8 - THE DRAGON

74 10 0
                                    

MYXSICA’S POV

Gusto kong intindihin ang sinasabi niya pero hindi ko gusto ang pinupunto nito. Wala akong balak na gawin ang kung ano ang sinabi niya at wala akong pakialam sa espadang iyon. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang Prinsipe na no’n ay halos halikan na ako.

“Ano ang ginagawa mo?” walang ganang tanong ko.

Nakapikit pa siya habang nakanguso. Gayon pa man ay napamulat siya nang bigla akong magsalita. “Uyy, gising ka na! Sayang naman,” ani niya at saka ako tumayo.

Nasa itaas pa rin kami ng eskwelahan at hindi ko alam na nakatulog pala ako. Pero imposibleng panaginip ang isang iyon. Napabuntong hininga na lang ako at saka ako napatingin sa lalaking nasa likuran ko.

“Ano ba ang ginagawa mo dito? Sinundan mo na naman ako.”

“Kasi sabi nila sundan mo lang ang pangarap mo, kaya sinundan kita,” sagot niya.

“Wala kang k’wentang kausap,” walang ganang sabi ko at saka ako tumayo.

Pinagpagan ko ang sarili ko at bumalik na sa dormitoryo kasi wala na kaming klase. Habang nagpapahinga ako ay do’n ko naalala iyong librong nakita ko. Lumabas ako at saka pumunta sa opisina nang punong guro at pagkatapos ay kumatok muna ako. Hinintay ko ang magiging sagot nito at saka ko binuksan ang pinto.

“Ano ang iyong kailangan, Myxsica?” tanong nito sa akin.

“Iyong libro,?” tanong ko.

“Ano ang gagawin mo sa libro?” balik na tanong nito sa akin.

“Ako ang nakakita sa libro tingin ko naman ay may karapatan ako doon?” sagot ko.

Napabuntong hininga siya sa akin at saka pinagdikit ang parehong kamay. “Nasa mahal na Prinsesa ang librong hinahanap mo. Kung gusto mong makuha ay puntahan mo na lamang s’ya,” sagot nito sa akin at saka ako tumalikod at umalis na.

Lumabas ako sa dormitoryo at saka tinignan ang palasyo. May iisang silid lang ang mayroong ilaw kaya tingin ko ay mayroon pang gising. Sinubukan kong hanapin ang silid kung nasaan ang Prinsesa at nang makita ko ito ay saka ako nag-teleport papunta doon. Nang makapasok ako sa k’warto nito ay nakita kong natutulog ito ng mahimbing. Wala naman din akong ibang balak kaya naman nang makita ko ang nagliliwanag na libro ay ayon lang din ang kinuha ko.

Nang aalis na sana ako ay bigla na lang may humawak sa braso ko at sa isang iglap ay nasa tuktok na kami ng palasyo. Agad kong binawi sa kaniya ang braso ko at saka ako umatras ng bahagha.

“Bakit mo kinuha ‘yan?” tanong nito sa akin.

“Bakit hindi? Ako ang nakakita kaya may katapatan ako,” sagot ko.

“Bakit hindi na lang ako ang kinuha mo?”

“H’wag kang babanat kung hindi ay ako ang babanat sa ‘yo,” babala ko sa kaniya.

“Bakit ba hindi ka kinikilig sa mga banat ko sa iyo? Nakakakilig naman iyon kapag sa iba, ah?” ani nito at saka napaisip. “Grabe ka talaga, Myxsica, kakaiba ka sa lahat ng babae. Kaya noong nakita kita ay alam kong ikaw na!”

“P’wede ba mandiri ka naman,” naaasiwang sabi ko.

“Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ikaw ang hinanap ko sa mundo ng mga tao?” tanong nito sa akin.

Wala naman akong kailangan itanong sa bagay na ‘yon at wala akong pakialam sa kung ano man ang dahilan niya. Tatalikuran ko na sana siya kaso lang ay lumipat siya sa harapan ko.

“Bakit ba ang hilig mong magsunod-sunod? Wala ka bang ibang magawa sa buhay mo?” napipikong saad ko.

Kunwari siyang nag-isip at saka siya ngumiti sa akin. “Mayroon naman. Kaso lang kasi kapag hindi kita naiinis kulang na kulang ang buong araw ko!”

Masama ko s’yang tinignan at saka ako napakuyom ng kamay ko. “Kapag naubos ang pasensiya ko sa ‘yo, pasensiyahan tayo,” pigil pikon kong saad.

Napatingin ito sa kamay kong nakakuyom at saka siya napataas ng kamay niya at ngumiti. “Ito naman hindi mabiro. Alam mo bang ikaw ang pinakamagandang babae para sa akin?”

“Wala akong pa—”

Naputol ang sasabihin ko nang bigla na lang dumampi ang labi nito sa labi ko. Hindi na ako nakapag-react kaagad dahil sa bilis ng pangyayari. Bigla s’yang nawala sa harapan ko habang ako naman ay halos hindi naintindihan ang kung ano ang nangyari. Gayon pa man ay binalewala ko na lang iyon at bumalik na ako sa dormitoryo ko.

Nilapag ko ang libro sa lamesa ko at saka ko iyon pinagmasdan. Bubuksan ko na sana ito pero nakalimutan kong naka-lock nga pala. Napangiwi ako sa puntong iyon at saka napatingin sa k’weba kung nasaan ang espada.

“Tingin ko hindi ko kailangan ang librong ito at hindi ko—”

Napahinto ako nang bigla na lang itong kuminang ng malakas at sa pagkakataon na ‘yon ay napapikit ako. Nang inulat ko ang mga mata ko ay nasa harapan na ako ng bukana ng k’weba. Agad akong napatago sa malaking bato at napatingin sa dala kong libro.

“Pinagsisisihab kong kinuha pa kita!” inis na sabi ko.

Binitawan ko iyon at saka sinubukang mag-teleport ngunit hindi iyon umubra. Sinubukam kong ulitin ngunit tila may p’wersang pumupigil sa akin na umalis. Tumakbo ako at sa pagtakbo ko ay bigla na lang akong tumalsik. Napahawak ako sa ulo ko at saka napatingin sa harang na nasa harapan ko.

“Nakakainis!”

“Hindi ka makakalabas sa lugar na ito nang hindi mo ako natatalo.”

Napalingon ako sa likuran ko at naroon ang isang magandang babae na mayroong korona ng dragon sa kan’yang ulo. Kumunot ang noo ko sa kan’ya at saka ako tumayo at hinarap siya.

“Ikaw ang dragon na nangangalaga ng espada?” tanong ko.

Napangisi ito sa akin. “Hindi pa man ako nagpapakita ng tunay kong anyo ay alam mo na kung ano akong klasing nilalang,” saad nito.

“Eh, ano’ng k’wenta ng korona ng dragon sa ulo mo kung hindi ko mahuhulaan kung sino ka? Hindi ka naman siguro tanga?” walang ganang sabi ko na ikinawala ng pagngisi nito.

Naglabas ito ng kan’yang espada na s’yang ikinangiwi ko. Hinanda ko rin ang sarili ko sa gagawin nitong pag-atake at saka tumingin sa k’weba kung nasaan ang espada. Naroon ang librong naitapon ko at tila nagbabago ang kulay ng mga ito.

Pinagsisisihan kong kinuha ko ang libro. Kung bakit ko ba naman kasi naisipan?

“Hindi ko naman balak makipaglaban sa ‘yo, wala rin naman akong balak aksayahin ang oras ko. Wala rin naman akong pakialam sa espadang nasa loob. Kaya kung maaari ay hayaan mo na lang akong makaalis,” saad ko sa kaniya at napatawa ito ng pagak sa akin.

“Bakit ko naman paniniwalaan ang sinasabi mo?” tanong nito.

“Alam kong nakita mo akong tumakbo at hinagis ang librong hawak ko. H’wag mo ‘kong ginagawa tanga kasi mas tanga ka.”

“ANO’NG SINABI MO?!”

Shit, napikon ang dragon!

Bigla ako nitong sinugod at mabilis kong sinalag ang espada niya ng espada ko. Napatingin ako sa mga mata nito na nagiging guhit na lang ang mismong gita. Agad ko s’yang naitulak at doon na s’ya nagbago ng aniyo. Mula sa pagiging magandang babae hanggang sa isang mabangis na dragon.

“Madaya ka. Maliit lang ako malaki ka,” singhal ko.

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMWhere stories live. Discover now