Chapter 11

23 6 0
                                    


Explain

It's my day! My birthday. Alam niyo yon? Hindi ako masayang 18 na ako, mas masaya pa ata kung R🔞 na lang, Joke.

"This is the contract, Selazha. Sign it." Sabi ni Azher. Binasa ko muna ito, andaming rules.

Rule #1

Don't do dates with other guy. If you do, then the contract was closed.

"Bawal makipag date? Paano kapag niyaya ako ni Primo, hindi pwede?" Dabog ko dito. Matalim ang tingin niya sakin, sabi ko nga hindi pwede.

Rule #2

Act like a my wife, huwag kang pahalata.

Sisiw lang nito sakin, mag aacting lang pala e.

Rule #3

Don't fall in love with me.

Never, ayokong mainlove sayo no. Tss.

"Paano kung ikaw ang nafall sakin? ano?" Hamon ko dito.

"Hindi kita type." Ikling sagot nito.

"The feeling is mutual, Sir. Tsaka hindi din kita type, hindi naman ikaw si Primo." Binasa ko ang iba pang rules puro chechebureche ang nakalagay, sus.

"Paano nga kung ikaw ang mafall? Paano kung lunukin mo yang mga rules mo?" Hamon ko ulit dito. Nilapit niya ang mukha sakin.

"Itatanan kita." Saad nito. "But I think that would never be happen, hindi naman kita type." Eme ka, Azher.

"Hoy, mama mo." Asar ko dito, agad naman itong lumingon sa likod at parang may hinahanap.

"Where?" Saad nito, kaya agad akong tumawa. Itatanan daw, mas gusto ko pa na si Primo ang magtanan sakin.

Nagpaalam na ako kay Azher na dadaanan ko muna si Dada at Meg sa ospital, hindi naman siya nagsalita pa basta pumasok daw ako sa work. Hindi ko pa naitatanong sa kanya kung siya ba talaga may-ari ng school, gusto ko mag pasalamat.

"Sige na, pag punta ni Isang dito, kausapin mo siya mag-sorry ka." Rinig kong saad ni Meg.

"Nahihiya ako sa kanya, mali talaga na maging bulag ako sa pagmamahal niyo sakin." Bakas ang lungkot sa boses ni Da, pumasok ako sa kwarto niya agad din naman silang napatingin sakin.

"Da, okay lang. Hindi naman ako galit, nagtampo lang talaga ako." Malumanay na saad ko sa kanya. Nilapitan ko siya at niyakap.

"Sorry, Isang. Tanga ko kasi, akala ko mamahalin talaga ni Oscar tapos nalaman ko madami pala kami. Pero ako lang maganda sa lahat ng nabiktima niya." Agad akong tumawa sa sinabi niya kahit nabugbog na siya GGSS pa rin siya.

"Happy birthday pala, Isang." Bati ni Meg sakin, ganun din si Dada.

"18 kana, huwag ka bubukaka agad ah." Saad ni Dada, kung wala lang benda ulo nito nag sabunutan na kami.

"Tangek, hindi naman ako katulad mo." Tawa kong saad.

Binalatan siya ni Meg ng orange, agad akong natakam kasi parang ang sarap.

"Oy, pahingi." Sabi ko.

"Say please. Sabihin mo, please pwede ba ako humingi ng orange." Saad ni Meg. Agad ko naman nakuha ang gusto niya.

"Okay. Please, pwede ba ako humingi ng orange?" Nag puppy eyes pa ako sa kanya.

"Hindi pwede." Agad akong napasapo sa mukha. Rinig ko naman ang tawa ni Dada. "Para kay Dada to, kung gusto mo mag ka-orange magpabugbog ka din." Agad na tumawa si Dada dahil don, papansin talaga.

Umalis na ako sa ospital dahil puro text na si Donna na hinahanap na ako ni Azher. Masyadong apurado ang lalaki na yon.

"Why are you late?" Bungad agad sakin ni Azher pagkapasok ko sa opisina niya.

"Kasi late?" Pilya akong umupo sa sofa, tinignan ko naman si Azher na busy sa mga ginagawa niya. Tatayo na sana ako para kumuha ng kape para sa kanya na biglang may pumasok sa loob ng opisina.

"Hey babe." Malanding saad ni Ate na oa na kakapasok pa lang akala mo naman siya may-ari ng opisina, hindi kumakatok. Pero Babe?

"I missed you." Malambing na saad nito kay Azher at pupunta sana sa likod ni Azher para hawakan ang balikat niya pero biglang tumayo si Azher.

"Iniiwasan mo ba ako, babe? Hindi na tayo nakakapag bonding." Awww, ang lungkot ng aso.

"Leticia, we aren't together, okay?" Cold na saad ni Azher at tumingin sa gawi ko. Gow, makipag landian ka tapos ako bawal.

"Boss. Kuha ako kape para sa inyo at sa babaeng yan." madiin na saad ko.

"Excuse me? What did you say? Babae na yan?" gigil na saad niya, yes oo true definitely ayan sinabi ko.

"Why, Ms? Okay ba sayo sabihin na yang bakla na yan, diba hindi?" masungit na sabi ko.

"Tss. Ikuha mo kami ng kape, utusan ka naman dito diba?" aba, pag ito kinalbo ko pati buhok nito sa baba kasama, instant shave.

"Oo nga naman, may point ka pero pointless." saad ko at umalis. Pangit ng taste ni Azher, jusko.

Inis akong umalis don, nakakainis. Pag ako bawal pag siya pwede, bawal ako makipag date pero siya may gf na. Unfair!

"Hey, Selazha. Listen, hindi kami okay?" Biglang lapit sakin ni Azher. Todo explain ka ngayon, hindi naman tayo.

"Okay lang, Boss. Hindi naman tayo kaya okay lang kahit makipag landian kapa." May diin yung word na landian.

"Look, hindi kami. Yes, ex ko siya pero hindi kami. Hindi ko alam bakit siya nandito, pero walang kami." Sabi niya. "What the fuck? Why I am explaining!" Sigaw nito na parang hindi makapaniwala na nag eexplain siya.

Hindi na ako makapag-salita pa dahil sa inasta ni Azher sa akin ngayon. Hindi dapat siya sa akin nag eexplain, napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napangiti kasabay non ang pag-iling.

🎀 LovinglyByYours



His Poison Desire Donde viven las historias. Descúbrelo ahora