Chapter 30: The confusion within

7 9 0
                                    

Sinamahan sina Eos ng batang si Amelia sa tahanan ng kaniyang pamilya. Isang may kalakihang bahay na gawa marahil sa mataas na kalidad ng kahoy at semento. Simple lamang ito ngunit mas kakaiba kumpara sa mga nadaanan nilang bahayan. Maalikabok ang paligid at tila ba ay hindi man lamang ito nahahawakan.

“Nakakapagtaka nga dahil lagi ko namang nililinis ang bahay kahit na napakalaki nito, ngunit maya-maya ay mapapansin kong makapal na naman ang alikabok nito.” anang bata habang sila ay nasa salas.

“Gusto mo ba na linisin namin ito para sa iyo? Bilang kabayaran na rin sa pagpapatuloy mo sa amin dito.” wika naman ni Koa na sumisilip sa mga antigong gamit na naruon gaya ng ginagawa ng iba.

“Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit pero sige. Bilang pasasalamat ay magluluto na lamang ako para sa inyo.” wika naman ng bata ngunit kapansin-pansin pa rin para sa iba ang kakaiba nitong pagsasalita na para bang hindi nalalayo ang edad nito sa kanila.

“Then I’ll be helping in the kitchen.” wika naman ni Eos sinamahan si Amelia sa kusina para tumulong sa pagluluto.

Ganun din naman ang ginawa ng iba pa at naghanap ng mga kakailanganin nila sa paglilinis. Bago pumasok si Amelia sa kusina ay hinarap muna nito si Norn na pinapanood din siya. May kakaiba sa tingin ng bata tungo sa kaniya. Tila ba ay nakikita nito ang buong pagkatao ng dalaga maging ang lahat ng sekreto nito. Pinanood ni Norn ang paggalaw ng mga labi nito at nabasa niya ang minsahe na hindi niya malaman kung nauunawaan ba niya o hindi.

Gaya ng iba niyang mga kasama ay naglinis din siya. Nakasuot siya ng apron at puting bandana sa ulo. May hawak siyang pang-alis ng alikabok na binubuo ng isang patpat at tila kumpol ng mga balahibong nakadikit dito. Hiwa-hiwalay sila ng lilinising lugar at inilagay siya sa paglilinis ng kwarto ni Amelia.

Nalaman niyang sa bata ito dahil sa mga litratong naruon. Mukhang bata pa lamang ay napapaligiran na ito makakapangyarihang tao dahil ang mga larawan ay hindi lamang sa kaniya at sa pamilya niya. Naruon din ang ilang tila ay may matataas na katungkulan na pamilyar kay Norn.

At ngayong natitigan niya ng matagal ang mukha nito ay unti-unti na rin itong nagiging pamilyar sa kaniya. Konti na lamang ay maalala na niya kung saan nga ba niya nakita ang mukhang iyong nang maagaw ang atensyon niya ng bumukas na pinto at ang tunog nitong nagpapatnay kung gaanong katagal na panahon na ito mula ng gawin.

“Wala kang makukuha sa simpleng larawan lamang.” ani Amelia na siyang pumasok sa pinto. “Buhay naman ako at maaari mong tanungin ng harap-harapan.” anito pa naglakad palapit sa kaniya.

“Buhay?.…” Norn doubtly whispered, enough for only both of them to hear.

“Huh?” pagtataka naman na tanong sa kaniya ng batang babae na tila hindi siya nito maunawaan. Duon ay saka naman pumasok si Eos.

“Ms. Norn, the food is ready. Everyone are in the kitchen already…”

Imbis na sagutin iyon ni Norn ay naglakad na lamang siyang patungo sa pinto. Nilampasan nito si Eos na nagtatakang tinitingnan silang dalawa ni Amelia. Walang imikan na nakarating ang tatlo sa kusina kung saan ay naghihintay ang lahat. Nagkukwentuhan ang mga ito at agad namang ipinaghila ni Eos ng upuan si Norn.

Ngunit hindi nawala ang tingin ni Norn sa dalawa ng ipaghila rin nito si Amelia ng upuan. Nasa kanan siya ng binata habang nasa kaliwa naman ni Eos ang batang babae. Pinanood niya kung paano ngumiti dito si Eos at kung paano din ngumiti sa kaniya ang isa. Bata lamang ito at hindi iyon lingid sa kaalaman ni Norn ngunit, tila ba a may kakaiba sa kilos nito na masasabing misteryoso sa hindi magaan sa loob.

Pinakatitigan lamang ni Norn ang bata hanggang sa bigla na lamang tila may kuminang sa batok nito ay tumili kasabay ng pagliyad. Napatingin naman ng nagtataka ang mga kasama nito dahil sa biglang ginawa. Ramdam ng bata ang rumaragasang basang bagasa batok.

“Anong problema, Amelia?” tanong ni Nalani rito at kaagad napalingon duon ang bata. Nanlalaki pa rin ang mata nito sa gulat at hindi nakasagot kaagad habang nakahawak ang kamay sa batok.

“H-Hm! Nakagat lang ng lamok.” she reasoned out unsure on what to answer. Kahit hindi sigurado ay tumango naman si Nalani bago ibinalik sa pagkaing nasa harapan ang atensyon. Tiningnan ng bata ang kaniyang kamay at nakitang basa nga ito ng marahil ay tubig ngunit halos magyelo sa lamig.

Nang wala na sa batang si Amelia ang atensyon ng lahat ay duon ito lumingon kay Norn. She have an expression of worry and confusion. She had blinking attempts before focusing to her food with Norn still on her mind. Si Norn naman ay nananatili lamang na kumakain ng marahan at tahimik kahit ramdam niya ang tingin mula sa dalawang tao. Ito ay mula sa bata at ang isa ay mula kay Eos.

“So Amelia, if you don’t mind, did you try to find your parents, friends, or anyone you know in another way?” paguusisa ni Syria na sinundan naman ng tango ng ilan bilang pagsang-ayon.

“Sa katunayan ay sinubukan ko na. Sinubukan ko ng pauulit-ulit pero hindi ko sila mahanap. Nilibot ko ng napakaraming pagkakataon ang bayan at nadiskubre pa ang ibang mga lugar at taguan dito ngunit, sa kasamaang palad ay wala talaga akong nasilayan ni isa sa kanila. May mga lugar din akong paulit-ulit na binabalikan ngunit hindi ko naman maunawaan ang lugar na iyon.” naguguluhan nitong wika habang nakatingin sa mga kamay niyang na sa tuhod.

“Anong... ibig mong sabihin?” mabagal na tanong naman ni Eos. Saglit lamang siyang tiningnan ng bata bago muling ibalik sa mga kamay.

“Sa lugar kung saan nyo ako nakita. Yun ang lugar kung saan ako laging bumabalik sa hindi ko rin maunawaang dahilan. Minsan ay magigising ako na nasa pagitan na muli ng mga istatwa. Siguro ay sa sobra kong pangungulila ay napapanaginipan ko na sila at naglalakad ako ng tulog. Nagkakataon marahil na sa lugar na iyon lamang ako nagigising dahil may kalayuan man ay kailangan mo lamang diretsuhin ang daan sa harap ng bahay na ito patungo roon.” paliwanag nila na nakadagdag kapaliwanagan sa mga nakikinig.

Tumango ang lahat habang si Norn naman ay nakatitig lamang sa lamesa. Pumikit siya saglit bago niya marahang nilingon ang bata. Hindi ito masyadong nasasanggahan ni Eos kaya kitang-kita niya ito. Pinakatitigan niya ang bata habang itinatatak sa sariling isip ang bawat kataga na lumalabas sa bibig nito. Maya-maya ay marahan siyang tumayo.

“M-Miss Norn? Saan ka pupunta?” tanong sa kaniya ni Eos.

Magpapahangin lang…” mahina at seryoso niyang tugon.

“S-Sasamahan na kita! Baka hindi ligtas sa labas kaya…” kaagad na ito ay tumayo habang mababakas ang kaba sa kaniyang mukha at kilos.

“No thanks,” kaagad ay napatigil ito sa lamig ng boses na iyon ni Norn. Maging ang kasama nila ay di mapigilang magtaka. “captain.” mahina at dugsong ni Norn sa sinabi makalipas ang dalawang segundo.

Tuluyang umalis si Norn ng hindi man lamang nililingon ang kaniyang mga kasama o kahit si Eos na tulalang napatitig sa kaniyang likuran. Nang makalabas ay tumigil muna siya sa tapat ng pinto at mahinang nagbuntong hininga. Tumitig siya saglit sa daang nasa harapan bago nagsimulang tahakin ito.

The Lie of Eternity Where stories live. Discover now