Unknown XXXIII

20 2 1
                                    


Aradia POV

"Ito yung pansamantalang tutuluyan nyo habang nandito kayo iha" sabi ng matandang babaeng nagngangalang Selya ayon sa lalaking kasama namin ni Lea kanina.

"Maraming salamat po ahihihi" tugon ko sa matanda.

"Oh sya akoy bababa na at ipaghahanda ko kayo ng makakain" Nakangiting sabi nito bago umalis. Nang maka alis ang matanda ay inayos ko ang gamit na dala dala ko papunta dito saka bumaling sa aking alagang si Lea

"Lea tara na sa baba alam kong pareho na tayong nagugutom ahihihihi" Tumango naman ito at nauna na ng lumabas, iniwan kasing nakabukas ng manang Selya ang pinto nung umalis ito kaya nauna ng lumabas si Lea.

Habang bumaba ako ay nakarinig ako ng pag uusap ng dalawang lalaki at siguradong yung isa ay ang lalaking naggabay samin kanina at syang tumititig sakin nung dumating ako dito. Sayang lang at di ko na abutan ang kasiyaha hayssss

"Witch lang pala eh-- W-witch, eh sinong witch yung matanda ba na nagpupunta dito palagi" Ang una kong narinig nung tuluyan na kaming nakababa ni Lea sabay nung ang nakita kong paghampas ng nagpakilalang beta sakin kanina. 

Ano nga bang pangalan nito, aalamin ko yun mamaya hmmm

"Sino bang bagong dating na witch dito sa Nightstorm at sa tingin mo ba ay matanda ang aking magiging mate, nababaliw na ba ang utak mo, kung ano ano ang pumapasok riyan?!" sabi ng beta nila.

Hindi ko alam pero ang sarap pakinggan ng boses nito ahihihihi. Pero sino ba ang tinutukoy nila?

"Malay mo naman diba baka yun ang parusa sayo ng moon goddess dahil sa pagiging babaero mo, halos lahat na ata ng dumadayo at mga dalaga dito sa Nightstorm eh naka one nights stand mo na" Natatawa na sabi ng isa.

Kusang napataas na lang ang kilay ko at nainis ng hindi mainitindihan dahil sa narinig.

Bago pa sila matuloy sa pag uusap nila ay sumabat na ko sa usapan nila.

"Babaero..." Nakataas ang kilay habang naka crossed arms na nakatingin sa dalawa.

"Oh oh" sabi nung isang lalaking pero di ko iyon pinansin dahil mas nakatuon ang pansin ko sa lalaking nanlalaki ang matang nakatingin sa akin na parang di na ata humihinga. 

Di ko alam kung bakit ganto ang kinikilos ko at nararamdaman pero wala na kong pakialam dahil ang gusto ko lang ay ipakain ang beta sa alaga kong si Lea.

Tumikhim ako para matauhan ang lalaking tulala at magsalita ito.

Natauhan naman ito agad saka nagsalita pero pansin ko pa rin ang kaba nito.

"A-ah b-bat nandito ka na agad sa baba, may k-kailangan ka b-ba?" kinakabahan nitong sabi na parang di parin nakakahupa sa kaba nya kanina.

Wala naman akong sinasabi na kung anong kakaiba, gusto ko lang malinawan kung bakit may babaero akong narinig sa kanila.

"Di ba dapat ako bumaba?" sabi ko habang patuloy na nakatingin pa rin dito at katulad ko ay ganun din ang Beta.

"A-ah hindi, hindi wala namang masama, ah ano am gutom na ba kayo alam kong am malayo pa ang pinanggalingan nyo mas mabuting kumain muna kayo hehehe" sabi nito sabay tayo at lapit sakin.

Magsasalita pa sana ako ng biglang narinig ko ang naggutom na tyan ni Lea kaya napatuon ang tingin ko sa alaga ko at alam kong pati ang iba ay napatingin din dito.

"Pwede bang maya na kayo mag-usap, nagugutom na talaga ako" sabi nito habang dinidilaan ang paws nito.

"Ayun sakto Manang Selya maghanda na po kayo ng makakain nila, salamat" Pinaningkitan ko to ng mata pero pinagsawalang bahala ko muna iyon.

UnknownWhere stories live. Discover now