CHAPTER 10

2 0 0
                                    

CK's POV

Pagkatapos ng klase ko ay dumiretso ako agad sa business ko dahil nakatanggap ako ng message na pina urgent ang isang event na dapat ay gaganapin ng sabado, dahil alas sais palang din naman ng hapon ay nagmaneho ako papunta doon.

Naabutan kong abala na ang lahat sa kani kanilang trabaho. Ito ang kauna unahan kong client kaya ang hirap humindi.

"Goodevening everyone! Kumusta kayo?" tanong ko sa kanila.

Natigil sila sa kanilang ginagawa at hinarap ako.

"Good evening sir. Madami dami pa ang kailangang gawin, pero kakayanin naman matapos."

"Sege salamat talaga. Wag niyo kong pansinin. Lalabas lang ako at bibili ng makakain natin."

"Sege po Sir."

Pagkalabas ko ay nakita ko nanaman yung babae. Halatang nagmamadali ito. Pawis na rin at may dumi na rin sa puti netong uniform.

Tsk. Ano ba ginagawa niya?

"Hey! Celeste right?" tawag ko dito.

"Yes sir." sabay tango.

"You can skip this day, galing ka pang school at medyo madumi na yung damit mo." sabi ko rito.

"I'm okay sir. I can manage. Sorry I'm late."

"Its okay. May extra ka bang damit na dala para makapag palit ka?"

Tiningnan ko na rin muna siya mula ulo hanggang paa.

"No sir."

"Okay. Come in, may extra tshirt ako sa loob. Gamitin mo muna." anyaya ko rito.

Wala na rin siyang nagawa kaya sumunod nalang ito sakin pabalik sa loob. Kinuha ko ang isa sa mga extra tshirt ko sa kabinet at binigay sa kanya.

"Left side yung CR."

"Thanks."

" I'm CK by the way. I met you a while ago sa school." pagpapakilala ko.

"Celeste. Nice meeting you again. " kasabay nito ay ang pag alis niya sa harap ko.

Tiningnan ko pa ang bag na naiwan niya sa upuan at saka naisipan itong buhatin.

Ang bigat! Sampung kilo ba'to?!

Inilagay ko na rin ito sa tabi at lumabas na. Bumili ako ng sinigang at kare kare. Dinamihan ko na rin ang kanin dahil paniguradong gutom ang mga tauhan ko. May nagsusupply na rin ng tubig kaya di ko na to proproblemahin.

Pagkabalik ko ay inayos ko ang mahahabang mesa at pinagdugtong dugtong ito. Tinawag ko na rin sila para sabay sabay kaming kumain.

Nang makita ko si Celeste ay tinawag ko ito.

"You left your bag at my office. Itinabi ko ito sa gilid ng sofa."

"Thank you sir."

Grabe ang tamad niya magsalita!

Ang theme ng event ay vintage dahil senior na ang celebrant ay kakailanganin namin bagayan ang design sa edad nito.

"Natapos na ang arko sir, ang mga design sa mesa ay nakaayos na rin. Ang mga pagkain ay nakahanda na rin ang mga ingredients, bukas ay pwede na ring lutuin. Alas dyes ng umaga ang party kaya dapat mas maaga tayong makarating para maiayos na ang lahat." mahabang paliwanag ng isa.

"Okay salamat. Pagkatapos niyo sa mga design ay pwede na kayong umuwi. Salamat."

"Nako sir! Buti nalang talaga at nandyan si Celeste, ang ganda ng design niya!" puri ni Arnel.

Sounds of SoulHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin