Chapter 7

20 5 0
                                    


Owner

Maaga akong nagising ngayon dahil pinatawag ako ng school, mahalaga raw ang sasabihin nila sakin dahil ilang araw na akong absent. Kinakabahan ako sa pwedeng sabihin nila sakin, pero anong magagawa ko? Para kay Dada ang ilang araw kong absent.

"Ms. Dimaguiba, have a sit." Umupo ako pagkatapos sabihin iyon ni Mr. Torres Principal namin.

"Lately, we observe your absence, Dimaguiba. Your adviser, Ms. Peralta also observe that, she actually inform that you have 10 days absence. Alam moba ang ginagawa mo? top student kapa naman, Dimaguiba. Sinasayang mo ang chance to have a scholarship." Yes. I am a top student.

"Sorry, Mr. Yung kaibigan ko po kasi si Danzel Hernandez po nasa ospital, wala pong mag-aasikaso sa kanya." Pakiusap ko dito.

"Then? You have no excuse to us, Ms. Dimaguiba!" Sigaw nito. Tutulo ang luha ko, ayoko umiyak sa pangit nato.

"I'm really sorry, Mr. Hindi ko kayang hayaan ang kaibigan ko, pwede pa akong humabol sa mga gagawin. I can do that." Pakiusap kong muli.

"Dimaguiba! Hihighblood-in ako sayo! Sakit ka sa ulo, wala bang pamilya yang kaibigan mo para sila ang mag-alaga? Ulila ba yan? You know the consequence here! Hindi ka gagraduate or gagraduate ka man hindi ka aakyat sa stage!" What the fuck? sobra na ito.

"Hoy Panot! You don't have any rights to shout me! I don't really care kung sino ka. Pamilya? Kami ang pamilya ng kaibigan ko. Hindi ako gagraduate? Pwede akong humabol!" I shouted him back. Sino ka bang panot ka? Hindi ako rerespeto sa matanda na hindi din kayang rumespeto sa kausap nila.

"Sinisigawan moko, Ms. Dimaguiba? Top student kapa naman, wala kang respeto." Napaupo siya at napasapo sa ulo niya.

"Why would I respect you, Mr. Torres? Kung ako mismo hindi mo kayang respetuhin." Galit kong binuksan ang pintuan ng guidance office. Tangina.

Nasaktan ako kasi sinabihan niyang ulila si Dada, ulila kaming tatlo pero may pamilya kami. Sila ang pamilya ko. Alam ko ang consequences nito, baka hindi lang ang pagiging top student ko ang mawala pati na din ang pangarap ko na maging abogado.

Pumunta ako sa ospital para dumalaw, bago pa man ako makapasok ay punong-puno na ng sigawan sa loob. Ano yon?

"Tanga tanga mo, Da! Sobrang tanga mo!" Galit na sigaw ni Meg. Gising na si Da at nagtatalo sila.

"M-Mahal ko si Oscar. Hindi ko siya kakasuhan." Hirap na saad ni Da. Tangina.

"Putangina, bobo kaba? Halos mamatay ka! Halos patayin ka ni Oscar! Grabe ang pagmamahal mo, kabobohan yan!" Galit na galit si Meg na mapatingin siya sa gawi ko.

"B-Bobo na kung bobo, Meg! Si Oscar sa kanya ko naranasan na minahal ako!" Pabalik na sagot ni Da. Hindi ka niya mahal, Da.

"Tanga, hindi ka mahal non. Tingin moba mapupunta ka dito kung mahal ka non? Nag iisip kaba?" Si Meg.

"Hindi paba pagmamahal ang binibigay namin sayo, Da?" Putol ko sa away nila.

"Hindi paba pagmamahal na magpuyat para sayo si Meg? Hindi paba pagmamahal na linisan namin ni Meg ang mga sugat mo, at linisin ang katawan mo." Saad ko.

"Hindi ko sinabing gawin niyo yon." Sabi ni Da. Agad akong napatingin sa kanya.

"Tangina, Da! Hindi mo sinabi pero gagawin namin para sayo! Tingin moba hahayaan ka namin na walang magaasikaso sayo? Da, naman!" Umiiyak na saad ko dito.

"Tanga tanga mo, Da. Sa sobrang mahal ka namin hinayaan namin ni Meg mawala ang lahat para sayo. Para sa lintik na pagmamahal na nakikita mo lang kay Oscar! Ang hirap tumaya sayo, iba ang nakikita mong nagmamalasakit sayo. Halos patayin ka ni Oscar, sinong nag-alaga sayo? Kami ni Meg. Halos umiiyak ka kada gabi kay Meg dahil sa kirot ng paa mo, sino humahaplos niyan? Si Meg! Hindi kita sinusumbatan. Hindi kasi kita maintindihan..." Halos maubos ang boses ko habang sumisigaw sa kanya.

"Bakit...? H-Hindi ko naman pinipilit na alagaan niyo ako ah. Hindi." Saad ni Da na umiiyak na rin, ganun din si Meg.

"Hindi nga! Pero gusto namin dahil mahal ka namin." Saad ko at umalis sa room ni Da. Ayokong makipag-usap sa kanya muna, ang sakit kasi isipin na hindi niya pala nararamdaman na mahal namin siya.

Habang umiiyak ako sa waiting area, biglang tumunog ang phone ko. May natawag ang school na naman.

"Ms. Dimaguiba, I'm sorry for what happen. Makakagraduate ka pa rin, kinausap ako ng owner ng school." Saad nito sa kabilang linya.

"S-Sino pong may-ari? Totoo poba? Ano pong pangalan niya?" Tanong ko.

"Azher Brylle Rialego."  Si boss?

🎀LovinglyByYours

His Poison Desire Where stories live. Discover now