3 - THE PRINCE

106 12 0
                                    

MYXSICA’S POV

“Hindi namin kinaya ang mga nangyari. Grabe ang ginawa mo kay Abriya!” kuwento ni Akia.

“Marami ang namangha sa ginawa mo at marami naman ang nagalit kay Abriya,” sabi naman ni Fracia. “Pero…” Nagkatinginan sila ni Akia.

“Sabihin n’yo na,” sabi ko.

“I-Ikaw ang nanalo sa palig—”

“B’wisit!” galit na sabi ko at saka ako tumayo.

Agad akong sinundan ng dalawa at sa labas ay naroon ang iba pa naming mga kaklase. Sinalubong ako ng kambal na sina Kelson at Hexon. “Grabe ang astig mo! Walang maldita sa taong gustong kumain at magpahinga!” natatawang sabi ni Kelson.

“Binalaan na kasi hindi nakinig. Ayan tuloy isang b’wan s’yang matutulog!” sabi naman ni Hexon at saka tumawa ang lahat sa sinabi niya.

Napakuyom ako ng kamay ko at masama ko silang tinignan lahat. Wala akong pakialam kung masama ang turing nila sa akin pero hindi ko naman gugustuhing manatili dito para sa responsibilidad na hindi ko naman ginusto. Gumilid ang lahat ay saka nila pinadaan ang prinsipe na no’n ko lang nakita nang malapitan.

Bumaba ito muna sa kan’yang kabayo at saka ito lumapit sa akin. “Mabuti naman at maayos ka na. Ang ganda ng ipinakita mo kanina. Ang galing at ang husay mo rin sa pakikipaglaban,” nakangiting sabi nito. “Kaya naman mabilis kong ibibigay sa ‘yo ang gantimpala mo!” dagdag pa niya at saka binukad ang kan’yang braso.

Nangunot ang noo ko pero iba ang naririnig ko sa paligid ko. Tila ba kinikilig silang lahat sa ginagawa ng kanilang prinsipe. Habang ako naman ay tila naiirita kasi akala ko ay katulad s’ya ng mga napapanood ko sa telebisyon pero nagkamali ako.

He’s fucking crazy.

Nawala ang ngiti niya at nangunot ng noo sa akin na tila hinihintay na yakapin ko siya. “Why are you not hugging me?” tanong nito at napamaang ako sa salita niya.

“Paano mo natutunan ang lenguahe na ‘yan?” tanong ko.

Binaba nito ang kan’yang kamay at saka siya mas lumapit sa akin. “I was in the human world before, because I was searching for you,” sagot niya.

“Naiintindihan mo ba sila, Jira?” bulong na tanong ni Hexon.

“Ahh… hindi, eh. Iba ang lengwahe na ginagamit nila,” sagot naman nito kay Hexon.

“Bakit napadpad na ba ang prinsipe sa mundo ng mga tao noon?” usisang tanong ni Akia.

Napatakip naman ng bibig si Fracia. “Hindi malayong hindi dahil tanging ang may kapangyarihang gumawa ng portal lamang ang nakakagawa no’n, Akia!”

“Ano ang premyo?” tanong ko.

“Tsk. Ako na ang premyo mo,” sagot niya.

“Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko,” saad ko na s’yang ikinagulat ng lahat at siya namang ikinatiklop ng Prinsipe. “Dahil ang kailangan ko ay ang makabalik sa mundong kinagisnan ko,” seryosong sabi ko at walang kahit na ano’ng ekspresyon na ipinakita sa kaniya.

“Ang Prinsipe na mismo ang lumalapit sa ‘yo tinanggihan mo pa?” hindi makapaniwalang sabi ni Jelaia.

Tumingin ako sa Prinsipe mula ulo hanggang paa at saka ako ngumisi. “Alam kong marami ang naghahangad na magkaroon ng isang Prinsipeng katulad mo,” ani ko at saka hinawakan ang mukha nito. “G’wapo ka, matipuno, at higit sa lahat ay makapangyarihan.” Inalis ko ang kamay ko sa mukha niya at saka ko siya tinalikuran. “Pero wala akong pakialam sa Prinsipeng katulad mo dahil ang gusto ko’y makabalik sa mundo ng mga tao.”

Lumakad ako at iniwan silang nakanganga. Kailangan kong makausap ang mahal na Reyna at Hari. Gusto kong maging patas sila sa kung ano ang aking hihilingin. Hindi ko ginusto ang manalo dahil kasalanan naman talaga iyon ni Abriya. Kung hindi n’ya pinainit ang ulo ko ay hindi ko sana siya matatalo at hahayaan ko s’yang manalo.

Nang makarating ako sa palasyo ay pinapasok ako ng mga tagabantay doon. Wala silang tinanong na kahit na ano. Habang naglalakad ay nakita ko mula sa may bungad ng pinto ang isang estatwa na no’n ay nakatayo. Isa itong babaing may magandang mukha. Mayroon s’yang baluti sa katawan ay espada. Ang espada na ‘yon ay kakaiba at hindi ito katulad ng espada na ginagamit lang namin.

“May munti pala kaming bisita.” Napalingon ako sa nagsalita at agad kong binati ang Prinsesa.

“Paumanhin sa aking pagpasok na walang pahintulot. Ngunit hinayaan lang din kasi ako ng mga tagabantay,” sabi ko at saka siya ngumiti.

“Hindi mo kailangan humingi ng paumanhin. Hinayaan ko talagang makapasok ka,” sabi nito at saka lumapit sa akin. “Alam kong ayaw mong manalo pero dahil sa galit at inis mo ay natalo mo siya,” sabi nito at tinutukoy si Abriya.

“Gusto n’yang manalo at pakasalan ang Prinsipe,” sagot ko.

Tumawa ito at saka muling nagsalita. “Hindi s’ya ang tipo ng kapatid ko. Wala naman s’yang pakialam sa iba at kahit na gano’n ang ugali no’n ay kapag hindi n’ya gusto ang isang tao o babae ay hindi ka n’ya kikitaan ng kahit na anong mutibo. Maliban na lang kung ipapakita n’ya sa ‘yo kung gaano s’yang nagiging madaldal,” sabi nito at muling tumawa.

Habang pinagmamasdan ko ang Prinsesa ay doon ko lang nakikita kung gaano itong kaganda. Pero habang nag-uusap kaming dalawa ay sakto naman na dumating ang kapatid niya. Napatayo ako at hindi ko siya binati at wala akong ipinakitang kahit na ano sa kan’ya. Maliban sa masamang tingin.

“Dito ka rin naman pala pupunta, bakit hindi ka man lang sumabay sa akin kanina? E’di sana ay naisakay kita sa mahal kong kabayo,” pagmamayabang nito.

“Hindi ko kailangan ng kabayo mo. May mga paa ako,” sagot ko at malakas na natawa ang Prinsesa na nasa tabi ko.

Nakita ko naman kung gaano s’yang nainis sa sinabi ko at saka binalaan ang mga kasama n’yang kapag tumawa sila ay yari sila. Ako naman ay hindi natutuwa sa nangyayari at naiirita ako sa pagmumukha ng lalaking nasa harapan ko. Pinaalis nito ang mga kasama n’ya at hindi naman matigil sa pangkukutya ang kapatid niya sa kaniya.

“Maiwan ko muna kayong dalawa at tatawagin ko lang sina Ama at Ina,” sabi nito at saka s’ya tumalikod sa amin at umalis na.

Naiwan naman kaming dalawa ng Prinsipe pero wala akong balak na makipag-usap sa kan’ya. Lumapit s’ya sa ‘kin na may ngiti sa kan’yang labi at saka inamoy ang buhok ko. Ramdam ko ang pagsinghot nito sa buhok ko at dahil sa pag-amoy-amoy niya ay nasargo ko ang ilong niya dahilan para mapahawak ito sa ilong niya.

“AWWW!”

“Para kang aso.”

“Inaamoy ka lang hindi ka na nga kinausap, e.”

“That’s the point!”

“Bakit ba ang init ng dugo mo!?”

“Dahil nasa harapan kita.”

“Bakit ba hindi ka na lang maging masaya na ako’y magiging sa ‘yo at ikaw ay magiging akin~” malanding sabi nito na mas ikinakuyom ng kamao ko.

“Mas magiging masaya ako kung wala ang katulad mo sa buhay ko.”

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMWhere stories live. Discover now