CHAPTER 14

1 0 0
                                    

Celeste's POV

Halos mamilipit ako sa sakit ng tyan habang naglalakad sa may kanto namin. Nanghihina at ramdam ko na rin ang gutom ko. Pahirapan pa ako umakyat ng hagdan.

"Dionne? What happened you?!" nagulat ako nang makita ko si Arcine na nasa labas ng pinto ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"I've been calling you since this morning, nagpunta na ko dito dahil nag aalala ako. Ano gamit ng cellphone Dionne?" sermon nito.

"Pasensya na. Busy lang sa school."

"Sa school ba talaga? Sinabi sakin ni Lia na nagtratrabaho ka raw. Are you really out of your mind? You look like a mess right now."

"Okay nga lang ako."

"Buksan mo na yung pinto. Isang oras na ko nag aantay dito."

Wala naman akong nagawa kundi pagbuksan ito. Nagulat pa ko nang makita kong may dala pa siyang isang malaking box.

"What's that?" tanong ko rito.

"Obviously food. Why are you wearing that jacket on your waist?"

"It's the time of the month."

"Oh I see." dahil alam niya na ang ugali ko kapag ganito ay tumahimik nalang siya.

"Kumain ka na ba? Ako na magluluto. Fix yourself, you have to tell me everything that happen." pagkasabi niya nito ay tumayo siya at inayos ang mga pinamili.

"Wala ka bang trabaho? Dami mong oras manggulo."

"Wala kong pasok ngayon."

"Ok." tumalikod na rin ako at naligo sa banyo.

Naamoy ko na ang niluluto niyang tinola sa kwarto ko palang. Palibhasa'y doktor eh alam na alam ang gagawin kapag ganito ang sitwasyon.

"Tapos ka na ba Dionne? Kakain na." tawag nito sakin.

Lumabas na rin ako at nagulat ako sa dami ng niluto niya.

"Dalawa lang tayo kakain Arcine, ang dami naman nito?" tanong ko.

"Ubusin mo yan, alam ko di ka pa kumakain mula kanina. Ugaling ugali mo talaga yan Celeste Dionne."

"Wag mo kong sermonan sa harap ng pagkain."

Nagsimula na rin kaming kumain at maya maya lang ay nagsalita nanaman ito.

Ang daldal!

"So, ano nangyari?" panimula niya.

"Anong, anong nangyari?"

"Lia told me everything."

"Eh sinabi niya na pala sayo, bakit itatanong mo pa?"

"Ano ba?" tinitigan niya naman ako ng masama kaya nagsalita na rin ako.

"Pumasok ako sa isang catering services, yung owner is schoolmate ko rin pala. Di naman ako lagi nandoon."

"You don't have to do this. You know I can can help you."

"I'm okay Arcine."

"How about yung nangyari nung nakaraan? Who's that bastard?"

"I don't know. Nagulat din ako sa nangyari."

"Ano ginawa mo? Please don't tell me sinapak mo."

"Ganon na nga."

"God!"

Napahilamos na siya ng mukha sa sinabi ko.

"Wag mo na ulit ipasok ang sarili mo sa gulo."

Sounds of SoulWhere stories live. Discover now