Chapter 3

17 3 0
                                    

| Chapter 3 |

Tumatakbo ako papunta sa lobby nang biglang bumangga ako sa isang lalaki. Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko, hindi ko na siya pinansin. Nakita ko lang ang pagkabahala sa kanyang mga mata habang tinitingnan niya ako at alam kong nag-aalala siya.

"Miss, okay ka lang?" tanong niya, ngunit naputol ang kanyang tanong dahil  dumeretso ako palabas at sumakay agad ng taxi.

Nakita ko si Rowan na humahabol sa akin, hanggang sa tumatakbo na siya para lang mahabol ako. Sinusuntok niya ang bintana ng taxi at nagmamakaawa.

"Please, wag kang umalis! Kailangan kitang makausap!" sigaw niya, habang patuloy na sinusuntok ang bintana. Ang kanyang mga mata ay puno ng lungkot at pagmamakaawa.

Mas nasasaktan ako nang makita ko siyang umiiyak, humihingi ng tawad pero ang sakit na dala niya sa akin ay muli na namang nabuksan. Sa loob ng walong taon, sinubukan kong isara ang aking sugatang puso ngunit narito ako muli, pinagdaraanan ang parehong mapait na sakit.

"Manong, alis na po tayo" nanginginig ang boses ko.

But Rowan followed us, he kept running, but I couldn't do anything but watch him. Until he stopped running, just like he did 8 years ago. He stopped showing up and once again, he left me alone.

***

3 weeks later....

"Crodelia! Please open the door"

Boses ni Rowan ang patuloy na naririnig ko, araw-araw na lang ay nangungulit siya na mag-usap kami. Nakakaabala na nga siya sa mga kapitbahay namin, ang ingay. Kaya ngayon, ngayon lang... pinagbukas ko siya ng pintuan.

"Ano ba? What do you want from me" sabi ko na may iritang boses.

"Ikaw..." and he looked at me.

"Please..mag-usap na tayo, miss na kita Cordelia" nagmamakaawa niyang boses.

"Ito na oh, nag-uusap na tayo, t*anga kaba?"

"H-hinde yung ganito, you know what I mean Cordelia, Please" humagulgul siya at nag-makaawa.

My tears started to come out as he held my legs, begging for forgiveness. Seeing him cry broke my heart, again. I know I deserve an explanation, but wouldn't wanting to know the reason will just hurt me even more? Out of all the people who could come back, bakit siya pa?.

"Tumayo ka dyan" my voiced cracked.

"Uulitin ko, Rowan, at ilang beses kong uulitin ito hanggang sa tumigil ka na, tapos na tayo. Wala na dapat tayong balikan pa dahil matagal ka nang nabura sa puso ko."

I slam the door, leaving him dumbfounded. I lean against the door and sob uncontrollably. I can't believe that I said those words, but it is what it is. Our connection has come to an end. I cried and cried, messing up my hair.

Where did I go wrong? Wasn't I enough during the times we were in love? Oh, spare me... Earth, lunukin mo na ako dahil gusto ko nang mabaon, gusto ko nang magkaroon ng kapayapaan sa isip ko. Ayoko na... pagod na ako.

***

"Miss Jade, maganda tong blue floral dress na gawa ko, isa 'to sa mga spring outfit collection ko," sabi ko habang ngumingiti. The dress fits her so well.

"Ay, bet ko talaga 'to!" sabi niya excitedly.

Nandito kami sa pictorial shoot niya para sa bago niyang makeup product, at sobrang saya ko na suot niya 'yung dress na pinaghirapan ko. Hindi lang 'yon, dumami pa ang customers ko dahil sa kanya. Pati sa social media niya, sinasama niya ako sa mga post niya kapag suot niya 'yung mga designs ko. Ang ganda ng exposure na 'to, lumalaki na rin ang kita ng business ko!

Fading Colors of a Wounded SkyWhere stories live. Discover now