“Eh wala ka namang karapatan dahil hindi naman tayo!” asik ko.

Natahimik siya sa puntong iyon at ramdam ko ang tila naluluha nitong mga mata. Para s’yang batang sinigawan ng nanay niya dahil sa bagay na hindi n’ya dapat gawin. Tumingin ako kay Helicus at saka siya natatawang nakatingin kay Vox na no’n ay nagtago sa likod ni Kelson at Hexon.

“Ikaw bakit mo kami sinusundan?” tanong ko sa kaniya.

“Dahil naliligaw rin ako. Bawat madaanan ko ay sa iba akong tinutungo. Sinusundan ko kayo dahil narinig kong doon ang tungo niyo sa Devunieake,” sagot nito.

Napaisip ako sa sinabi niya at habang inaayos niya ang sarili at pinapagpagan ay nakarinig ako ng tinig na tila tunatawag sa akin. Napalingon ako sa ibang direksyon at ang boses na ‘yon ay minsan ko nang narinig. Hindi ko alam kung bakit parang nahihipnotise ako ng boses na ‘yon at hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may kumpkontrol sa katawan ko.

Napahinto ako sa paglalakad nang bigla na lang may hawak sa magkabilaang kamay ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang malalim na bangin. Nasa ilalim noon ang dagat na appy at napalingon ako sa may hawak sa magkabilaang kamay ko. Agad nila akong hinila pabalik kaya naman tatlo kaming napasalampak sa damuhan.

“Myxsica hindi mo pa nababalik ang kapayapaan sa Ethrejal magpapakamatay ka na?” ani ni Kelson.

Napatingin ako sa kanilang lahat at pakiwari kong nag-alala sila sa akin. Napaupo ako at saka ako napahawak sa ulo ko. “Ano ba ang nangyayari sa ‘yo at tinanong mo lang ako bigla ka na lang naglakad nang dire-diretso,” sabi ni Helicus.

“Oo nga, kinakausap mo lang si Prinsipe Helicus para ka nang nawala sa sarili,” sabi naman ni Fracia.

“Ano ba ang sinusundan mo?” tanong naman ni Abriya.

“Hindi ko alam,” sagot ko naman at saka ako tumayo.

Pinagdikit ko ang parehong pala ko at saka pinikit ang mga mata ko. Nang maramdaman kong lumabas na ang kapangyarihan na kailangan ko ay saka ko ito tinapon paitaas dahilan para kumalat ang liwanag sa buong paligid at mapatakip kami ng aming mga mata. Nang mawala iyon ay doon namin nakita ang kakaibang bumabalot sa buong paligid at napamura ako sa isip ko.

“Ano ‘yan?” hindi makapaniwalang tanong ni Vox.

“Nakakulong tayong lahat sa isang globo,” sagot ko.

“A-Ano?” -Hyx.

“Pinaglalaruan nila tayo,” inis na sabi ko at saka ako napakuyom ng kamay ko.

“S-Sino naman? Bakit nila?” tanong ni Hexon.

Tumingala ako at saka ako ngumisi. Alam kong nakikita nila at nasasaksihan nila ang ginagawa namin. Simula pa noong una hanggang ngayon. Hindi lang pala iisa ang nilalagay kami sa ganitong sitwasyon kung hindi dalawa.

“Ayusin n’yo ‘yang ginagawa niyo. Dahil sa oras na makalabas ako dito. Sisiguraduhin kong mawawala kayo sa mundong ito,” banta ko. “Tingin niyo ba hindi ko agad malalaman? Gano’n ba ako katanga para hindi kayo makilala?” nakangising sabi ko.

“Sandali lang sino ba kausap mo?” nalilitong tanong ni Fracia.

“We need to get fucking out of here,” inis na sabi ko.

“Do I know them?” tanong nito sa akin.

“Iyong isa ay hindi, she was my personal enemy,” sagot ko.

“Personal?”

“Could you stop asking? I’m thinking how to destroy it!”

“The what?”

“This whole area! We are inside of the crystal ball!”

“Iba na naman ang lenguwahe na ginagamit nila,” bulong ni Abriya.

“Oo nga. Pakiramdam ko talaga may binabalak nang masama sa atin si Prinsipe Vox at Myxsica,” sabi naman ni Fracia at umiiling. “Ano sa tingin mo, Prinsepe Helicus?” tanong nito sa katabi niya na nakatingin sa amin ni Vox.

“Hindi naman siguro,” sagot lang nito.

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMWhere stories live. Discover now