Chapter 4

18 3 0
                                    

| Chapter 4 |

"Bakit siya nandito?" iritado kong bulong sa sarili.

Nakatulala ako sa kanyang pagdating. Hindi ako makapaniwala na nandito siya. Hindi ako makagalaw at hindi ako makapagsalita.

Nakita niya ako at agad na dumeretso sa VIP room. Nakadamit siya ng isang black fitted longsleeve, kasama ang itim na pantalon at neck tie. Mukhang kakagaling lang niya sa meeting, at tila'y walang patid ang kanyang mga gawain.

Sa dami ng bakanteng upuan, dumeretso siya sa tabi ko at umupo. Hindi ko alam kung bakit siya pumili ng upuan na malapit sa akin, pero simula pa lang, hindi ko talaga siya pinansin. Hanggang saanman ang tingin ko, iniiwasan ko ang kanyang presensya. Ngunit hindi ko maipagkakaila na nakakairita talaga ang kanyang pag-upo sa tabi ko.

Nagdaan na ang dalawang oras at narito pa rin kami sa bar. Kitang-kita ko na sobrang lasing na ang mga kasama ko, at hindi ko maipagkakaila na medyo nalalasing na rin ako.

Nakakatawa nga isipin kung paano kami napunta sa ganitong kalagayan. Nagsimula lang naman ito bilang isang simpleng celebration hangang sa ilang alak narin ang naubos namin.

Pero hindi naman masama na minsan ay lumabas sa kahon at magpaka-wild ng kaunti. I'm doing it for memories narin, atsyaka, ngayon lang naman.

Nawalan na ako ng katinuan at wala nang pakealam sa mga sinasabi ko kay Rowan. Naka-tulog na kasi ang lahat ng mga kasama namin at kami na lang dalawa ang natitirang gising.

"Rowan, pwede mo bang sabihin sa akin kung bakit mo ako iniwan?" tanong ko kay Rowan, na may halong pagkalasing sa boses ko.

Halatang nagulat siya sa aking tanong at hindi siya nakagalaw. Kitang-kita ko sa kanyang mukha na nagdadalawang-isip siya kung sasagutin niya ang aking tanong. As I expected, hinde siya sumagot

"Bwisit ka, alam mo ba 'yun?" sabay turo ko sa kaniyang mukha.

"Iniwan mo ako ng walang dahilan. Iniwan mo ako nang mag-isa. At ngayon, malalaman ko na lang na kasal ka na pala sa ibang babae," dagdag ko, habang unti-unti nang pumapatak ang mga luha ko.

Napatingin ako sa kanya, hinahanap ang anumang sagot o paliwanag sa kanyang mga mata. Ngunit nakita ko lamang ang pagkabahala ng kanyang mga mata.

"Do you know how painful it is to see you everyday with someone else?" sabi ko.

"Cordelia, stop na, please. Lasing ka na," sabi niya, na may halong pag-aalala sa kanyang boses.

"Mahirap tanggapin na ang pinakamalapit na tao sa akin ang nagdulot ng pinakamalalim na sakit sa aking puso," sabi ko habang sinasapak ang kanyang braso.

Then he hugged me tight.

"I never meant to cause you pain. I'm sorry for the love I couldn't give you," sabi niya habang ang kanyang baba ay nakapatong sa aking balikat.

Napapikit ako sa mga salitang kanyang binibitawan.

Napahawak ako sa aking dibdib, nanghina na ako. "Sobra-sobra na ang sakit na nararamdaman ko," sabi ko, ang aking mga salita'y pabulong at puno ng lumbay.

Hilong-hilo na ako this time, and for a minute, bigla na lang nagdilim ang aking paningin.

***

Nagising ako at sa pagdilat ng aking mga mata, nakita ko ang hindi pamilyar na lugar. Bumangon ako at tiningnan kung nasaan ako. Napagtanto ko na nasa isang kwarto ako, at agad kong napansin na ito ay kwarto ng isang lalaki. Lahat ng nasa paligid, mula sa kurtina, bedsheet, at unan ay kulay itim.

Fading Colors of a Wounded SkyWhere stories live. Discover now