Chapter 2

39 10 0
                                    


Dada

Pinagalitan ako ni Meg pagkatapos niyang malaman na hindi ako pumasok kahapon, masyado daw akong pabaya sa pag-aaral ko. Grade 12 student palang ako, graduating at mag first year college.

"Gaga ka, hindi kaba nag-iisip? Kapag napuno ang records mo sa guidance pwedeng hindi ka grumaduate, Isang." Gigil na saad nito.

"Pasensya na. Hindi ko na uulitin." Malungkot na saad ko. Agad niyang binagsak ang librong hawak.

"Ayan, dyan ka magaling ang humingi ng pasensya. Tangina, Isang. Ang hirap hirap mag-aral, may mga bata hindi nakakapag-aral. Gusto moba talaga bumalik sa lansangan kasama ng mga batang nambully sa atin noon. Tayo ni Dada, diba sa lansangan tayo galing? Tangina, kung ayaw mo pagmataasan ng mayayaman sa daan huwag kang umiwas sa biyaya na pwede ka makapag-aral." Galit na saad ni Meg. Oo, batang lansangan kami nagbebenta ng sampaguita gaya ng mga nakikita niyo sa daan.

"Pasensya na, mali ako. Promise, hindi ko na uulitin." Bagsak balikat niya akong tinignan, alam ko disappointed siya.

"Huwag ka magsalita, gawin mo Isang. Ayusin mo pag-aaral mo kung ayaw mong kaladkarin ka namin ni Dada magmula dito hanggang kabilang barangay." Katacute. 5 years ang agwat na taon niya sakin, 17 years old ako si Dada naman ay 20 at si Meg 22 mas matanda sa amin kaya matured na siya at parang nanay-nanayan.

Tinulungan ko siya maghain sa hapagkainan. Grabe na siguro ang disappointment na nagagawa ko sa kanila, naiintindihan ko naman. Sabay kaming napatingin ni Meg sa phone niya na nag-ring.

"Hello po?" Tanong ni Meg.

"Uhm, Yes po. Kaibigan po ako ni Dada. Po? Saan pong ospital? Ano pong nangyari sa kanya?" Kita ang pag-aalala sa mukha ni Meg hanggang sa umiyak na ito.

"Anong nangyari kay Dada?" Tanong ko.

"Putangina ni Oscar!" Galit na sigaw nito.

"Bakit? Anong nangyari?" Ulit na tanong ko.

"S-Si Dada nasa ospital, bali-bali ang buto sa tuhod at basag ang mukha. Binugbog siya ni Oscar." Umiiyak na saad nito, agad kaming nagmadali para pumunta sa ospital.

Halos mabangga na namin ni Meg ang mga taong humaharang sa daan para lang makapunta kami agad kay Dada.

"Room 306 po." Saad ni Meg. Agad naman tinuro ng nurse kung nasaan yon.

Dahan-dahan namin binuksan ang pinto. Hindi ko ata kakayaning makita si Dada na ganon nga ang sitwasyon. Sa pagbukas ng pinto tumambad si Dada na mahimbing na natutulog, basag ang mukha at namamaga pa. Ang paa niya naman ay nakataas at may sumusuporta, namamaga din ito at halatang nabali nga, may benda din sa ulo ni Dada.

"D-Dada." Emosyonal agad kami ni Meg ng makita siya. Sobrang malala, tangina. Hindi tao ang gagawa nito sa kaibigan namin kundi isang deputa!

"Gumising ka, please. Huwag mo kami iwan, Dada ha. Lumaban ka." Iyak na pakiusap ni Meg. Nasasaktan ako sa sitwasyon namin, kami na nga lang tatlo ganito pa ang mangyayari.

"Doc, ano pong nangyari?" Tanong ko sa Doctor.

"Base sa aming examination sa pasyente, masyadong serious injured ang natamo niya sa tuhod. Sa ulo niya din ay napansin naming may sugat ito, I think he passed out pagkatapos siya hampasin ng bote sa ulo. Sa ngayon, tinitignan pa namin kung may iba pabang natamo ang pasyente." Napahawak na lamang ako sa bibig ko. Dada, hindi ko maimagine kung gaano ka nasaktan non.

"Doc, please. Gawin mo lahat para iligtas ang kaibigan namin, kahit gaano kalaki ang kailangan bayaran gamutin mo lang siya." Nagmamakaawa kong saad. Hindi ko kaya na mawawala siya samin.

Agad akong napaupo sa sofa katabi ng kama ni Dada. Private room ang kinuha kaya mahal ito lalo't private din ang ospital, pero gagawin ko lahat mabayaran lang to.

"Saan tayo kukuha ng ganito kalaking pera? 569k? Sa gamot, sa X-ray sa injured ni Dada at sa ulo niya. Hanggang ngayon wala pa siyang malay, pwede pang madagdagan ang bills!" Bulyaw nito. Masyadong malaki ang 569k, saan kami kukuha niyan?

"Kakayanin natin, Meg. Please, huwag kang sumigaw at naririnig ka ni Dada isipin pa niyang bakla na yan pabigat siya." Saway ko sa kanya na agad naman siyang kumalma.

"Ako na lang bahala, Meg. Hahanap ako ng trabaho, mag pa part-time job ako. Pwede naman na ako dahil next month 18 na ako." Saad ko dito.

"Marami akong order ng cake, pwede kitang tulungan habang nagpapart-time ka." Dagdag naman nito. Napatitig kami kay Dada, siguro ako kung may lakas siya ngayon alam ko pipigilan niya kami gawin ito sa kanya.

“Anong plano natin kay Oscar?” tanong ko sa kanya. Huminga siya ng malalim at tumulo na naman ang mga luha niya.

“Sasampahan natin ng kaso si Oscar. Hindi tayo papayag na hindi niya pag bayaran ʼto.” sabi ko sa kanya.

I sighed. “Nakita ko si Dada at Oscar sa tapat nang bahay kagabi. Nag-aaway pero biglang nagsabi si Dada na aalis siya at sa condo muna ni Oscar mags-stay. Hindi ko alam na may nangyayari na palang iba. Nakita ko rin ang pasa sa braso niya, sana talaga hinabol ko siya at pinigilan para hindi matuloy.”

Hinawakan ni Meg ang kamay ko at marahang pinisil. “It's not your fault, Selazha. Hindi mo naman alam na ganito ang mangyayari.”

Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam saan ako kukuha ng pera pambayad sa hospital. Paano kung wala akong makuhang trabaho? Paano si Dada?

“Take a rest, Isang. Ako na bahala kay Dada, umuwi ka muna sa atin at kumuha ka nang damit ni Dada. Bumalik ka bukas.”

Tumango ako sa kanya. Pagkababa ko ay dumaretso agad ako sa upuang bato sa gilid ng building nang hospital. Halos sunod-sunod ang pag bagsak ng luha ko habang nagdarasal.

"Here.”

May nag-abot sa akin ng panyo. Tinanggap ko ito at pinunasan ang mukha ko na basang-basa dahil sa luha. Inangat ko ang mukha ko para tignan kung sino ang nagbigay, pero masyadong balot ang mukha niya. His wearing a black face mask and black hoddie. Hindi ko maaninag ang kabuuan ng mukha niya.

“T..T-Thank you.” mahinang sabi ko.

Balak ko na lang sana i-abot ang panyo niya para ibalik pero hindi niya tinanggap. Nagtataka akong tumayo at pumantay sa kanya.

“Ano? Kunin mo.” sabi ko sa kanya. Hindi pa rin niya tinatanggap. Halos mag-init na ang ulo ko sa lalaking kaharap ko ngayon.

I heard him sighed. “Just give me your number.”

🎀 LovinglyByYours

His Poison Desire Where stories live. Discover now