Chapter 13

15 7 0
                                    


Break the rules

Pagkalabas ko galing school dumaretso agad ako sa 7eleven. 6:30pm na, anong oras kasi ako pinalabas ni Ms. Peralta kasi binigay niya pa yung mga paper na need ko sagutan, sabi niya kailangan raw i-perfect ko yon para hindi ako mapalitan ni Misha sa first rank, sayang daw ang record ko na ako lagi ang nasa first rank sakin wala naman yon kung mapalitan ako ni Misha, ginawa niya naman ang best niya ang unfair naman non diba kung ako lang ang magiging center ni Ms. Peralta dahil concern siya sa scholarship ko.

Nagpalinga-linga ako at hinahanap si Primo, agad ko naman siyang nakita. He was wearing black t-shirt and white wide leg pants, he is so attractive and also good looking i don't deny it, si primo na yan, he was wearing also a black cap, malaki din ang katawan nito pero mas malaki kay Azher. Ba't ko ba siya iniisip?!

"Selazha!" Kaway nito, ngumiti ako at lumapit sa kanya.

"Kanina kapa ba dito? Pasensya na dami pa kasing papers na kailangan kong habulin." I thought he would be mad at me kasi anong oras siya naghintay.

"Yes, nandito na ako kanina pa pero don't feel bad hindi ako naiinip na hintayin ka." Nginitian ko siya bilang sagot, malungkot pa din ako para kay edong hindi ibig sabihin na parang okay na ako habang kausap siya e okay na talaga ako.

"Let's go. Kuha na tayo ice cream." Yaya nito sakin. Sumunod ako sa kanya at kumuha ng ice cream, may mga binili pa siyang snacks at drinks, nagtataka man pero hinayaan ko na lang.

"Para saan yan?" Tanong ko sa kanya.

"For us. Dala ko ang kotse ko, punta tayo sa dagat." Gusto ko pa sana magsalita pero hindi ko na nagawa, wala talaga akong gana makipag usap kaya pumayag na lang din talaga ako. Lumabas na kami sa 7eleven at sumakay sa sasakyan niya, buong byahe tulala ako habang kinakain ang ice cream alam ko napansin yon ni Primo, pero ayaw niyang tanungin pa ako sa mga nangyari. Makarating kami sa sinasabi niyang dagat, ay nabuhayan ako ang ganda dito bumaba na kami inilalayan pa nga ako ni Primo kasi nadadapa ako sa buhangin.

"Ang ganda." Saad ko sa kanya.

"Sobrang ganda nga." Sagot niya, agad akong nakatingin sa kanya pero hindi siya sa dagat nakatingin kundi sakin.

Tumikhim ako at umayos ng pagkakaupo, bakit ganun? Diba dapat maging masaya ako kasi gusto ko si Primo, type ko siya pero hindi.

"Selazha, it's time for you to cry harder. Malaya ka, walang gugulo sayo dito." Matapos niyang sabihin yon, naalala ko si edong. Agad akong tumingin sa langit.

Iniyak ko lahat lahat, nagsisisi ako kasi wala ako sa tabi ni Totit at hindi ko natulungan si edong. Hindi ko man lang alam na namatay siya, hindi ko pa malalaman kung hindi ko nakita si Totit.

"Si edong, napaka bait niyang bata Primo. Wala siyang ginawa na hindi ko nagustuhan, he would do anything to make me happy, kaya kahit maguidance pa ako lagi akong tumatakas at pumupunta sa likod ng school para makita sila ni Totit. P-pero ngayon, wala na si edong ang sakit para akong nawalan ng totoong kapatid, namimiss ko kung paano kami umakyat sa bakod para tumakas at magpalipad ng saronggola..."

"Ate, nasira yung saronggola ni edong." Tinignan ko kung paano bumagsak ang saronggola ni edong sa sahig dahil nasira ito.

"P-Paano napo...? Hindi na ako makakasama sa pagpapalipad." Iyak na saad ni edong. Agad ko naman siya dinaluhan at niyakap.

"Shh..Huwag kana umiyak, okay? Aayusin natin yan." Pagpapagaan ng loob ni Totit.

"P-pero gawa yan ni Papa nung matino pa siya." Sabi ni edong, alam ko pinahahalagahan niya yung ginawa ng papa niya para sa kanya kasi napabayaan na siya nito dahil sa droga simula nung namatay ang mama niya.

"Hayaan mo, akong bahala edong. Aayusin namin yan, diba ate?" Agad akong tumango.

Hindi ko naisip na pwede kaming umabot sa ganito, hindi ko naisip na mawawalan ako ng kapatid gaya ni edong. I will always love him although we're not connected by blood, I will always love him by heart.

Pagkatapos ko umiyak ay nagyaya na ako na umuwi, agad naman pumayag si Primo. Nag thank you ako sa kanya sa pagpapagaan ng loob ko, minsan pala talaga kapag sobrang bigat na kailangan lang pala natin ng isang tao para tulungan tayo buhatin yung bigat.

Binaba ako ni Primo sa tapat ng bahay namin, akala ko ngayon ang uwi nila Da pero bakit parang walang tao sa loob?

"Bye, Selazha. Thank you for making me happy and help me to realize that love is everywhere even if is not connected by blood." Ngumiti ako sa kanya bilang sagot. Nag wave ako sa kanya bilang paalam, agad niyang pinaandar ang sasakyan.

Pagkapasok ko sa bahay ay patay ang ilaw. Wala pa sila? Akala ko ngayon ang labas ni Da.

"It's already 10pm, uwi ba yan ng isang babae?" Napatalon ako sa gulat at dali-dali kong binuksan ang ilaw. Si Azher?

"B-Bakit nandito ka, Azher? Sino nagpapasok sayo?" Saad ko.

"Kami." Agad sumulpot si Meg at si Da na naka wheelchair pa. "Anong oras na, Selazha. Hinihintay ka ng boss mo. Saan kaba galing ha?" Si Meg.

"Meg, Da usap lang kami ni Boss. Pahinga na kayo, bukas na lang tayo usap. Pasensya na." Saad ko at naintindihan naman nila ang gusto ko. Pumunta naman sila ni Da sa kwarto, thank you na lang talaga wala kaming taas mahihirapan pa kami na buhatin si Da.

"Azher.." Bulong ko. Namumula ang tenga niya, hindi ko alam kung galit na siya o ano.

"Bakit mo siya kasama?" Tanong nito. Bumuntong hininga ako.

"Niyaya niya ako mag ice cream at mag dagat. Ayon lang." Mahinang saad ko.

"You already breaking the rules, nakikipag date ka." Inis na saad nito. Umiling naman ako. "Hindi paba date yon, Selazha?"

"Hindi..." Bulong ko.

"N-Nalaman kong namatay si edong. Nakita niya akong umiiyak sa rooftop, niyaya niya ako mag ice cream at mag dagat. Walang masama don, pinagaan niya lang ang loob ko." Sabi ko. Bumuntong hininga ito at inayos ang buhok ko na nasa gilid ng pisnge ko na natuyo na dahil sa luha, gulat akong napatingin sa kanya.

"Selazha, next time just call me when you are not okay. Huwag si primo, hindi natin alam kung anong intensyon niya sayo.." Malumanay na saad nito.

"Mali na itanong ko to, Azher. Nagseselos kaba?" Tanong ko dito, ayokong mag assume sa mga nakikita ko sa kanya.

"N-No. Kaibigan lang ang tingin ko sayo, ang bata mo pa para kay primo." Mapait akong ngumiti, may sakit akong naramdaman sa narinig ko.

"Secretary lang kita. Alam mo naman ang mangyayari kapag nakita ka ni Mom na iba ang kasama mo. Pinsan ko si primo, hindi tamang magkasama kayo." Tumango ako sa sinabi niya.

Secretary lang kita.

Tama, huwag na mag assume Selazha. Hindi ka niya type, tsaka bakit kaba nasasaktan? Hindi mo rin siya type diba? Matatapos din tong kontrata na magpapanggap kang asawa niya, pagkatapos nito pwede kana makipag date kahit kanino.


🎀 LovinglyByYours
(^_-) guys, please paki-follow po ako dito sa wp. 6 bon's pa lang ang meron ako, at naappreciate ko yon ayoko na sana magsulat, pero natutuwa ako sa boyfriend ko gumawa siya ng acc for cheer up me, siya ang unang followers ko sa wp : )







His Poison Desire Where stories live. Discover now