Gusto niya bang mamatay lahat ng mga nasasakupan niya?” walang emosyon kong sabi at saka nawala sa harapan ko ang pinakita nilang nakaraan.

“Dahil alam n’yang hindi ka pa handa at kinasusuklaman mo pa ang pagiging isang itinakda,” sagot naman ni Airalina.

Doon ko lang din napagtanto ang sinabi nito at saka ako napalingon sa loob ng Olympus. Ang mga nababahalang tao at maski ang mga batang kahit walang muwang ay pinipilit maging matapang para mabuhay. Bumuntong hininga ako at saka tumalikod sa kanila at saka ako bumalik sa loob. Doon ay hinanap ko ang Prinsipe at saka ko ito nilapitan at hindi inaalis ang tingin ko sa kan’ya. Nang makalapit ako ay nakatingin ang Reyna, Hari at Prinsesa sa amin.

“Maaari ko bang makausap ng pribado ang in’yong anak?” pagpapaalam ko.

Ngumiti ang si Vox na tila natutuwa sa kung ano ang sinabi ko. “Uyy, mukhang aamin ka na sa akin ng iyong pag-ibig mahal ko,” sabi nito.

“Manahimik ka tanda,” walang ganang saad ko.

Nakita ko kung paanong magpigil ng tawa ang Prinsesa. “Sige lang. Babalik na muna kami sa palasyo at pag-uusapan ang suliraning ito,” sagot naman ng Hari.

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMWhere stories live. Discover now