"You can share it with me, what's bothering you?"

"Wala po, pagod lang ako sa school," sagot ko.

Awit sayaw, intramurals...malapit na. Marami kaming inaasikaso. Pero masaya akong napapagod ako. Hindi ko alam siguro dahil ilang taon akong nasa kwarto at bahay lang. I never get to experience this activities before.

"Hmm kumusta naman kayo ni...Crescent?"

Bigla nalang uminit ang magkabilang pisngi ko. Why does she have to ask?

"We're okay po," sagot ko.

"That's good. Alam mo, I tried to search for her on sociant, she's really good at singing."

Napangiti naman ako.

Yeah...she's really good.




After the session ay umuwi na kami ni Ethan. Nagulat pa ako sandali dahil pagkapasok ko ay agad kaming pinapapunta sa kusina dahil gustong makipagsabay ni lolo sa dinner. I'm used to eating alone.

Kaya nagugulat ako. Lolo seems different now a days at hindi ako sanay.

Pagkapasok namin sa dining area ay natulala ako sandali nang makita ko si Crescent.

What...in the world...

"Oh, bakit ngayon lang kayo?" Napalingon ako kay lolo. And lolo is okay with her being here? What's happening? Tumingin ako kay Crescent and she mouthed the word "sorry". Why?

"Umupo ka na apo," sabi ni lolo. Tapos si Ethan naman gaya ng palagi niyang ginagawa ay nasa gilid ko lang siya.

"Nagugulat pa rin ako hanggang ngayon I'm sorry," sabi ni lolo na ikinakunot ng noo ko. "I didn't know that...my apo already had a girlfriend."

Naubo ako sa sinabi ni lolo.

Nahiya pa ako sa mga chef na nandito.

"Sorry po," sabi ni Crescent.

"No–do–don't be, eh sinagot ka na ng apo ko diba?"

Paano niya kinausap si lolo? Kailan?

"Natatawa ako dito sa kaibigan mo apo, aba't sinugod na naman ako sa office." Nakangiting sabi ni lolo.

"Girlfriend po," sabi naman ni Crescent.

Ngayon ay sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. HIndi ko na alam ang gagawin ko. Parang gusto kong tumalon sa dagat at magpakalunod. She didn't tell me anything about this. Wala naman sa plano 'to. What if sumabog si lolo.

"What?!"

Napaigtad ako sa gulat nang biglang sumigaw si Ethan. Inangat ko ang tingin ko sa kanya.

"Ethan...calm down," sabi ni lolo. Pero bakit parang kalmado lang si lolo tapos si Ethan naman ay ang hindi ko maintindihan. Sa mga sinabi ni lolo na masasakit dati hindi ko inaasahan 'to.

"Well, welcome to the family," sabi ni lolo. "Kumain na kayo, so that you could still have time for each other. Pero kailangan mong umuwi ah, ayokong tinatawagan ng nanay."

Huminga ako ng malalim. How can I eat?

Talaga bang okay lang kay lolo?

Is he not questioning?

Tumingin ako kay Crescent at ngumiti siya sa akin. Hindi ko inaasahan 'to sa kanya. Mas okay na siguro 'to kesa malaman pa ni lolo sa iba?

"By the way, how can you manage to sing, do fan service while studying?" Tumingin ako kay lolo. Kumain nalang rin ako para makasabay sa kanila.

The Silent Canvas (GL)Where stories live. Discover now