Chapter 5: The Letter

24 23 15
                                    

[Warning: SPG— Brutal scenes ahead]

“You have a sister, right? Hey, right? Am I right? I know her all along.” wika ng lalaking naka-maskara na tila ay natutuwa siya sa isang bagay na hindi naman maunawaan ng kausap niya.

Nahinto ang sistema ni Nevin sa narinig. Sa kung anong dahilan ay nakaramdam siya ng kaba dahil duon. Sa tono pa lamang ng lalaki ay masasabi mong may nalalaman itong mga bagay na kahit kailan ay di niya gugustuhing lumabas mula sa bibig ng isang baliw na lalaking nasa harap niya ngayon.

“Alam mo ba na gustong-gusto kong mahuli siya? Sabi nila, sabi nila. . .” hindi niya nagawang matapos ang sasabihin dahil napatakip siya ng dalawang kamay sa kaniyang bibig habang ang mga mata niya ay punong-puno ng kasiyahan. He even let out a crazy giggles as if he was so happy and excited about something.

“Sabi nila. . . i can make a good army with her. And you know what? I felt so excited to see her all of a sudden! Do you think I could see her? Do you think I can examine her whole body. I wanted to see her.” habang sinasabi niya ang mga yun ay makikita ang kasabikan sa kaniyang mukha. Ang kaniyang pisngi ay namumula at ang mga mata niya ay tila nangangarap sa isang paraiso ng kasiyahan.

“Norn Hale. Norn! Norn! Norn~” wika pa nito sa ganun pa ring paraan at animoy kinababaliwan ang dalaga.

Ang kaba at panghihina na naramdam ni Nevin ay biglang nawala. Dumilim ang paningin niya at lumamig ang kaniyang aura, samantalang nawalan naman ng emosyon ang kaniyang mukha. Naka-awang ang kaniyang labi na tila ay nablangko ang kaniyang pag-iisip habang pinapanood ang lalaking paulit-ulit binabanggit ang pangalan ni Norn ng may pagnanasa sa hindi malamang bagay.

“Itigil mo yan.” wika ng malalim at sobrang lamig na boses mula kay Nevin ngunit ganun pa rin ang itsura niya. Tila siya ay nabablangko.

Ang lalaking may baliw na katauhan ay napatigil sa pangangarap ng gising. Mula sa pagkakatingala nito sa kisame ay bumagsak ang kaniyang paningin kay Nevin kasabay ng pagbakas ng ngisi sa kaniyang mga labi.

“Itigil ang alin?” mapang-uyam nitong wika gamit ang malalim at magaspang na boses. Dahil pa sa pagtingin kay Nevin ay nalaglag ang ilang hibla ng bukod niya sa kaniyang noo habang nang ngumisi naman siya ay lumitaw ang kaniyang nag-iisang pangil.

“Stop. . . STOP SAYING MY SISTER'S NAME WITH YOUR DISGUSTING MOUTH! YOU CRAZY CREATURE!” Sigaw niya sa mukha ng lalaking nakamaskara.

Nawala ang ngisi sa labi ng lalaki at napalitan ito ng malamig na emosyon. Mabilis nitong hinawakan ng sobrang higpit sa panga si Nevin gamit ang libre nitong kamay.

“Bakit, huh? Bakit? May magagawa ka ba? May magagawa ka ba? Wala! You. Can't. Do anything! Norn Hale is mine! Her body is mine! I'll make the greatest warriors with her and destroy everything in this world. And you all can't do anything about that.” sigaw nito pabalik bago isaksak sa leeg ni Nevin ang karayom.

Nanigas sa kina-uupuan si Nevin habang damang-dama ang masakit na pagtusok ng malaking karayom. The dark liquid glow as it flows through Nevin's veins. Naramdamang kaagad ni Nevin ang ipekto nito sa katawan niya.

The pain is making him crazy as if something wants to come out off his body. He shouted in pain but its just added the pain. He tried to fight it but the more he hardened his body, the more it becomes painful.

Ang ang lumiliwanag na tila ay mga ugat sa leeg niya ay kumalat hanggang sa kaniyang ulo. Bumaba rin ito sa kaniyang buong katawan at hindi nagtagal, ang mga dasto ng ugat sa balat niya ay naglabas ng kulay itim na likido.

Ang itim na likidong iyon ay unti-unting binalot ang katawan niya. Dumoble ang kaniyang laki at unti-unting nagbago ang kaniyang itsura. Mula sa isang napakagandang lalaki ay naging isa siyang halimaw. No, the word to describe it was, devil.

The Lie of Eternity Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin