CHAPTER 11

2 0 0
                                    

CK's POV

Kitang kita ko kung pano sinadyang hawakan ang pang upo ni Celeste. Sheett! Halatang nagulat ito sa ginawa sa kanya. Kumuyom ang mga palad ko sa sobrang inis.

Pati si Enzo ay nakita ito.

"The fuck is that?!" inis kong sabi.

"Nga giatay ka!!! Ano ginawa mo ha? Ang bastos mo!" nagulat kami nang sumigaw na si Lia.

"Gusto ko lang naman magpakilala sa kaibigan mo. Ako nga pala si Julius." sabay kagat ng labi.

Yuck!

"Julius? Ha! Kasing bantot mo ang pangalan mo! Pwede ba ha tigilan mo kami! Ang bastos mong yawa ka!" duro ni Lia dito.

Nanatiling kalmado si Celeste at nakatalikod.

"Di ka niya type kaya tigilan mo na kami please." sumabat na rin si Erica.

Dalawang lalaki lamang ito at halatang may mga edad na. Sila Julius! Nagulat pa kami ng nakauniform ito ng Bertland. Sa kamalasan ay nasa madilim na parte nakapark sila Lia kaya halos hindi ito makita ng security.

Shett!

"Tara na." nagulat kami nang kalmadong nagsalita si Celeste na inaaya na ang mga kaibigan niyang umuwi.

"Sandali lang naman Miss. Ano ba pangalan mo? Ngayon lang kita nakita dito." nanlilisik na ang mga mata neto at halatang nainis sa inasta ni Celeste.

Akmang aalis na sana ang tatlo ng biglang hawakan nung Julius ang bag ni Celeste. Nakita ko kung pano pumikit sa sobrang inis ito.

Humarap na ito at inalis ang kamay na nakahawak.

"Masyado ka namang pa hard to get Miss. Pero sige gusto ko yan."

"Uuwi na kami." sabay talikod ni Celeste.

Sa pagkakataong ito ay nahila nanaman nung Julius ang bag ni Celeste at halos matumba ito nang makaladkad siya.

Sheett! Do something CK!

"Di ka talaga mapakiusapan ng maayos noh? Oo ikaw si Julius, tapos? Kailangan ko rin ba magpakilala sayo? Binastos mo na ko." ikinabigla ko ang paraan ng pagsagot ni Celeste. Napatingin ako kay Enzo na halatang inis na rin.

"Pre." tawag ko rito.

"Don't come near them pre, I already texted the security."

Medyo malayo kami sa kanila at alam kong hindi nila kami mahahalata.

"Ang bastos mo naman? Ang lakas ng loob mo eh transferee ka lang dito?!" sigaw ng Julius kay Celeste.

Hinila niya ulit ang bag kaya mas lalong napalapit si Celeste dito.

"Ano ha?! Di ka pa rin ba magpapakilala?! Lalaki na lumalapit sayo tapos mag iinarte ka pa?!"

"Bitawan mo ko."

"At bakit ha?! Kita mo ba kung gaano kalaki ang katawan ko? Kaya kitang itapon dito!"

Ano ba ginagawa niya?! Nakakatakot at halatang kaya niyang gawin ang sinasabi niya.

Pati sila Lia at Erica ay nasa gilid na at takot.

"Bitawan mo ko isa."

"HINDI!!!!"

"Bitawan mo ko, dalawa." kalmado pa ring pakiusap ni Celeste

"Kahit magbilang ka pang hanggang isang daan ay hindi kita bibita—-"

*PAAAAAAAAAAAAAKKKKKKKKKKKK*

Di na natapos magsalita ito ng bigla siyang sapakin ni Celeste.

Sounds of SoulWhere stories live. Discover now