Chapter 24

25 6 11
                                    


Suicide/ Rape ⚠️⚠️⚠️

Paalis na si Azher ngayon papuntang France. Hindi ko kayang makitang umaalis si Azher kaya sabi ko sa kanya baka hindi ako sumama sa pag hatid sa kanya sa airport. Naiintindihan naman ni Azher, hindi ko lang talaga kaya. 

“Girl, ano hindi mo pupuntahan boss mo sa airport?” tanong ni Da. Umiling na lang ako sa kanya. 

“Ayoko kasing makitang umalis siya.” sabi ko. Tumingin naman sa akin si Dada. 

“Taray! Ano ba kayo?” tanong nito. Hindi ko siya masagot agad, hindi ko alam kung ano ba talaga kami ni Azher. 

Your honor, hindi ko po alam.

Tumaas ako papunta sa kwarto ko. Hindi na talaga ako humabol pa kay Azher. Nag text ito sa akin, tinatadtad niya na ako ng text pero hindi ko nirereplayan.

Boss Azher: 

hey, reply now. 

i miss you, I’m here at the airport.

baby, please. 

text me back, please. 

Sabi nito sa mga text niya, hindi ko na kaya pang basahin ang iba dahil masyadong marami. Agad akong nakaramdam ng awa kaya nireplyan ko siya. 

Me: 

ingat ka :) 

Sabi ko agad naman nag appear ang three dots, kaya alam ko nag tatype na ito ng isasagot sa akin. 

Boss Azher: 

thanks God, you finally replied to my message. Let's call? please, let me hear you say the word ingat ka for me. 

Agad siyang tumawag sa akin. Kinakabahan ako kung sasagutin ko ba pero sinagot ko pa rin. 

“H-Hello, Azher.” sabi ko. 

[Oh, baby..] ani nito sa kabilang linya.

“Ingat ka, Azher..” usal ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak at humikbi habang kausap siya, hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. 

[Hey, what's wrong? is there any problem? I will come back to the Philippines if there are any problems, Selazha..] he told me, may pag-aalala ang boses nito. 

“A-Azher, walang problema dito. Namiss lang kita kaya ako umiiyak, mag-ingat ka dyan.” 

[I miss you more, Selazha. Uuwi ako kapag may problema ka, mabilis lang ayusin ang problema sa kompanya ko. Pero hindi mabilis ang ayusin ka na hindi mo ako kasama.] sabi nito.

Nagpaalam na kami sa isa't isa dahil matutulog siya sa byahe. Inaamin ko, iniisip ko na baka makahanap si Azher lalo't hindi pa malinaw ang nararamdaman namin para sa isa't isa. May tiwala ako kay Azher, wala lang ako tiwala sa papaligid sa kanya. Binakuran ko na kasi siya. 

“Selazha! S-Si Meg..” sigaw ni Dada mula sa baba. Halos hindi ako magkandamayaw sa pagbaba ng marinig ko sigaw niya. 

“Anong nangy-” agad naputol ang pagsasalita ko na makita ko si Meg. Duguan ang pulso sa loob ng cr habang nakahandusay. 

“Dalhin na natin siya sa ospital!” sigaw ko. Tinulungan ako ni Da buhatin si Meg, kahit hindi pa masyado okay ang paa ni Dada, ginawa niya ang lahat matulungan niya lang ako buhatin si Meg. 

Wala akong tsinelas, magulo ang buhok at namamaga ang mata ko. Hindi ako nakapag-palit ng damit ko, puro dugo ang buong katawan ko. Pero hindi mahalaga sa akin yon, buhay ni Meg ang pinag-uusapan dito. 

Habang nasa waiting area kami ni Da, walang ibang nasa isip ko kundi si Meg lang. Hindi pa rin lumalabas ang Doctor, bakit? bakit ang tagal nila?

“Selazha! anong nangyari kay Meg?” sabi ni Enzo ngayon at hinawakan ang balikat ko, kakarating lang nila dito kasama si Mikana. Hindi ko napigilan ang sarili ko pag-iyak. 

His Poison Desire Donde viven las historias. Descúbrelo ahora