C. 3

9 6 0
                                    

"Tin, una tayo magde-defense." Bungad sakin ni Aileen.

"Nagbunutan na?" Tanong ko. Kararating ko lang, I thought maaga ako, seems like I'm not since hindi ko naabutan yung bunutan o sadyang napa aga lang ang bunutan, as far as I know maya maya pa dapat yun.

"Yep, kani-kanina lang." Sagot ni Aileen.

"Asan yung iba?" I asked eyeing our classmates, they're all wearing fomal attire.

"Sa kabilang section, naghahanda. Pinahiram muna satin yung room, nasa Immersion pa naman kase yung kabilang section." She replied leading me to the room.

"Tin." "Christine." Kanya-kanya nilang tawag sa pangalan ko.

"Kalma, isa lang ako." Awat ko, magsabay sabay ba naman, maintindihan ko kaya sila. "Oh, ano yun?" Tanong ko sa kanila.

"Una raw tayo." Balita ni Jessica. Isa sa mga ka grupo ko.

"I heard." I replied.

"Dala mo yung name tag?" Tanong naman ni Julie.

"Yea, sa bag. Kunin mo na lang."

Hinanda namin ang mga kailangan namin at nag ayos ng sarili para naman presentable kaming tignan. Maya maya rin ang tanong nila tungkol sa research namin, obvious na mga walang alam sa papel namin.

*
*
*

Maya maya pa ay nagsi-datingan na ang panelist. We were called in and we handed the copies of our papers and presented our research papers. After presenting, they asked questions regarding our papers and we answered them all, or should I say, I answered it all. Anyway, our presentation ended without a hitch, that's all that matters. Himala nga na nakasagot ako kahit na walang tulog. Hindi ko nga ramdam yung defense dahil lumulutang yung isip ko dahil sa walang tulog. Hindi ko malaman pano ko nairaos to.

Hinubad ko ang coat ko dahil pinapawisan na ko sa sobrang init. Pumunta ako sa kabilang room para magpahinga at inaantok ako, ikaw ba naman pumasok ng walang tulog, to top it all, defence day pa. Inaayos ko ang gamit ko ng lumapit si Aileen sakin.

"Tin, kain tayo mamaya pagkatapos mag present ng group ni Mazy." Aya ni Aileen.

"Matutulog muna ko. Inaantok ako, pang ilan ba grupo niya?" I asked, removing the first two button of my longsleeve.

"Pang apat, matagal pa naman yun." I just nodded at her and tried to take a nap.

*
*
*

"Akala ko ba kakain tayo? Ano ginagawa natin dito sa department store?" I asked these two who dragged me here. Kanina pa kami paikot ikot dito pero wala naman silang binibili.

"May bibilin kase ako, kain tayo pag tapos." Sagot ni Mazy habang sinusukat yung radiation glasses.

"Bibilin mo ba yan?" I asked. Sh*t, nagugutom na ko, hindi enough yung sandwich na kinain ko and kaninang umaga pa yun. It's already past lunch for christ sake.

"Hindi bagay, hubarin mo na." Aileen commented.

"Ansama Ail, ah." sagot ni Mazy na naka nguso.

"Ano ba kase yung bibilin mo?" Tanong ni Aileen.

"Wallet, nawala yung wallet ko e." She said looking down and I sighed.

"Anything important in there?" I asked.

"Uh, pera lang, wala pa naman akong ID." She replied shaking her head.

"Let's go pick a wallet for you now, nagugutom na ko, abutin tayo ng siyam siyam dito." Reklamo ko.

*
*
*

Natagalan kami bago pa makapili ng wallet si Mazy, ang daming arte, lahat ng i-recommend sa kanya laging may say. Minsan ang sarap din niyang sakalin. Kung hindi lang kami magkaibigan baka nagawa ko na. Just kidding, hindi naman ako violent person. We made our way to the counter and paid for the wallet.

A Path to Where? Where stories live. Discover now