22: Ambiguous Evidence

24 4 1
                                    

May mga wish ka ba na sana hindi mo nalang hiniling? Iyong tipong sana hindi nalang pala nangyari para wala nang masaktan?


Everything happens for a reason, but sometimes you have to be one of the reasons to gain everything.


"Happy Birthday!" bati sa akin ni Sapphire nang may hawak itong cake na binake raw niya. It has been five days since she came home. Sa mga nakaraang araw, maraming umikot sa aking isipan tungkol sa mga sinabi nila at sa mga narinig ko.


Hindi ko pinuntahan si Miss Turner. Ayokong masira ang relasyon na mayroon kami ni Sapphire at ni Ravi ngayon. Kung kailangan ko naman talaga malaman, malalaman at malalaman ko rin naman 'yon.


"Sapph naman, you know I don't like celebrating my birthday," malungkot kong ngiti.


"Nyx...isipin mo rin naman na malulungkot si Tita kapag ganyan ka nalang parati," she pouted.


Napayuko ako. I didn't like celebrating my birthday because it reminded me of the day I lost my mom. Iyong akala ko magaling na siya dahil um-effort itong i-surprise ako, iyon pala...iyon na ang huling kaarawan ko na kasama siya.


I smiled slightly before I looked at her, "I know."


Siguro nga it's time to accept that my mom will no longer be around, but it doesn't mean that I have to be miserable dahil wala na siya. She told me to enjoy my life to the fullest, kaya bakit nga ba ako naging malungkot masyado.


Ngayon ko lang napagtanto na kaya siguro ako nag-focus masyado sa academics nang inaabot ang pinakamataas na marka para lunurin ang nakaraan kong lungkot. I needed to occupy myself in school works to deny the fact that I'm drowning in sorrow.


"Nga pala, may nag-aantay na regalo sa 'yo sa labas," tawa nito. Nawala bigla ang malungkot kong pag-iisip at tinignan si Sapph nang may kunot sa noo.


Hinila niya ako palabas ng aking kwarto at bumungad sa akin ang isang malaking regalo.


"A-Ano 'yan?" Turo ko. Sa sobrang laki nito, kasya siguro ang mga limang basketball player. Ano ba laman niyan at sobrang laki naman.


"Buksan mo para malaman mo," she giggled like a little child. Bakit mas kinabahan ako lalo? Ano ba nasa loob ng higanteng kahong ito?


"Ano ba kasi laman niyan?"


"Basta! Buksan mo nalang kasi!" Tinulak niya pa ako para mas malapit ako sa kahon. 


Dahan-dahan kong hinila ang ribbon ng kahon at bumungad sa akin ang isang lalaking may hawak na napakalaking stuffed toy na aso. Hindi lang iyon, may mga bulaklak, chocolates, bigas, prutas, karne, gulay, at iba pang mga grocery items. Isama mo pa ang isang drawing table na matagal ko nang gustong bilhin.


"Happy Birthday! Nyx!" bati ni Ravi nang may malawak na ngiti sa kanyang labi.


𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1)Where stories live. Discover now