Chapter 14: In Mythology class

15 17 0
                                    

Nakarating sila sa una nilang klase para sa unang asignatura. Ang loob ng silid-aralan ay masasabi mong para nga talaga sa asignaturang kanilang tatalakayin ngayong araw. Ang mga upuan ay gawa sa katawan ng puno at kahoy rin ang mga lamesa. Pang-dalawahan ang mga upuan at lamesa ruon.

Samantalang sa sulok naman ay may isang puno na ang katawan ay nakadesinyo kung saan ay maaari itong pagpatungan ng mga gamit na pang silid-aralan lamang. Ang pisara ay nasa pagitan ng dalawang maliit lamang rin na puno na nakadikit sa pader.

May aquarium din sa gilid sa tabi ng bintana at sa likod naman na nasasulok ay dalawang istante ng mga libro. Sa kabilang parte naman ng silid ay may mga pekeng ibat-ibang klase ng laruang mahihiwagang hayop.

Sa oras na iyon ay labing walo lamang ang nasa klase nila. Hindi rin gaanong kalaki ang silid pero hindi naman ito masikip kahit marami rin ang mga kagamitang nakapaloob dito. Idadagdag mo pa ang mga istudyante.

Ganun din naman sa silid aralan kung nasaan sina Nalani. Ang una niyang asignatura ay tungkol sa pag-guhit. Kasisimula pa lamang klase ay nakatayo na si Nalani sa unahan at may ngising ipinapakita ang iginuhit niyang kalawakan. It was beautiful but it's wasn't actually the exact lesson they were going to tackle about.

However, in Norn's class, she was sitting beside Eos who actually requested it. Misha on the other hand was sitting over Norn's shoulder. Maaari siyang sumama sa klase ni Norn dahil nasa patakaran naman iyon at sariling guardian ito ng istudyante.

Hindi lamang sa katunayan silang dalawa ang nasa ganung sitwasyon. May dalawa pa sa klase na gaya ni Norn ay may kasamang Faerie. Isang babae at isang lalaki na sa nakikita nila ay may mas malalim na relasyon sa isat-isa gaya ng pagiging magkasintahan.

“Okay, everyone.” tawag pansin ng gurong babae. Maikli ang buhok nito gaya ng sa babae, kulay itim ang mga mata at mapuputlang balat. Gaya ng ibang professor ay naka-suot din ito ng mahabang ruba at may pang ilalim na pants at mens suit.

“Since I am just a new professor here, allow me to introduce myself. I'm Professor Valerie Unsworth, a vampire.” sa pakilala nito sa sarili ay maraming napasinghap.

Kilala ang mga bampira bilang ‘Holy Drinker’ o ‘The cold ones’. For some people, Vampires or Vampyres are creatures, often fanged, that preys upon humans, generally by consuming their blood. And obviously, they're dangerous.

“I like you.” agad silang napatingin sa taong nagsalita nuon. Duon nila nakita si Cosima na nakatingin lamang sa guro.

“Oh?” tila hindi malaman ng professor ang kaniyang dapat itugon. “Why?” tanong niya na lamang.

“Because you can scare everyone by just telling them your origin.” sagot nito with a negativity.

“I see. So, how would I take that? A compliment, Miss Gaccione?” nag-cross arms ito at naglakad palapit kay Cosima matapos bahagyang sumilip sa hawak niyang papel kung nasaan ang mga impormasyon sa bawat magiging istudyante niya.

“If I say; I want to be the scariest person in Chantara, would that be counted as a compliment? It's a pleasure for me.” sagot ni Cosima ngunit naruruon pa rin ang hindi maipaliwanag na negatibong ekspresyon sa mukha niya. O matatawag nga bang may ekspresyon siya.

Hindi naman maiwasan pareho ni Misha at Eos ang mapaawang ang kanilang mga labi at humanga sa taglay na kaibahan ni Cosima. Hindi kasi nila akalain na may nabubuhay talaga sa mundo na gaya nito. Hindi makuhang masanay ni Eos at lagi siyang napahahanga nito.

“I don't understand how your mind works, Miss Gaccione, but since it was a compliment on your side, I should take it the same way you do.” wika ng guro at muling bumalik sa harap.

The Lie of Eternity Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora