Chapter 25: Rest Day, Day Out?

14 11 0
                                    

Araw ng linggo, kasalukuyan.

Walang ginagawa ang kahit na sino. Habang sa kwarto ni Zantania ay maaamoy ang halimuyak ng mabangong panlinis ng katawan mula sa nakabukas na pinto ng banyo ng dalaga.

Nakatayo ito sa loob ng shower at pinabubula ang kaniyang buhok maging ang kaniyang katawan ay kaniyang kinuskus at nang matapos ay saka niya hinayaan ang sariling bagsakan ng tubig mula sa shower.

Lumabas siya ng banyo ng nakatapis at dumiretso sa kaniyang damitan. Nagbihis siya ng isang magandang damit at nag-ayos ng kaniyang mukha. Matapos nito ay umalis na siya ng kaniyang kwarto at tinahak ang daan papunta sa kwarto ni Nevin na ginagamit ngayon ni Norn. Kumatok siya sa pinto nito ng ilang beses, lumabas naman ang kanina pa gising na si Norn. She's just wearing a plain Lacy dress.

"What is it?" Mahinang tanong ni Norn.

"We're going to the down town market." nakangiti nitong ani na tila ay hindi siya tumatanggap ng pagtanggi.

"Why?" tanong muli pabalik ni Norn.

"To enjoy the sunny sunday. Besides, staying the whole day inside our dorm was really exhausting. It's so hot in here." paliwanag niya at siya na mismo ang kusang nagtalikod kay Norn bago isara ang pinto ng dalaga.

"I'll wait in the living room so don't take too much time, okay?!" sigaw niya bago muling maglakad paalis.

Nakarating siya sa living room at nakita ang dalawang lalaki kasama si Cosima. Napangisi na lamang siya at nailing nang maalala na sa ganitong pwesto rin niya naabutan ang tatlo kahapon. Ngunit ngayon ay mukhang mas maraming pagkain ang mga ito sa lamesa. Halos ay malalamig ang mga ito.

Lumakad siya palapit sa likod ni Koa at itinuon ang kaniyang mga kamay sa taas ng sandalan ng couch bago pasadahan ng tingin ang mga kasama. Bahagya pang nakakunot ang noo na tila ay namomroblema siya at nag-aalala sa tatlo.

"I told you to come with me. Bakit ayaw ninyo akong samahan? Masama ba ang pakiramdam ninyo?" usyoso niya sa mga ito.

"Hindi ganun yun." napatingin siya kay Koa ng magsalita ito. "It's just that, no matter how many times I thought of getting out, I only felt getting itchy and tired. Hindi ko na kayang ibilad pa ang sarili sa arawan na iyan. Masakit pa ang katawan namin." mahinahon na anito bago bumalik sa pagbabasa.

"Even if it's would be Norns first time to go to the town?" at dahil sa tanong niyang iyon ay tila nahinto ang tatlo sa kanilang mga ginagawa.

"A moment." sabay-sabay na wika ng mga ito at bumalik sa kanilang mga kwarto. Napatayo naman ng maayos si Zantania at hindi mapigilan ang paglabas ng ngiti sa kaniyang mga labi.

Napaangat siya ng tingin at napahinto sandali sa itsura ng dalaga. Norn was wearing an off shoulder with strap dress. The trunk and skirt parts was in sky blue while the ruffle above the bust was in a white color. It was partnered with a white sandals. She had her hair braided in the middle with all it's strand. And wearing a normal and not eye catching summer straw hat.

"Nice choice. Napaka-init ng panahon. Mabuti at iyan ang ang pinili mo." napapakurap na aniya habang nakatingin sa dalaga. Kalaunan ay napangiti din ito.

"Let's wait for the others. Guys don't take that long when they are preparing. Wanna have some juice?" Naglakad patungo sa kusina si Zantania ngunit nakita pa niya ang pagtango ni Norn bago ito sumunod sa kaniya.

Kumuha siya ng pitcher habang si Norn naman ay naiwang nakatayo malapit sa lamesa. Umupo siya sa lagi niyang inuupuan na silya. Iyon ay ang pinakadulo katabi ng nasa unahan at nag iisang silya dahil parehaba ang kanilang lamesa.

The Lie of Eternity Where stories live. Discover now