Chapter 14

25 7 0
                                    


Sim Card

Does true love really exist? If true love really exists, why are we asking or begging for validations that we deserve? I will admit that I was hurt when Azher said I was just his secretary. Tanga ko, bakit ko pa kasi tinatanong if nagseselos ba siya.

"Tulaley ka dyan, girl." Basag ni Dada sa pag-iisip ko. I smiled at him bitterly. Bumuntong hininga siya at lumapit sakin, inalalayan ko naman ito.

"Problema mo, girl? Ichika mo sa'kin yan. Siguro napapagod kana sa gastusin sakin ʼno?" Sinamaan ko siya nang tingin.

"Syempre, hindi. Bakit naman ako mapapagod sayo? alam naman natin na yung pera madaling kitain yan. Pero yang buhay mo, hindi madaling ibalik." There's a side of me that was really tired by supporting all the expenses and bills, but that's not the reason to give up on him during that time; I know how much he suffered. Hindi ko para sukuan si Da.

"Bakla ka, alam ko na problema mo. Dahil sa chupapa?" Tanong nito sakin. Hindi ako sumagot sa kanya at tumahimik na lang.

"Sino ba yan? Si Boss o yung kasama mo noong kagabi?" Dagdag pa nito. "Girl, ang pogi nung kasama mo kagabi pero yung boss mo MAS POGI." Kinikilig na saad nito.

"Pogi ba? Hindi ka type non." I said and chuckled.

"Okay lang, atleast siya type ko. Bakla, huwag ka inalalayan niya ako kagabi." Pagmamayabang nito sakin. Tumawa naman ako.

"Alam mo, Isang. Dapat hindi mo na iniisip mga yan, wala silang dulot sayo kung gusto mo ibigay mo na lang sakin. Sanay na ako sa mga problema." Tumawa ako sa sinabi niya.

"Oo, kaya ka nga nabugbog sa sobrang sanay mo pati mukha mo problema mo na ngayon." Pagbabara ko sa kanya, sinungitan naman niya ako at nagpahatid na sa kwarto niya.

Sabado ngayon kaya wala kaming pasok sa school, duty naman ako sa Rialego Comp. Makikita ko na naman si Azher, irita pa nga ako sa kanya dahil kagabi.

Pagkapasok ko sa opisina ni Azher halos mabingi ako, hindi dahil sa ingay kundi dahil sa katahimikan. Wala kaming kibo habang chinicheck ko ang mga resume na mga bagong mag aapply, sobrang daming gusto pumasok dito nakakaduling na kakabasa ng mga info about sa kanila.

Tumikhim si Azher kaya naalis ang atensyon ko sa mga papeles.

"Kindly, give me the list of my meetings." Tinaasan ko siya ng kilay at binigyan ng edi okay look. Inabot ko sa kanya ang list.

"Sir, you have a meeting with foreign investors with Mr. Chua at 10 a.m. He wants to promote his new product." Dagdag ko pa dahil nalimutan ko ilista. Nakikinig naman sakin si Azher pero hindi siya natingin sa mga mata ko.

"Hey, Azher." A flirty tone voice suddenly entered the office. It was the girl who disrespects me last time. Pangit. Tumingin ito sakin at ngumisi, langyang mukha na yan.

"Baby, look at me. Namiss kita...Oh, what happened to your face, Azher? Nawala lang ako napabayaan mo na ang mukha m-" Pinutol ni Azher ang sasabihin niya.

"Don't being so much overreacting, Leticia. Hindi ako naging pabaya sa mukha ko, nung nawala ka mas umayos pa ako" Azher said with a cold and baritone voice. I see Leticia's face. She pouted. mukhang tanga.

"Did you eat already?" Tanong ni Azher. Kainis, akala ko ba gigil siya sa babaeng yon bakit niya tinatanong kung kumain na.

"No yet, baby." Landi talaga nito, 1v1 sabunutan.

"Not you, Leticia. I was referring to Selazha." Gulat akong napatingin kay Azher may pasa ito sa gilid nang labi, bakit kaya?

"Ako? Uhm.. Hindi pa ako kumakain, pero mamaya pa ako. Sabay na lang kayo ni Ma'am Leticia." Nakita ko naman ang mukha ni Leticia na parang nanalo sa lotto dahil nagpaubaya ako sa pila para siya unang makataya.

"No. I will eat also later, sabay tayo Selazha." Sabi ni Azher. Kita ko ang gigil at ang inis sa mukha ni Leticia, go girl.

"Arrgh. What the fuck!" Galit na usal ni Leticia at iritableng lumabas sa opisina. Girl, kung ako sayo pinili ko na lang na iputok ako sa kumot kesa hindi tanungin kung kumain naba ng taong mahal niya.

"Boss, pwede ba ako magtanong." Nahihiya akong umupo sa harapan niya. Tumango naman ito para sabihin na magtanong na ako. "Anong nangyari sa mukha mo? Bakit may pasa ka?" Dagdag ko.

"Tss. I was bit by the bastard. That shit doesn't affect me at all. Parang suntok nang bata." Galit na saad nito.

"Sino naman pong kaaway niyo?" Tanong ko pa. Tumingin naman siya sakin ng masama.

"Edi yung ka-date mo." Cold na saad nito at tumingin sakin.

Bakit naman sila mag-aaway? About saan? Shit, huwag niyang sabihin na simula na sa agawan ng lupa. Oh no!

"Last question na lang, Boss." Umupo ako ng ayos.

"Kinuha niyo po ba ang number ko sa resume ko noon nung nag apply ako?" Buong puso at balu-balunan kong tanong dahil kinakabahan ako.

"No." Sagot nito. Hindi siya edi sino?

"Weh? kasi boss, may nagtetext sakin. Ito oh." Inilabas ko ang phone ko at pinabasa sa kanya ang mga text ni Unknown Number.

"Oh, diba parang pinopormahan ako." Saad ko pa.

"It's cringe. Hindi ako ganyan." Sabi ni Azher. Agad akong natulaley kasi hindi siya, at hindi din si primo yon kasi may number ko na siya may name niya pa agad.

"Boss tingin ko pinopormahan ako nito, siya raw asawa ko. Siraulo talaga, baka nga scammer to. Ibloblock ko number nito." Agad kong blinock ang number. Nakita ko naman ang simpleng pagsapo ni Azher sa ulo niya.

"Shit, magpapalit na naman ako ng sim card para sa new number." Bulong nito sapat na para marinig ko. Agad akong napakunot nang noo.

"Bakit, boss? bibili ka bago? para saan?" Saad ko pa.

"Nothing, it's only for confidential purposes." Malamig na saad nito. Agad ko naman binuksan ang bag ko.

"Gusto mo sir, sakin ka bumili. Ano gusto mo TNT? DITO? Smart?" Saad ko at nilapag ang iba't ibang sim card. Tss, sideline ko pang gastos at pang bayad utang, bakit?

Nakita ko naman ang mukha ni Azher na parang hindi makapaniwala sa binibenta ko.

"For pambayad ng tubig, bills at bahay purposes only." Ngiting saad ko.

🎀 LovinglyByYours

: ) get a girl na may collection ng sim card, or should we say get your own SELAZHA FARAH DIMAGUIBA.

His Poison Desire Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora