Chapter 33: The Struggles Living In Reality

5 8 0
                                    

The arena was adorned with majestic banners and intricate tapestries, symbolizing the unity and strength of the kingdom. The queen and king, emperor and empress, council members, professors, and the headmaster all sat in their respective seats, their eyes fixed on the swirling images before them.

In the projection, various groups of students were seen navigating through treacherous landscapes, facing terrifying creatures and daunting challenges. Mapupuno ng sigawan ang arena na nagmumula sa mga manonood.

Ang isa sa mga prodyeksyon ay nakapokus sa isang partikular na grupo. Ito ay ang grupong Sirius Knight na pinangungunahan ni Prince Eos Serafica na siyang anak ng emperor at ng empress. Ang vice captain nito ay si Norn Hale na anak naman ng malalakas na dating Arches ng paaralan.

At the end of the row of bleachers, a figure sat in quiet contemplation, his piercing gaze fixed on the projection display. It was Lag Krueger, a mysterious and enigmatic figure known for its unpredictable nature. By his side, a sleek black cat lounged lazily, its eyes gleaming with intelligence.

Isa sa mga prodyeksyon ay nakapokus sa nangyayari kayna Norn. Ang ekspresyon na meron si Lag Krueger ay napadilim habang nakatitig sa mukha ni Norn. My isa namang guro sa tabi niya. Ito ay walang iba kundi si professor Nicklaus.

Nakatitig lamang ito sa kaniyang katabi na si professor Lag. Walang nakaka-alam liban sa punong-guro at professor Valerie na isang bampira, ngunit nakakabasa siya ng isipan ng kahit na sino kung gugustuhin niya. Naririnig din niya ito kapag malakas ang emosyon ng mismong nagiisip nuon.

Bahagyang nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa katabing guro. Maya-maya ay iniwas na rin niya upang hindi siya mahalata. Nabasa niya ang iniisip nito at hindi niya iyon gusto. Hindi siya makapapayag. Kahit nalilito siya sa mga sinasabi nito sa isip ay alam niya na may balak ito masama sa dalawa sa mga istudyante niya.

•〰〰〰〰〰〰•

Habang naglalakad sa isang madilim na pasilyo, ay tanging ilaw mula sa mga lampara na nasa pader ang nagibg gabay nila. Nasa likod si Eos at Norn habang iginigiya naman sila ng matandang babae na siyang ina ng pinuno.

May katabi itong babae na marahil ay mas matanda lamang sa kanila ng ilang taon. Sa gilid naman nina Norn at Eos ay ang dalawang humuli sa kanila kanina. Kahit saan sila lumingon ay may naririnig silang agos ng tubig. Siguro ay isa iyong echo.

"Akin na ang kamay mo."

"Eh?" Nahinto si Eos nang kuhanin ni Norn ang kaniyang mga kamay. Kung hindi dahil sa nasa medyo madilim silang parte at sa tila kahel na kulay ng paligid dahil sa apoy na ilaw ay mahahalata ang pagkapula ng kaniyang pisngi.

Hawak-hawak ni Norn ang kaniyang dalawang kamay at malamyos ang mga mata nito na tila ba ay puno ng pagod at lungkot. Pero hindi naman iyon ang emosyobg ipinapakita ng mga mata nito. Nakatungo lamang ito sa kanilang mga kamay.

Sa isip ni Eos ay hindi magaspang at hindi rin malambot ang mga palad ni Norn ngunit kay sarap hawakan. Naghahalo rin ang lamig at init dito. Iyon lamang ang nasa isip niya habang panakanakang nasulyap sa mukha ng dalaga.

Habang kumakabog ng malakas ang kaniyang dibdib ay duon naman niya naramdaman ang kakaibang lamig at init. Tila ay gumagapang ito sa kaniyang mga kamay at braso. Duon ay nakita niya ang animo ay umaagos na tubig na nagmumula sa mga kamay ni Norn.

Nagrereplika sa mga mata ni Eos at Norn ang kulay asul na tubig at tila kumikinang pa. Di naman nagtagal ay natapos rin ito at duon niya nakita ang resulta. Nakita niya ang mga palapuksuhan na wala ng bakas ng pagkasunog ng balat mula sa tali.

The Lie of Eternity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon