Chapter 2: Nevin's Departure: I'll wait for you

35 26 17
                                    

There ya go! 2 giant steins of beer!”

“Is there any room for anymore?”

“Miss, isang special meat pie dito!”

“Yes! Special meat pie, coming right up!”

Dinig na dinig ni Norn ang ingay ng ibang costumer sa loob ng bar na iyon. Kaunti lamang ang naririto kaya halos mag echo sa buong gusali ang boses nila. Samantalang ang mga tagasilbi o taga kuha ng order naman ay nagmamadali sa pagkuha ng order ng mga ito dahil sa lalakas nilang kumain at uminom ng alak.

Walang limitasyon ang bar na iyon. Ang mga kagamitan nila ay purong gawa sa bakal at kahoy. Konting mga costumer mapa babae at lalaki. Ang ilan ay dumadayo upang kumain habang ang iba ay upang magsunog-baga.

Ngunit meron namang pumupunta duon sa hindi ganun ang dahilan. Naparuon si Norn upang muling tikman ang masarap na wine. Labing-pito pa lamang siya pero hindi naman yun ganun kahalaga dahil para sa kanya ay wala ng saysay ang edad kaya hindi na iyon ang basehan niya sa araw-araw niyang buhay.

Hawak ang librong kaniyang kasalukuyang binabasa ay naka-upo siya sa pang-isahang taong pwesto. Katabi ito ng bintana kung saan matatanaw mo ang iba pang mga tindahan na nasa labas nito at ang kalsadang dinadaanan ng mga tao.

Nine Lives’ yun ang pamagat ng librong binabasa niya. A book about lives that no one had ever thought that it would turn them asking: who would die next? It was a good story indeed.

“Ang ibang mga tao talaga, hindi mo alam kung anong pumapasok sa isip nila para magkaroon ng lakas ng loob na magdesisyon sa magiging kapalaran ng isa pang tao.” wika ng maliit na boses na siyang nakatago sa kaniyang leeg at natatakluban ng buhok.

Kinuha niya ang bote ng wine at isinalin sa baso ang natitirang konti nitong laman. Ininum niya iyon habang nakatingin sa mga taong nasa labas at tila may mga tinitingnan sa isang direksyon na hindi na abot ng kaniyang tingin dahil sa bintana.

“Man, nandyan ang mga Sirius. Mukhang magkakasiyahan na naman sila rito sa downtown. Takaw atensyo na naman mula sa atin.” agad na wika ng isang lalaking bagong dating sa bar sa tatlong lalaking nag-iinom.

“Ang mga Sirius? Ayos! Masisilayan ko na naman ang mapuputi at makikinis na katawan nila.” manyak na wika ng isang kabayong lalaki. O kahawig nya lang?

“Pero bakit kasama pa ang mga lalaki? Sagabal lang sila sa magandang tanawin.” wika naman ng lalaking siguro ay may lahing toro.

Norn stand up and put the book she was holding inside her messenger sling bag. Naglakad siya at lumabas ng bar. Nagkakagulo pa rin ang mga tao ngunit walang paking nagpatuloy lamang siya sa paglalakad.

Naglakad siya hanggang sa marating niya ang kalsadang madalas na dinadaanan ng mga karwahe. Pinagigitnaan ito ng dalawang gubat. Ngunit sa tabing daan ay punong may pula at kahel na dahon ang iyong makikita. Sa likod ng mga ito ay mga punong berde na. Makikita sa kalsada ang mga dahong nahulog mula sa mga puno at nilipad ng hangin.

Taglagas na pala. Ang bilis lumipas ng panahon.” naisatinig ni Misha at lumabas sa pagkakatago sa kaniyang buhok. Hindi na nakapagtatakang lumabas ang mga maharlika mula sa akademya.” dagdag pa nito at sinalo ng kaniyang ulo at mga kamay ang pulang dahon na halos sing laki na niya.

The Lie of Eternity Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ