CHAPTER 4

4 0 0
                                    

Celeste's POV

Namili na rin ako ng mga kailangan ko sa bahay. Tulad ng sinabi ni Arcine ay hinayaan niya akong kunin lahat ng kailangan ko. Kumuha ako ng mga gamit sa banyo ko, bagong mga tuwalya at stock ko sa ref. Nang matapos ay pinuntahan ko siya habang abala sa pakikipag usap sa telepono.

"Sino kausap mo?" tanong ko.

"Nothing. Just work. Are you done?"

"Yes."

"Tara na sa counter. Gusto mo bang kumain muna ulit bago tayo umuwi?" tanong niya sakin habang kinuha ang push cart ko.

"Hindi na. Nabusog na rin ako sa kinain natin kanina. Babayaran kita sa mga binili ko ngayon."

"You don't need to Dionne, it's all in me."

Di ko na rin siya pinansin at tumingin nalang ako sa mga pinamili ko na isa isa ng nilalagay sa karton. Pagkatapos bayaran ay dinala niya na rin ito sa kotse niya habang ako ay dumiretso sa front seat at inayos ang seatbelt.

"Saan place mo?" tanong ni Arcine habang nakatingin sa daan.

"Kaliwa ka sa pangalawang kanto at diretsuhin mo hanggang dulo" sagot ko habang humihikab na.

"Are you sure this place is safe? Wala manlang street light, kung meron man sira pa" habang nagpapalinga linga sa paligid.

"Safe naman at madami ring mga apartment dito kaya madami pa ring tao kahit anong oras na."

"Okay." tanging sagot niya.

Tinulungan ko na rin siya na ibaba ang mga pinamili namin pagkarating namin ng apartment ko. Nasa may second floor ako kaya kailangan pa naming iakyat lahat.

"Thank you. Gusto mo ba ng tubig?"

"Yes please. This place looks crowded for your Dionne. Isa lang din kwarto mo at halos isang hakbang lang ang layo ng kusina at sala mo. Nasaan ang iba mong gamit?" mahaba niyang sabi habang iniikot ang paningin sa apartment ko.

Ibinigay ko na muna sa kanya ang isang basong tubig tsaka ako nagsalita.

"Iniwan ko yung iba, yung iba ay nabenta ko na rin."

"Do you have lock in here? CCTV?"

"No."

"I'm okay Arcine. It's late at may duty ka pa bukas. Maaga rin klase ko bukas kaya gusto ko na rin matulog."

"Okay. Okay. I'll go now." inihatid ko na rin siya sa baba at tinanaw siya hanggang sa makalayo.

Umakyat na rin ako at inayos isa isa ang mga pinamili namin. Nagwalis na rin muna ako at nilinis ang banyo. Pagkatapos ay kinuha ko yung uniform ko na nilabhan ko nung nakaraan. Kailangan ko na rin itong plantsahin.

Pagkatapos kong ayusin ang lahat ay kinuha ko ang isa kong maliit na notebook na nakalagay ang lahat ng mga bills na babayaran ko. Kulang na. Isang buwan nalang ang kakayanin ng pera ko. Pasalamat pa ko kay Arcine dahil kahit papano ay nakapag grocery ako. Naligo na rin ako at humiga sa kama ko. Wala pa masyadong inaaral ngayon. Makakatulog pa ko ng mahaba haba ng mga ilang araw.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong may text si Arcine.

From: Arcine Arte

I'm home. Goodnight.

Di na ko nagreply at binalik ko na rin sa lamesa katabi ng kama ko ang cellphone ko. Tiningnan ko ang orasan, alas onse na ng gabi. Pinilit kong makatulog at di naman ako nahirapan.

Kinabukasan

Alas syete na ng magising ako. Nagugutom na'ko! Di na pala ko kumain kagabi kaya kumakalam na rin ang sikmura ko. Chinarge ko na muna ang cellphone ko habang inaayos ang gamit sa bag. Nagluto na rin ako ng almusal ko at nilagay sa lunchbag ang sobrang pagkain. Ito na rin kakainin ko ng lunch. Naligo na rin ako at inayos ang sarili. Naglagay na rin ako ng konting liptint para hindi masyadong maputla ang itsura ko.

Sounds of SoulWhere stories live. Discover now