Prologue

52 4 3
                                    

          | Prologue |

             "Love, ilang araw na lang at g-graduate na tayo. Ilang araw na rin at sasabihin na natin sa ating mga magulang na magjowa tayo. Imagine, we waited for how many years? - Oh, 6 years." Masaya kong sinabi kay Rowan habang ang ngiti ay hindi na nawawala sa aking mga labi.

             Ganun talaga, di ba? Usually, sa mga graduating students, dun lang nila ipapakilala na may nanliligaw sa kanila. Pero sa kaso namin ni Rowan, magkasama na kami simula pa noong freshman pa lang kami. For so many years na rin, marami na kaming pinagdaanan. May mga pagkakataon pa nga na halos maghiwalay na kami, pero sinalba kami ng tadhana. Ito ang patunay na talagang meant for each other kami, kaya't nagtagal kami ng ilang taon.

             Napangiti lang si Rowan at hinalikan ako sa pisngi, kasabay ng isang mahigpit na yakap. Sa simpleng mga kilos na iyon, ramdam ko ang pagmamahal na bumabalot sa amin. Hindi na kailangan ng mga salita. Ang mga yakap at halik na iyon ay sapat na upang ipahayag na mahal niya ako.

             "I can't believe that we grew so old together, Cordelia," aniya, habang hinahawakan niya ang parehong pisngi ko gamit ang kanyang mainit at malambot na palad. "And I can't believe na nakaharap ko na ang taong minahal ko ng napakaraming taon at magiging asawa ko na."

               Then he puts his handsome face closely to mine, "I just want you to know that no matter what the world will take us to, I'll always be your protector and armor to your weak heart," sabi niya, na nagpangamba sa akin at nagpabagal ng aking paghinga. I know he's sweet but this is another level, sinasabi ba niyang hindi na kami magkikita?. Hindi... hindi... huwag mong pakinggan ang mga iniisip mo, Cordelia. Nagpapahayag lang siya ng pagpapahalaga sa iyo, iyon lang.

                 Ngunit may takot na pumapasok sa aking isipan. Tinatanong ko ang aking sarili, "Ano ang ibig niyang sabihin? Ano ang ibig sabihin ng mga salitang iyon?" Ngunit alam ko na hindi dapat ako matakot. Dapat kong ipagkatiwala ang aking sarili sa kanya.

                 I gently put my hands to pat his hair and looked into his dark brown eyes.

"Roses are red,

Violets are blue,

Sa puso ko'y ikaw,

Walang iba kundi ikaw."

                 "If you're my armor to my weak heart, ako naman ang magsisilbing ilaw sa madalim mong mga araw. I love you more than anything, Rowan, and I'll always be here to take care of you, just like the wife you always imagined me to become," I said as I kissed him on the lips then we both watched as the waves gently rolled onto the sandy shore, creating foamy ripples under the warm sun.

***

                   "Congrats ate!" sabi ng aking nakababatang kapatid sabay yakap sa akin.

                     Tinangnan ko siya at hindi ko napigilan ang pag-iyak. "Aw, you grew up so tall, baby ko. Dati-dati lang, ikaw yung pinipunasan ko ng poo-poo sa pw*t," biro ko, na nagpatawa rin sa amin.

                    "Ate, hindi na ako 'yun, I'm Superman," depensa niya sabay pagpustera na parang si Superman, kahit na puro taba ang nakikita sa kaniyang balat. Ang cute talaga.

                      Anyway, this is it pancit! G-graduate na ako. After all the hardships, here I am, about to receive a prestigious honor, which is Summa Cum Laude. Nung ako na yung sumunod sa entablado, nagsisitaasan na ang aking balahibo. Nahihirapan na akong huminga dahil sa kaba, pero namanage ko naman na maging relax. Actually, walang kaalam-alam ang mga magulang ko na Summa Cum Laude ako. Gusto ko kasi na ito ay maging isang surpresa. Nung binangit na yung pangalan ko, lahat sila nagsitayuan at nagpalakpakan.

Fading Colors of a Wounded SkyWhere stories live. Discover now