Chapter 2

23 3 0
                                    

| Chapter 2 |

Nagising ako sa malakas na alarm ng aking cellphone, at biglang sumalubong sa akin ang mabigat na pakiramdam at pagkahilo, bunga marahil ng aking matinding pag-iyak kagabi. Akala ko ordinaryong araw lang ito para sa akin, walang espesyal na mangyayari, hanggang sa binuksan ko ang aking cellphone. Sandamakmak na tawag at mga mensahe ang bumulaga sa akin.

From: Miss Jade

Magandang umaga, Cordelia. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko kaya mag-iiwan na lang ako ng text message, dahil sa tingin ko tulog ka pa.

Kung interesado ka pa rin na makipagkita sa akin, pumunta na lang sa address na ito, 575 Maria Street, Kundiman, Makati. 9:00 AM. Kitakits.

Para bang sasabog na yung puso ko dahil sa saya.

At first, I thought she's just joking, pero hindi pala. Hindi ako makapaniwala na ilang beses niya akong tinawagan, nakakahiya talaga!

This is a new opportunity for me, and I can't wait to meet her again and work with her. Sana ito na 'yong matagal kong hinihintay na pagbabago sa buhay ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya at excitement na nararamdaman ko sa pagkakataong ito. Matagal ko nang hinangad na magkaroon ng pagbabago at ngayon, tila ito na ang simula ng mga bagong pagkakataon.

***

I'm wearing my favorite white off-shoulder dress and just flats today, para simple lang. After eating and taking a quick shower, I immediately changed into my outfit, ayaw ko kasing malate... shocks... 8:30 na! Napatingin ako sa aking relo at biglang natakot. Hindi ko akalain na ganun na pala katagal ang ginugugol ko sa paghahanda. Kailangan kong magmadali para hindi ako ma-late sa aming pagkikita. Binilisan ko ang pag-ayos ng sarili at sinigurado na wala akong nakalimutan. Sana hindi ako masyadong mapagod sa pagtakbo ko para makahabol sa oras.

Agad akong lumabas ng bahay, dala-dala ang mga sketches na ipapakita ko. Naghanap na rin ako ng taxi para hindi na hassle at diretso na sa address na binigay ni Miss Jade.

"Kuya, pwede po pumunta tayo sa address na ito," sabi ko sabay pagpapakita ng address na sinend ni Miss Jade.

Napatingin sa akin ang taxi driver sa salamin at tumango. "Sige po," sabi niya sabay pagsisimula ng takbo ng taxi.

Nakarating rin kami agad. Bumaba ako at heto na ako, nakaharap sa napakalaking gusali. "Whooo! This is it," bulong ko sa sarili ko.

Napakaimpresibo ng lugar na ito. Ang laki at ang taas ng gusali, masasabi mo talagang  mayayaman ang mga nasa loob.

Ito na siguro ang simula ng isang bagong yugto sa aking buhay.

Tumungo ako sa malaking pinto ng gusali at binuksan ito. Sa loob, ang paligid ay puno ng mga tao na naglalakad at nagmamadali. Ang mga ilaw at ang modernong disenyo ng lugar ay espesyal.

Huminga ako ng malalim at naglakad patungo sa counter area. Ang mga paa ko ay tila naglalakad ng may kaba.

"Hi miss, saan pwedeng makita si Miss Jade?" tanong ko.

"Oh, may kailangan po ba kayo?" sabi ng babae sa counter.

"Ay oo, I'm about to meet her today," sabi ko at ngumiti ako.

"What's your name po?" tanong niya.

"Cordelia Seraphina Velasquez," sabi ko.

Mukhang chinecheck na nung babae sa kanilang system kung may pangalan ba ako sa meeting list ni Miss Jade. Kinakabahan na ako sa mga oras na ito, atsaka sobrang lamig, naka off-shoulder dress pa naman ako, naninigas na yung katawan ko.

Fading Colors of a Wounded SkyWhere stories live. Discover now