Chapter 8: Silver-White and test

22 23 10
                                    

Almost three weeks later. . .

Maagang nagising si Norn at inihanda ang mga dapat niyang dalhin. Hindi dahil sa sigurado siyang makukuha niya ang posisyon na iyon kundi, sisiguraduhin niyang makukuha niya ito.

She was just bringing a messenger shoulder bag. Inside that bag was nothing but her book-like diary, an ink, and a feather pen. And a crystal apple with green forest scenery in the inside. Ito ay pwede paliitin kaya naman hindi mo mahahalatang ito'y nasa loob ng shoulder bag ni Norn. She also have an amulet of the elven clan she's not an Elven, however, it represent her friendship with them.

Lumabas ng kwarto si Norn. Pagkababa naman niya ng hagdan ay nakita niya ang kaniyang ina mula sa siwang ng pinto na naka-upo sa couch na nasa loob ng kwarto nito. Nakatingin ito sa labas ng bintana at mukhang napakalalim ng iniisip. Ang ilalim ng mga mata nito medyo mapula na tila ay kagagaling lamang sa pag-iyak.

Hinawakan niya ang busol ng pinto at ilang saglit pa na tinitigan ang ina bago ito isara. Naglakad siya sa napaka-ikling pasilyo ng kanilang bahay at nakita naman ang kaniyang ama na nakatayo sa tabi ng nakabukas na pintuan ng bahay.

Nang makarating siya sa tapat nito ay walang ginawa ang kaniyang ama kung hindi ang tumingin sa kaniya ng malungkot. Kumpara sa kaniyang ina, ang ilalim ng mga mata nito ay may itim na kulay. Mukhang hindi ito nakakatulog.

“You shouldn't stay up late.” walang emosyon niyang wika sa ama. Her father stiffened a little before looking down.

“I'm. . . I'm working all night this pass few days. Plano ko kasi na magbenta rin ng mga gamot.” he said but it was full of awkwardness. Norn can actually felt that, so as Misha.

Dahil walang nais pang sabihin si Norn ay minabuti niyang humarap na lamang sa labas at maglakad patungo duon. Sumunod naman kaagad sa kaniya ang lumilipad na si Misha. Gaya ni Nevin ay may naka-abang din na makalumang sasakyan na siguradong ipinadala ng akademya.

Huminto si Norn nang nasa tapat na siya ng maliit at simple nilang tarangkahang gawa pa sa tabla na pininturahan lamang ng puti. Kasabay nun ay ang tila ba pag-ihip ng hangin dahilan para payidin ang kaniyang buhok at suot na palda.

“Norn!” sigaw ng kaniyang ama.

Napalingon si Norn sa kaniyang likod ngunit isang yakap ang sumalubong sa kaniya. Wala namang naging reaksyon si Norn sa ginawa na yun ng ama. May parte kay Norn na nagsasabing ganun ang gagawin ng kaniyang ama. . . yun ang iniisip niya ngunit, maaari ring yun ay dahil lamang sa may parte sa loob niya na hinihintay ito.

“You better come back safe. . . someday.” anito ng may lumuluha. Ang yakap nito kay Norn ay mas humigpit ngunit hindi marunong magreklamo si Norn at hindi rin naman niya ramdam na gawin iyon.

“I will come back stronger and braver. I'll probably learned a lot of things in there and beat Nevin.” she said in an empty words.

Mahinang tumawa ang ama bago humiwalay. Tiningnan niya ang anak na tila ba ay sobra niya itong ipinagmamalaki. Nangungulila man ito sa dating Norn ay masaya pa rin siya at lumaki itong maaasahan at di marunong bumali ng pangako.

“You should go now. Malapit na magsimula ang pagsusulit. Make them see what a Hale can do.” turan pa nito at marahang tumungo si Norn saglit para ipakita ang kaniyang pag-sang-ayon.

“Paalam, Noziel. Hanggang sa muli.” saad ni Misha habang kumakaway gamit ang dalawa niyang mga kamay.

Bago tumalikod si Norn ay nakita pa niya ang kaniyang ina sa binta ng silid tanggapan nila. Nakatayo ito at nakatingin sa kaniya. Ang mga titig nito ay hindi mawawalan ng pag-aalala.

The Lie of Eternity Where stories live. Discover now