Chapter 6: The meeting: Exi Archés

22 24 10
                                    

Si Hairi ay patuloy na humihikbi na lamang ng mahina. Napagod na kasi siya sa kanina pa niyang pag-iyak. Akala niya ay kaya niyang tatagan ang kaniyang sarili gaya ng kung paano siya nagpakatatag noong kapanahunan pa niya ngunit, tila ba ay napakalaking emosyon ang nahahakot mula sa kaniya nang siya sa maging isang ina.

Si Noziel naman ay katabi lamang nito at marahang hinahaplos ang likod ng asawa. Si Misha ay kasama nila ngunit nakatakip sa kaniyang mga mata ang kaniyang mga kamay dahil hindi niya magawang lapatan ng tingin ang hindi maipaliwanag na itsura ni Nevin. Talagang hindi mo ito makikilala.

Sabay-sabay silang napahinto nang may kumatok sa pinto ng pribadong kwarto na iyon. Maraming malalakas na prisensya ang mararamdaman mula sa labas at isa duon ang pamilyar.

“If you don't mind?” wika ng isang malalim at ma-awtoridad na boses.

Mula sa pagkakatayo malapit sa binata ay naglakad si Norn palapit sa pinto at pinagbuksan ang nasa labas. Bahagya naman tumungo sa  kaniya ang Headmaster na may kakaibang titig na inihahandog sa kaniya.

Katabi ng pinto ay gumilid si Norn upang bigyan ng mas malawak na daan ang iba pa nitong kasama. May dalawang babae at tatlo na lalaki sa grupo. Kung mamasdan ay naglalaro lamang sa edad na 30's at 40's ang mga ito.

Ang limang taong mukhang may matataas na tungkulin ay hindi maiwasang mapatingin kay Norn hanggang sa lumampas na sila rito. Having no care at all, Norn closed the door and go back infront of the window.

“Sorry if we interrupt your moments, Hales. I just want to introduce to you. . .” inilahad niya ang kaniyang mga palad upang ipakilala ang mga kasama niya. “. . . the Exi Archés. They will be part of our meeting and explains everything you needed to hear.” wika nito sa seryosong boses.

“Nice to meet you again, Noziel Hale, Hairi Whitewood.” woman with the young looks, same as Norn's mother said with a simple caring smile.

She is a tall woman who's already in her 29 years of existence. She have a wavy-mid length natural brown hair the she keeps loose in a lob hairstyle with bangs swept to the left side, pointed long ears, Reddish brown eyes color, red-violet lips and a voluptuous body behind her floor length maroon robe that has a black hood.

“I wish to talk to you all in the other place.” Norn's father says in a serious voice.

“Of course, Mr. Hale. But as what the Exi Archés had asked, can you come with us, Ms. Norn?” tumingin ang Headmaster kay Norn ngunit kahit nagtatanong ito ay hindi pa rin iyon mababasa sa kaniyang mukha.

“I don't think you'll take no, Headmaster of Chantara.” walang kalaman-laman niyang turan habang nakatingin sa labas ng bintana at pinanonood ang pagpatak ng nyebe sa lupa. Nasa ikalawang palapag lamang sila ng tila kastilyong paaralan na iyon kaya malinaw niya itong nakikita.

Pagkatapos niya iyong sabihin ay saka siya marahang tumingin diretso sa mga mata ng Headmaster na laging may kakaibang emosyong dumadaan sa mga mata tuwing ang paningin nila ay magtatama.

Ang babae namang tinatawag na isa sa mga Archés, ang babaeng bumati sa mga magulang ni Norn, ay nanatiling nakatingin sa kaniya ng may ngiti. Ngunit gaya ni Alaric, ang Headmaster, may kung ano rin sa mga mata nito ang hindi mo maipaliwanag kahit ilang beses mo pang makita.

“I don't know what's your business with my daughter, but if it's something that would really be crazy and disturbing, I'm telling you, Alaric, I might destroy your academy and I don't care what happens to other students. Not when my son is in this kind of situation.” malamig na wika ng ama ni Norn.

The Lie of Eternity Where stories live. Discover now