28: Sold Out!

11 2 0
                                    

I activated my Facebook page and immediately changed its name to Dy's Online Art Shop. Na-upgrade ko na rin ito as business account para mas madali kong i-manage.

I posted the pictures of my arts on my Facebook page. Ali gave me tips on how to properly photograph them. Desmond helped me to boosts the post so more people could see it.

Sa 50 na na-upload ko, isa pa lang ang nabenta ko. At ang unang bumili ay ang friend namin na si Trevor. Sabi niya swerte raw siya kaya dapat lang na mauna ito. Sa lahat ng kaibigan ko, si Trevor ata ang hindi ko masyadong makakasundo. Snob kasi tapos feeling famous pa. Well, he is famous. Malay ko ba na marami na pala siyang na-publish na libro.

He bought the one that I made during my dark days. Lahat ng emosyon ko sa pagkawala ng anak ko, binuhos ko sa painting na 'yon. Kung hindi lang para sa grade, hindi ko sana ibebenta 'yon. Bibilihin ko nalang siguro sa kanya kapag naka-ipon na ako.

Mayabang talaga ang kupal dahil binili niya ito ng 100 USD. Sabi niya, it could have been worth more if I used the right mediums. Like what the heck?! Edi siya nalang sana nag-paint. Gusto kong isampal sa kanya iyong painting kaso naisip ko na nagbabagong buhay nga pala ako.

I checked my FB Page dahil dirediretso ang pagtunog ng selpon ko, only to find out na posts pala 'yon ng isang Ravi Matsunagi. Kumirot ang dibdib ko. Why am I still receiving notifications from him? Ang alam ko blinock ko na siya noon.

Sa curious ko, I clicked on the notification. It was a pinned post of him wearing his toga and diploma. Nakapag-graduate na pala siya ng BS Management. Good for him.

Nag-scroll ako at nakitang may tagged post siya from The Billionaire's Club. It captioned, "Ravi Harys Matsunagi, the son of Ginnie and Harry Matsunagi, owner of Matsunagi Medical Missions is the newest and youngest member of the Billionaire's Club..."

Teka? I know Ravi is rich, but not this rich. Tsaka, anak pala siya ng may-ari ng Matsunagi Medical Missions? Isa ito sa pinakasikat na Clinical institutes sa buong mundo. Who would have thought? He wasn't the type of guy who shows off his wealth.

Maraming pumasok sa isipan ko habang tinititigan ang kanyang litratong pumipirma sa isang papel. Kung hindi siguro nila ako niloko, could he have been where he is now? Maybe not.

Sa kakaisip ko ng mga what ifs, hindi ko namalayan na na-like ko pala ang post na 'yon. Nataranta ako kaya in-unlike ko ito. Hindi naman siguro lalabas sa notifications ni Ravi 'yon. It was just a tagged post naman.

Bumalik ako sa page ko at inayos ang itsura nito. I tried creating more engaging posts on why they should buy my artwork. Pagkatapos, gumawa na ako ng ibang requirements sa school.

I-turned off the notifications sa mga socials ko para makapag-focus ako sa mga requirements na ginagawa ko. Dibale, automatic naman na gagalaw ang mga benta ko dahil sa tinuro sa akin nila Desmond. I linked my account to a website on wix and placed my paypal account para kapag may bumili, automatic ng matra-transfer sa account ko 'yong bayad. Tapos may hinire rin si Ali na magshi-ship ng mga artworks ko roon sa buyer. Oh diba, love na love ako ng mga kaibigan ko.

Gabi na ako natapos sa mga schoolworks ko. I finished writing a five-page essay on why art is important to today's generation. Marami akong nilagay na pros and cons, bahala na ma-bored 'yong teacher namin sa mga sinulat ko. I went straight to bed after that. Nakakapagod mag-isip.

The following day, sinundo ako ni Ali at Mond na may malalawak na ngiti sa labi. I gave them a confusing glare as I went inside Desmond's car.

"Why are you guys giving me a creepy smile?" I chuckled. Para silang mga batang nag-aantay kwentuhan ng bedtime story na kapag hindi mo ginawa, ikaw ang mamromroblema.

𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon