Chapter 6

8 2 0
                                    

| Chapter 6 |

Nagising ako dahil sa ingay ng mga sasakyan. Agad kong binuksan ang aking mga mata at hinanap ang aking phone para tingnan kung anong oras na... Shocks! 7:00 AM na!

Hindi man lang ako nakauwi para maligo. I and Rowan stayed here in the office overnight. Tiningnan ko siya kung saan siya natulog kahapon at tulog pa rin siya hanggang ngayon.

Aalis na dapat ako kaso bigla kong nadaanan si Rhone, ang beklash kong kaibigan dito sa office.

"Anong nangyari sayo, Beshy ko?" tanong ni Rhone habang tinitingnan ako na diring-diri.

"Teka, hindi ka ba umuwi?" dagdag niya.

"Oo, Beshy. Tinapos ko kasi yung drawing na isusuot ni Miss Jade," sabi ko habang nahihiya. Parang feeling ko mukha na akong madungis sa mga oras na ito.

Pumasok si Rhone sa pinakaloob ng office at may napansin nanaman siya.

"Beshy? Anong ginagawa dito ni Sir Rowan?" tanong niya na may halong hinala.

"Ah, sinamahan niya ako dito overnight," sabi ko.

Tinakpan niya ang kanyang bibig sa gulat.

"Beshy, inunahan mo ako! Anong ginawa niyo!" sabi niya sabay tili.

"Siraulo ka! He stayed up late para daw matapos ko na yung drawing na isusuot ni Miss Jade. Tsaka gusto ko ng matapos para maipakita ko na rin sa kanya," sabi ko sabay tapik sa kanyang braso.

"Ay, ganun ba? Akala ko magiging number 2 ka ni Sir Rowan," pabiro niyang sinabi.

"Ha, anong number 2?" pagtataka ko.

"Kabit, like Number 2?!" sabi niya sabay turo ng dalawang daliri sa akin.

"Huy! 'Yang bunganga mo, may makarinig pa sayo! At tsaka, malabo yang mangyari, duh!" sabi ko at umalis na ako. Si Rhone, lahat nalang talaga pinapansin. Nakikita niya kasi na mabait at sweet sa akin si Rowan. E dahil puro hinala ang nasa isip niya, akala niya may something kami.

Umuwi na ako para maligo at magpalit. At least ngayon, tapos ko na yung drawing at maipapakita ko na kay Miss Jade. Kailangan niya muna makita bago ko tahiin.

Pagkatapos kong magpalit, dali-dali na akong bumalik sa office. Kailangan ko pang magtrabaho!

***

Rowan's P.O.V

Nagising ako na wala na si Cordelia. Umuwi na kaya siya?

"Sir Rowan, umalis na po si Cordelia. Pinapasabi na thank you dahil sinamahan niyo daw siya buong gabi," sabi ni Rhone.

"Ah, ganun ba? Sige," sabi ko naman at nag-stretching ako. Ang sakit kasi ng buong katawan ko.

"Sir, wala kayong ginawa kagabi maliban sa sinamahan niyo lang siya?" tanong ni Rhone.

"Wala naman, bakit?" sabi ko.

"Ah, wala po sir, naninigurado lang," pabiro niyang sinabi.

"Umayos ka ha, baka bawasan ko yang sweldo mo," sabi ko.

"Ay, ito na po. Sorry," sabi niya at bumalik na siya sa pagtatrabaho.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga hinala nila. Para silang ewan!

Pumasok muna ako sa opisina ni Jade para tingnan kung pumasok na ba siya. Pagbukas ko ng pintuan, alam kong nandito na nga siya.

"Musta yung overnight niyo ni Cordelia?" tanong ni Jade.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fading Colors of a Wounded SkyWhere stories live. Discover now