| Chapter 5 |
Nagmamadali na ako papunta sa opisina ngayong oras. I stayed up late kahapon, thinking of new designs for preparation sa event ni Miss Jade. She's always having a party or event kaya here I am, designing her outfits.
Nasa hallway na ako at patuloy pa rin akong tumatakbo hanggang sa may humarang sa elevator.
"Ugh, umagang-umaga ang pangit agad ng bungad ko," I whispered to myself, trying to make light of the situation.
"Kailan pa ako naging pangit sa paningin mo ha?" sabi ni Rowan sa tabi ko.
"Eight years ago," sagot ko.
"Eight years ago and until now, maganda ka pa rin sa paningin ko," sabi niya na may kasamang ngiti.
"Thanks. But, your loss," I said, playfully flicking my hair at him bago ako lumabas ng elevator.
I went straight to my table at inilagay ang mga gamit ko, then I went to the kitchen para magtimpla ng kape at kumain. Kakamadali ko kasi, hinde na ako nagbreakfast. Parang hindi na maganda yung routine ko kasi tuwing gabi, I stay up late, tapos paggising ko sa umaga, lagi akong late at hindi na rin ako nakakakain. Plus, let's add the fact na stressed ako. Sobrang nakakapagod!
Habang nagtitimpla ako ng kape, may biglang pumansin sa harap ko.
"Coffee or me?" sabi ni Rowan na may ngiting nagpapahiwatig na may balak.
"None of the above," I replied, turning away.
"Matamis-tamis kaya 'to" bulong ni Rowan sa tenga ko.
"Yuckkk!" I exclaimed habang lumalabas ng kusina.
Kadiri niya naman! Sobrang naghahabol ng pansin.
Bumalik na ako sa table ko at umupo. Habang tinitingnan ko ang mga draft sketch para sa mga susuotin ni Miss Jade, biglang may nag-notify sa cellphone ko, kaya agad kong kinuha ito.
From: Daryll
Are you busy today?
Me:
Hinde naman, bakit?
From: Daryll
Tara, lunch tayo together?
Me:
Sure!
From: Daryll
Okay, meet me in the lobby later. Bye
Me:
Bye<3
Daryll and I exchange number when we we're hanging out in the Bar, just to keep in touch.
"Bat parang masaya ka ngayon ah, grabe ka ngumiti" sabi ni Rowan sa harapan ko.
Maasar nga tong bwisit na lalaking 'to.
"Ah, may kadate kasi ako mamaya" sabi ko na may nangaasar na mukha.
"Sino?!" sabi niya na galit na boses.
"Syempre secret, bakit ko sasabihin" sabi ko naman para mas mainis pa siya lalo.
Kitang kita sa mukha niya na nagagalit siya. Wala siyang nagawa kaya nag walk out. LOL!
***
12:00 Pm
Nag-aayos ako sa harap ng salamin, kabado na baka naghihintay na si Daryll sa lobby. Ay, baka ma-late ako! Kaya nagmadali narin akong bumaba.
YOU ARE READING
Fading Colors of a Wounded Sky
רומנטיקה"Sana isang masakit na kagat ng langgam lang ang nararamdaman ko, ngunit hinde. Ang sakit ay tagos sa aking puso" Sa isang iglap, naglaho ang saya sa buhay ni Cordelia Seraphina Velasquez. Iniwan siya nang biglaan ng kanyang minamahal na si Rowan Ma...