CHAPTER 7

3 0 0
                                    

Celeste's POV

Sabado.

Tinanghali ako ng gising dahil sa sobrang pag iisip ko kagabi. Mabuti nalang at walang pasok ngayon kaya okay lang. Mamayang hapon ay pupunta ako sa part time job na inaaplyan ko. Sana ay makuha ako. 

Sinimulan ko ng kumilos at maglaba. Dahil wala akong washing machine ay mano mano kong lalabhan ang pang isa kong linggong damit. Halos wala kaming ginawa sa unang linggo ng klase at laking pasalamat ko na rin yun dahil may pahinga pa ako.  Nagsimula akong maglaba habang nagpaptugtog sa cellphone ko. Wala akong TV or kahit speaker sa apartment ko. Tanging cellphone at laptop lang ang dala ko. 

Nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Arcine Arte calling....

"Hello? "

"What are you doing this weekend Dionne? 

"Sa bahay lang. Bakit?" taka ko.

"When are you free? Can we meet again? I have something important to tell you."

"I don't know. I will be very busy. I'll let you know. How important is that?"

"Nevermind. Gonna go. Please take care." sabi niya biglang baba ng telepono.

Weird. 

Pinagpatuloy ko nalang din ang ginagawa ko at saka mabilis na kumain at kumilos. Nagsuot lang din ako ng polo shirt at pantalon. Pagkatapos ay lumabas na rin ako ng apartment at dumiretso sa address na ibinigay ng landlord. 

Calvez Catering and Events Services. Nung mabasa ko ang nakalagay sa isang banner ay nasigurado ko ng ito ang lugar. Halatang bago. Bago pa ang mga tiles at mga materyales. Di masyadong malaki pero sakto halos sampung tao sa loob. 

"How may I help you Ma'am?" tanong ng isang babae sa reception.

"Ah, goodmorning. Mag apply po sana ako." binigay ko ang papel na hawak ko. Ngumiti naman sakin ang babae at inalalayan akong maupo. 

"Wait lang po Ma'am, papunta na rin yung may ari. Medyo natraffic lang daw. May juice po dito baka po gusto niyo?" pag aalok niya.

"No thanks." tanging naisagot ko. 

Lumipas ang thirty minutes at tyaka lang may pumasok ulit. Halatang nagulat ito nung makita ako. Kilala niya ba 'ko? Maputi, matangkad, singkit at nakasalamin. Parang pamilyar sakin ang mukha niya. Tch ano nakakagulat? Namula at  nakanganga pa rin siya nakatingin sakin.

Lol.


CK's POV

Napaigtad ako nung makita ko sa bago kong business ang babae sa school. Ito yung babaeng nakita kong naglalakad sa field at kumakain mag isa sa canteen! Tanda ko pa dahil sa haba at kulay ng buhok niya. Ano ba ginagawa niya dito? Sana di niya 'ko maalala. Nakakahiya ang ginawa ni Enzo noong nakaraan! Sheeett! 

"Good afternoon Sir." bati sakin ni Sarah, na siyang receptionist ko. "New applicant po Sir." 

"Okay. Please follow me, we'll have a quick interview." naisagot ko nalang at nagpaunang maglakad. Naramdam ko naman na nakasunod sa likod ko yung babae kaya mas binilisan ko.

Naupo ako sa swivel chair ko at inayos muna ang polo na suot. Nakita ko ring nakatayo pa sa harap ng lamesa ko ang babae at nakatingin sakin diretso sa mata. Bigla rin akong napatitig sa kanya. Ano ba meron? Kinakabahan ako kapag nakikita siya. Di niya manlang ako binati!

Sounds of SoulWhere stories live. Discover now