Chapter 9: Unfortunate Past

18 20 14
                                    

“Norn!”

“Norn!”

Dahan-dahang iminulat ni Norn ang kaniyang mga mata. Ang boses na kaniyang naririnig ay nag e-echo sa buo niyang sistema at ginigising ito. It was a woman's voice.

Sa pagmulat ng kaniyang mga mata ay nakita niya ang isang babae sa kaniyang harapan. Ang babaeng nasa harapan niya ay may kulay cream na buhok at may kapulahang mga mata. May suot itong gray na sumbrerong pang tag-init. Nakasuot din ito ng magarang saya. Napakaganda ng babaeng ito.

“Norn, ayos ka lang ba?” medyo nag-aalala nitong tanong sa kaniya. Duon lang napansin ni Norn na nasa isang lugar sila na maraming tao. Para itong isang kainan. Naka-upo siya ngayon kaharap ang babaeng hindi naman niya kilala.

“Sino ka?” mahina at mabagal niyang tanong dahil hanggang ngayon ay naguguluhan pa siya sa napuntahan niyang ilusyon. Ngunit inaamin niya, pamilyar ang babaeng nasa harap niya ngayon.

“Ano ka ba naman Norn. Huwag mo nga akong binibiro ng ganyan. Alam mo naman na may malaki akong problema ngayon. Tsaka isa pa, hindi mo ugali ang magbitaw ng isang biro. Hindi bagay sa iyo.” wika nito at sumandal sa upuan.

“Teka? Ginawa mo ba yun para pagaanin ang loob ko?” biglang turan nito at inilapit ang mukha kay Norn. “Ikaw ha? Sinasabi ko na nga ba at may ganito kang pagkatao. Nakuha mo ako dun ah.” dagdag pa nito at tumawa.

Nangunot ang noo ni Norn at minasdan ang kabuuan ng tumatawang babae sa harap niya. Dahil sa ginawa niyang iyon ay nakita niya ang kwintas nitong may pendant na pangalan.

“Elizabeth. . .” mabagal na pagbasa niya dito.

“Hmm?” tugon sa kaniya ng babaeng kaharap habang ito ay sumisipsip ng tsaa sa tasa.

“Elizabeth.” banggit muli niya sa pangalan nito at nangunot naman ang noo ng babae.

“May kakaiba sa iyo ngayong araw, Norn. May sakit ka ba?” tanong nito sa kaniya na tila ay nawiwirduhan na ito sa inaakto niya. Inilagay pa nito sa noo niya ang kamay para pakiramdaman ang temperatura niya.

“Anong problema ang tinutukoy mo kanina?” tanong ni Norn. Napatigil ang babae sa kaniyang ginagawa at kalaunay inalis ang pagkakalapat ng kamay sa noo ni Norn bago ngumuso.

“Sabi na nga ba at hindi ka nakikinig sa sinabi ko kanina. Alam mo, malapit na talaga akong magtampo sa iyo. Kaninang umaga ay iniwan mo ako sa dormitoryo ngayon naman ay parang wala ka ng pakialam sa akin. Sabihin mo, may iba ka na bang kaibigan? O mayroon ka ring dinadalang mabigat na problema? Magsabi ka lamang Norn. Hindi dahil mukha kang matapang at matatag na binibini ay makakaya mo ng harapin ang dilubyo.” naghihinanakit at kalauna'y may pag-aalala na wika nito sa kaniya. Hindi naman siya umimik duon kaya napa-buntong hininga ang babae.

“Hindi maaari iyon, pasensya na. Gaya ng sinabi ko sa iyo kanina, nakita ko na namang muli ang hinaharap. At patungkol ito sa isang binibini na matagal mo ng kilala, Norn. May isang bagay siyang gagawin na hindi ko mawari kung bakit niya gagawin at kung papaanong umabot siya sa ganuong sitwasyon.” malungkot na litanya nito.

The Lie of Eternity Место, где живут истории. Откройте их для себя